Chapter 17

22.8K 1.4K 254
                                    

Chapter 17


"May pa-crochet si bakla!"

Napaigtad ako sa gulat dahil sa biglang pagsigaw ni Satarrah. Sa sobrang focus ko sa ginagawa ay hindi ko na ito napansin na pumasok sa office ko.

"Why are you here?" Tanong ko sa kanya at hindi pinansin ang sinabi niya. Inayos ko na lang ang nagkalat na ibat-ibang kulay na yarn sa table ko.

The day after tomorrow will be Verra's birthday. Ilang araw na akong hindi mapakali dahil hindi ko alam kung anong ireregalo dito.

We all know that Verra is rich, so there is nothing special if I give her luxury products and jewellery. I just decided to give her something that I made myself. Napili kong mag-crochet ng bulaklak na akala ko ay madali pero hindi pala.

Kahapon ko pa ito pinag-aaralan, pero kahit basic pattern ay hindi ko makuha. Ilang videos na ang napanood ko at ilang yarn na rin ang nasayang ko dahil sa ilang beses akong umulit. Maging dito sa office ay ito na ang ginawa ko sa halip na ang trabaho ko dapat.

I just want to give Verra something that she can keep and appreciate. I'm also planning to bake a cake for her birthday.

"Wala lang. Just checking on you. What's that for?" Sambit ni Satarrah habang naguguluhang nakatingin sa akin at sa ginagawa ko.

"Basta. Do you know how to do this?" I asked her instead. If I tell her that this will be for Verra, she will tease me for sure.

"I don't." Sagot nito na inaasahan ko na. Bihira rin kasi talaga ang magtitiyagang matuto ng bagay na ito.

Satarrah stayed for a while in my office before going back to their department. Kinulit pa ako nito kung para saan ang ginagawa ko, kaya napilitan akong sabihin sa kanya ang totoo. Tulad nga ng sinabi ko ay ilang ulit na panunukso ang nakuha ko mula sa kanya.

Nang makaalis ito ay ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa at mayamayang mapapa-isip kung tama ba ang desisyon ko sa buhay.

I never imagined I could put in this much effort for someone.

Maging sa sumunod na araw ay iyon ang inatupag ko hanggang sa mismong araw ng birthday ni Verra.


Today is Verra's 26th birthday.

Verra mentioned that she won't be having a party since she already had one last year. Isa pa ay wala ang mga magulang nito sa bansa dahil sa business matter.

She said she would like to celebrate her birthday with me and her friends, then later with her family, kapag nakabalik na ang parents niya.

Mabuti na lang at Sabado ngayon at walang pasok. I slept late last night because I was finishing the third flower crochet. I was not satisfied with my gift, so I also bought a pair of silver earrings for her yesterday.

Tanghali na akong nagising kaya naman natataranta akong kumilos para simulan agad ang planong ipag-bake ng cake si Verra.

I haven't tried baking cake before, but I already tried cupcakes kaya hindi na ako masyadong nahirapan. Ang kaso lang ay masyadong dry ang una kong na-bake, kaya umulit pa ako ng isa.

Sa paglalagay lang ng icing ako medyo nahirapan. I decorated the cake in a simple way. Hindi dahil iyon talaga ang gusto ko kundi iyon lang ang nakayanan kong gawin. Natuwa naman ako dahil kahit papaano ay maayos ang kinalabasan nito.

Nang matapos ako sa ginagawa ay doon ko lang napansin ang oras. Nawala ito sa isip ko at hindi inaasahang hapon na pala. Halos inabot din pala ako ng higit tatlong oras sa paggawa ng cake dahil ang alam ko ay 12 noon na ako nagising kanina.

I Am a WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon