Chapter 12

23K 1.1K 324
                                    

Chapter 12


Nakakunot-noo kong pinagmamasdan si Verra at ang lalaking kausap niya kanina pa. Verra seems to enjoy that guy's company because I can see her laughing with him. Who is that guy anyway?

We are currently in a business party of the Croesta. Croesta family is one of the most influential families in the business world and politics, kaya naman puro mga businessmen and politicians ang nandito ngayon. Some Seriantel are also here. Nakita ko pa nga kanina si Tito Neon at si Sofia.

I don't exactly know the purpose of this celebration, tho. Nahila lang naman ako dito ni Verra. Pero nakalimutan na yata ng babaeng yon ang presensiya ko. Mahigit 15 minutes na silang nag-uusap ng lalaking kasama niya. While I'm just here at our table, inip na inip na.

Ano bang ginagawa ko dito? Display?

"Hi! You're Cee Seriantel, right? Grandchild of Sebastian Seriantel?"

Ibinaling ko ang tingin ko sa nagsalita. It is a woman, probably the same age as me, wearing a beautiful black formal dress.

Mabuti na lang at mellow music lang ang meron sa party na ito, kaya't nagkakarinigan pa rin ang mga nag-uusap.

"Uhm, yes." I answered. I honestly don't know this woman, but she's familiar.

"I'm Monica Croesta. It's nice to meet you." Napaawang naman ang mga labi ko dahil sa nalaman. She's a Croesta pala. Marahil ay isa siya sa mga anak ni Mayor Meynard Croesta.

Nakakahiya namang hindi tanggapin ang kamay niya, kaya agad din akong nagpakilala. I don't also feel something off about her. She seems well-mannered and nice.

"I'm Cee Seriantel. It's nice to meet you too, Miss Monica."

Marahan naman itong napatawa sa turan ko.

"You can just call me Monica. So, how is the party so far?"

"It's good." I lied. Sa totoo niyan ay gusto ko na talagang umuwi.

"But you don't look like you're enjoying it."

Hindi ko naman alam ang isasagot ko dahil sa sinabi niya. Masyado ba akong halata?

"It's okay. I also don't want to be here, to be honest." Ngumiti pa ito na siyang ikinahinga ko ng maluwag. Dahil sa pagngiti nito ay napunta ang tingin ko sa mga labi niya.

Kanina ko pa iyon napapansin, pero pilit kong iniiwas ang tingin ko doon dahil baka pag-isipan ako nito ng masama. But I just can't help myself because I like what I see.

"I like your lipstick. What shade is that?" I blurted out without thinking. Gusto ko namang mapatakip ng sarili kong bibig dahil sa sinabi. Gosh. I literally forgot that I am a man.

Nakita ko pang napaawang ang mga labi niya sa gulat. Of course, sino ba namang straight na lalaki ang magtatanong ng about sa lipstick, Cee?

"I-I mean, I'm going to buy my g-girlfriend the same shade." Pagpapalusot ko. Goodness. I can't even say that without stuttering.

Pero sa halip na sagutin ang nauna kong tanong ay iba ang lumabas sa bibig nito.

"Oh, you have a girlfriend."

Ibubuka ko na ang bibig ko para sumang-ayon sa kanya, pero hindi natuloy ang sasabihin ko dahil naramdaman ko ang marahang paglapat ng isang kamay sa balikat ko.

"He has, Monica."

Then there is Verra, standing elegantly in her sexy burgundy formal dress. Dahil sa malamig na tingin nito, ay may hula na ako kung ano ang nasa isip niya.

I Am a WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon