Chapter 48

318 9 13
                                    

Sorry talaga at napakatagal kong nag UD haha I'm really sorry talaga pero ayan sana magustuhan ninyo itong UD ko. malapit na itong matapos and this is dedicated to all those people na nagta-tiyagang maghintay sa mga UD's ko. Alam kong hindi ako magaling sa pagsusulat kaya laking pasasalamat ko sa inyo at umabot ako sa reads na hindi ko inaasahang aabutin pala nito. Sa mga taong nagko comment salamat talaga at natutuwa ako sa mga  comments ninyo. Anyway sana sa nalalapit na pagtatapos nito ay mag enjoy kayo at sana madaanan niyo rin kahit papaano ang iba ko pang mga gawa. (UY sume segue lang ang peg?) hehe anyway sana mabasa niyo rin ang ibang gawa ko. 

Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa heto na ang update :D sana magustuhan ninyo :DD

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Hello Phoem?" Sagot ko sa telepono nang marinig ko ang hudyat na natanggap na ni Phoem ang tawag ko.

"O Kess? Kanina ko pa kayo tinatawagan hindi kayo sumasagot nasaan ba kayo? Kayo talaga ibinuyo niyo ako dito sa kumag na 'to!" Pagmamaktol nito sa kabilang linya.

"Hoy sinong maysabing isa akong kumag?" NArinig ko  pang kumento mula sa kabilang linya. Marahil ay makasama pa rin ang dalawa hanggang ngayon.

"Ah basta huwag ka nang magtanong tanong diyan. pumunta na kayo rito at nang hindi na ako nagsasayang ng laway pa rito dahil marami pa akong gagawin."

"Hmmmp." pagsuko naman nito . Naiimagine ko na talaga kung paano ito umirap kung nandito siya sa harap ko.

"Basta pumunta na kayo dito. paki bilisan lang ha? kung ayaw niyong may ma miss sa mga mangyayari. sige kayo. magsisisi talaga kayong dalawa."

"Bakit ba ano ba ang mapapalagpas namin pag pumunta kami diyan ah?"Mataray na tugon nito

"Aba aba. bahala na nga kayong dalawa diyan basta heto ang address" Sinabi ko na ang address ng venue at pinatay ko agad ang telepono upang hindi na sila makaumang pa. Napakakulit pa naman nung dalawang yon.

“Teka kess~! KEss! “ Sigaw ko pero binabaan na ako ni Kess. Napaka blunt talaga ng babaeng ‘to kung minsan eh. Haay

“Hoy sinisiraan mo talaga ako sa barkada niyo ‘no? kaya pala wala man lang nagkakainteres sa akin sa kanila kasi napakadumi na ng iniisip nila sa akin kasi grabe ka kung mag- supply ng mga maling informations tungkol sa akin.” Sumbat ni MIggy sa akin.Habang nakakunot noong nagmamaneho at nakatuon ang paningin nito sa daan at panaka nakang sumusulyap sa akin.  Halos makalimutan ko na ngang nasa tabi ko siya eh. ‘pano naman eh nagsa-silent treatment na ako dito dahil naiinis na kasi ako sa pang-aasar niya. Kung hindi lang talaga tumawag si Kess eh hindi talaga ako magsasalita bahala na kung mapanis man ang napakamahal kong laway basta ayoko nang magsalita.

"Oyy masama sa katawan ang hindi nagsasalita."

Bahala ka diyan . kausapin mo ang air freshener mo!

"Ooy kung hindi ka magsasalita diyan hahalikan talaga kita." Banta pa niya sakin. Hmppp as if naman tototohanin niya diba? Bahala siya diyan.

Ilang saglit lang ay bumuntong-hininga lang ito at itinabi ang sasakyan. Nagulat pa ako nang humarap siya sa akin at tiningnan niya ako ng mataman.

Naka drugs ba ang lalaking 'to?

HE stared.

And stared.

And Ang AWKWARD!!!!!

"gusto mo ba talagang halikan kita?" Tanong pa nito.

Ewwww naman noh? sino ba ang may gustong magpahalik dito sa palakang ito? Kung ako ang papipiliin kay Julian na kakambal niya nalang ako magpapahalik atleast mukhang mas harmless pa iyon kaysa rito kay Miggy. On the second thought pareho lang pala sila ng mukha kaya kung hinalikan ako ni Julian eh parang si Miggy na rin yung humalik sa akin. Ah ewan! Ang gulo ng  imagination ko! Basta yon na yon. Errssst! bakit ba parang nakakakilabot ng mga tingin niya. tumatayo mga balahibo ko sa katawan! 

Accidentally InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon