Chapter 5

809 14 7
                                    

Alec's POV

Sa kanya pala yung mga bagahe na nadatnan ko kanina pagdating ko. Kung makaempake naman itong babaeng 'to wagas! Sana dinala na lang niya ang bahay nila kung ganoon, gusto ko tuloy siyang asarin, parang palaban eh, pero wag na muna, maybe next time, marami pa akong dapat asikasuhin, at isa na 'ron ang problema ko na may kinalaman sa dorm room ko.

Pinuntahan namin ang office ng landlady namin.

*Tok, tok, tok*

"Come in." sabi ng taong nasa loob.

Pumasok naman kaming dalawa. Hindi niya ako kinakausap at ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin o kahit sulyap man lang. Dire-diretso siyang pumasok at sumunod naman ako sa kanya.

"Ano'ng maipaglilingkod ko sa inyong dalawa?" mahinahon na tanong ng Landlady.

"Kasi po mukhang may nagkamali po sa pagbibigay ng susi sa kanya." Tinuro pa ako ng babae at nagpatuloy. " Tapos mukhang maling room din po yung nabigay niyo sa kanya."

Hinayaan ko na lang yung babae sa pagsasalita niya kasi alam ko naman na akin talaga yung room na  'yon. Mismong sina dad yung nagpa book ng room ko kaya sigurado akong ang babaeng 'to ang uuwing luhaan.

" Teka iche-check ko muna rito. Umupo muna kayong dalawa siyan habang hinihintay niyo ito."

Tiningnan ng landlady ang records sa computer niya at umupo kaming dalawa sa upuan sa harap ng kanyang mesa.

Ano nga pala ang name niyo?

" Pretzel Azalea Beatrice Moreno po" Sabi ng babae. Wow! haba ng pangalan niya ha? 

"At ikaw naman?" BAling sa aking ng landlady

"Earl Alexander Zapanta po " 

-tip

-tap

-tik

-tok

-plok

-pik

-kik

-tut

May tinype siya sa Keyboard niya. Ito namang si LAndlady kung maka type kala mo may galit sa keyboard.

"Ah" Tumangu-tango pa siya. "Anong room number pala yung nasa inyo?"

Nagkasabay pa kami ni Miss sungit sa pagsagot sa tanong.

"113' sabi niya

"103' Sabi ko

"So isa sa inyo ang nagkakamali ng room." paliwanag ng landlady. "malalaman lang natin yan kung pupuntahan natin ngayon ang room na sinasabi niyo."

Lumabas kami ng opisina ni Landlady at nagtungo sa second floor para tingnan ang "scarborough shole" este ang room na pinag-aagawan namin.

Pagdating namin sa itaas ay..

O_O ....

Nanlaki ang mga mata naming dalawa.

=_=

tiningnan ko talaga ng mabuti ang karatula sa itaas ng kwarto.

Room.....................

Accidentally InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon