Chapter 11

654 8 0
                                    

Recap: *Ting

Alec's POV

"May alam akong sikreto mo." ito na ang last baraha ko.

"At ano naman iyon ?" Nanghahamon pang sabi nito

"Alam ko'ng di ka marunong magluto."

"So?"

"Hindi ka ba natatakot na ilabas ko iyon in public?"

"Bakit naman ako matatakot?"

"Urghhhhhhhhhhhhhh! Wag ka na ngang pakipot!" HIndi ko na talaga mapigilan ang temper ko rito sa babaeng 'to dapat pa nga siyang magbunyi kasi siya pa ang pinili kong gawing girlfriend ang dami pa namang nagkakandarapa diyan.

"Anong pakipot? Basta final na ang Decision ko!" Tumayo siya at sinipa ang binti ko. Napaaray lang ako at sinapo ang nasaktan kong binti. Sinamantala naman iyon ni Pret upang makatakbo ng mabilis hanggang sa hindi ko na siya nahabol.

"Haaay ano 'bang gagawin ko?"

*PRETS' POV

Dumating ako sa campus ng mas maaga dahil schedule ko'ng maglinis ngayon sa teachers desk .Naabutan ko ang mga estudyanteng nagkukulumpunan sa bulletin board. Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa pupuntahan ko.

"Pret!" Tawag ni Phoem sa akin.

"O bakit mas nauna ka yata sa akin Phoem?" Nakisabay na ako sa kanya

"Nakita mo na ba ang bulletin board?" Tanong ni Phoem habang hinihingal pa. Mukhang tumakbo pa yata siya para lang makaabot sa akin.

"Ah oo nadaanan ko bago lang. Bakit?" Nagtaka ako kung bakit parang may something na hindi ko alam. Ano bang meron sa bulletin board?

"Hindi mo ba sinilip man lang?"

"Hindi... BAkit? Anong problema?"

Sa halip na sagutin ako ay hinila lang niya ako patungo sa Bulletin board at nagsitabi ang mga taong kanina ay parang hindi na mapuknat sa kadudutdot para mausisa kung ano ang mayroon sa bulletin board.

Pagkabasa ko sa caption ng picture eh nagulat ako.

⊙.☉

⊙_☉

❂.❂

@.@

(O.O)

"Blind item: Dating?"

"Ohemgeeeeeeeeee!"

Tumakbo ako para magtago. Paano na kung malaman ng mga magulang ko ang eskandalong na misinterpret ng kumuha ng larawan na iyon? Paniguradong sabog ang beauty ko nito. And what's worse is si Alec pa ang kasama ko! Earl Alexander Zapanta! Anak ng close friend nila Mommy! Tzzzk!

Nakarating ako sa school farm at doon ko napiling magkubli. Siguradong alam na ng mga echuserang estudyanteng nakiusyoso sa bulletin board na kami ni  Alec  ang nasa picture kahit blinurr yung mga mukha doon.

Suddenly may narinig ako.

NP: Grow old with you

♫I wanna make you smile whenever you’re sad

Carry you around when your arthritis is bad

Oh all I wanna do is grow old with you♫

May kumakanta ng malakas.

♫I’ll get your medicine when your tummy aches

Build you a fire if the furnace breaks

Oh it could be so nice, growing old with you♫

Naglakad pa ako furher sa may damuhang bahagi ng farm. 

♫I’ll miss you

Kiss you

Give you my coat when you are cold♫

Mag nag-gigitara. Ang ganda naman ng boses. Sana hindi ako marinig sa paglapit ko. Humakbang pa ako ng mas malapit pa sa bushes na pinanggagalingan ng tunog.

♫Need you

Feed you

Even let ya hold the remote control♫

In-on ko yung touch screen phone ko para i record ang boses at nagkubli sa likod ng bushes.

♫So let me do the dishes in our kitchen sink

Put you to bed when you’ve had too much to drink

I could be the man who grows old with you

I wanna grow old with you♫

Natapos na ang kanta at kumilos na ako ng maingat para hindi ako mapansin ng nag-gui-guitara, pero bigla itong nagsalita.

*End of Pretzels' POV

*Alecs' POV

"Too late Pret. Lumabas ka nga riyan para kang stalker na nag-i-ispy jan."

Alam ko naman na may paparating kanina eh. At alam ko rin na si Pretzel yung paparating. Pero ang hindi ko maintindihan eh kung bakit pa siya naglakad patungo sa  may bushes. HIndi ba siya natatakot na baka masama yung nasa likod ng bushes? Tss ang tanga talaga nitong babaeng 'to.

"Ay kamote!"

"Kamote ka diyan. Ako ito noh. Uyyy stalker ka ha. PAsulyap-sulyap ka kunwari patingin tingin sa akin. " 

"Hoy Etchuserang ambisyosong ulol! Excuse me nagtatago po ako. Di po ako bumubuntot 'sayo. Feeling mo naman kung sino kang gwapo? Duh! Mukha mo, paa ko lang." Kontra niya.

"Weh? If I know... excuses mo lang yan."

"Hey! Don't you dare say that! Kung tutuusin ako nga ang dehado dahil sa kagagawan mo!" NAg cross arms pa siya.

Huh? Dahil sa akin? Bakit kaya?

"At ano naman ang kasalanan ko?"

"At nagpapainosente ka pang lalake ka ah!"

"Magtatanong ba ako kung alam ko?"

"So hindi mo alam?"

"Helloo sa uulitin hindi ko ng alam."

"The Picture!" Sigaw niya sa akin tapos ang sama pa ng tingin niya.

Aaaah kaya pala. So naipadala na sa kanya ni MIggy yung picture na pang blackmail ko. Hahaha Good job MIggy!

"Aah so you received the picture huh?"

"Anong "received" ang sinasabi mo?" Sigaw niya sa akin. Seriously nakalunok ba ng microphone 'tong babaeng 'to? Ang lakas sumigaw.

Then dumating ang three musketeers. Sina MIggy, Julian, at Cliffe.

To be continued..........................

Accidentally InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon