Chapter 15

637 10 3
                                    

*Kezhiah's POV

*Ringgggg

Nag excuse muna ako sandali mula sa practice ko. tumatawag kasi nsi Bunso. baka naiinip na yon sa kakahintay sa amin doon sa may lake kasi mga thirty minutes na rin kaming late kasi inextend ng thirty minutes ng trainor namin yung practice. Gutom na siguro yon.

"Kess mauna na muna ako sa Enduhmain. Okay lang ba?" Pagpapaalam niya sa akin.

"Hindi pa ba sila dumating?" Tanong ko sa kanya, yung iba talaga mahilig dumating ng late sa usapan.

"Hindi pa eh. May kailangan lang kasi akong gawin ngayon kaya magdi-dinner sana ako ng maaga."

Nakakaawa naman si bunso. Saan na naman kaya nagsususuot ang mga yon?

"Sure ja? Ikaw lang mag-isa? Hindi masarap kumain kung mag-isa lang, hindi mo mase-savor ang lasa. Kung gusto mo sasamahan kita hintay ka lang ng mga fifteen minutes matatapos na kami, naextend kasi ang practice eh."

"Okay lang ako Kess may kasama naman ako for dinner." Uy may kasama siya? Pero diba kasasabi lang niya kanina na mag-isa lang siya?

"Sinong kasama mo?"  Pang-uusisa ko sa kanya

"....."

Hindi siya makasagot.

" Pret still there?"  paniniguro ko.

"Aaah... eh... me..dyo cha....py an...g line  Ke.....ss. Hi...ndi ki...ta gaa...non....g ma....rin...ig." 

Mukhang malabo nga ang linya. kasi hindi ko na rin masyadong maintindihan ang sinasabi niya.

"O sige bye. Ingat ka ah." Pagpapaalam ko sa kanya at ibinaba ko na ang cellphone ko at inilagay sa bulsa. Bumalik ako sa look ng practice hall at sumali sa practice.

*End of POV

**Candace's POV

Nasaan na kaya sila? Patungo na ako ngayon sa napag-usapan naming meeting place nina Pret. Medyo feeling ko nga ten minutes late na ako sa usapan kasi habang papunta na ako kanina eh bigla ko'ng nasalubong si Julian. at itinanong niya sa akin kung nakita ko raw ba si Miggy, yung kakambal niya. pero hindi ko naman alam kung nasaan si Miggy eh then nagpasama siya sa akin. Naawa naman ako sa kanya kasi sabi niya na kanina pa raw niya hinahanap si MIggykaya hayun sinamahan ko na muna siyang hanapin ang kakambal niya.

As usual maagang dumating si Pret, early bird kasi yon eh. Nakaupo siya sa bench habang pinaglalaruan ang coke float niya. Si Pret talaga minsan may kakaibang trip sa buhay. 

Papunta na ako sa kanya nang may humawak sa balikat ko. Sa both sides talaga. Dalawang kamay. Kinabahan ako. Sisigaw ba ako ng "Kidnap!" O hindi? Hindi na lang hindi naman ako Kid diba? "Adultnap" na lang kaya ang isigaw ko? Di rin kasi hindi pa naman ako Adult. "Teenap" siguro ang dapat ko'ng isigaw kasi teen pa naman ako diba? Pero parang ang sagwa namang pakinggan ng "Teenap"Diba? Or lingunin ko na lang kaya 'to at nang malaman ko kung sino. Pero paano kung monster ang makita ko? Bahala na.

Dahan dahan akong lilingon.

Ipikit ko na lang muna kaya ang mga mata ko para thrill

Wow may pa thrill thrill pa akong nalalaman ah.

Sige ipipikit ko na lang at baka monster talaga 'tong humahawak sa balikat ko.

Naku huwag naman sana.

lumingon na ako. 

Nakapikit pa rin

"Hahaha" Nagtatawanan yung mga humawak sa akin. " Ang tanga tanga mo talaga kung minsan Candace! Ikaw na talaga! IAkw na ang Reyna ng katangahan."

Accidentally InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon