Chapter 17

585 8 3
                                    

 Recap: " So ano pala ang ikinakatakot mo? Bakit ayaw mo akong maging pseudo boyfriend?"

*Pretzel's POV*

"HIndi naman sa ayaw ko sayo." Pagsisimula ko sa paliwanag ko. Paano ko ba sasabihin ang lahat? Ise-share ko ba sa kanya kung bakit? Hmmm Baka pagtawanan lang niya ako nito.

"Kung ganoon bakit nga? Isang beses ka lang namang magpapanggap eh."

"Ganito kasi yon." Sige na nga masgsi-share na ako.

Flashback

Kalagitnaan na ng school year noon, nagbaksasyon kami sa Batanggas nina Mom at Dad, may resthouse kasi kami doon tapos tamang tama eh semestral break na kaya niyaya ko sila Mom at Dad na mag Batanggas muna kami for my Sem. Break.

Ang resthouse namin eh nasa itaas na bahagi ng parang isang subdivision kung maituturing,kasi marami ring mga resthouse na nakatayo roon na minsan lang kung matirhan ng mga may-ari at iminementena lang ng mga katiwala.

Tuwang-tuwa ako noon kasi minsan lang naman kaming mag out of town nila Mom eh kasi busy sila masyado sa company. Wala pa kaming dalang mga yaya at bodyguards noon. Sina Mom, Dad at ako lang talaga ang nagpunta doon. Si dad pa ang nag drive ng sasakyan.

Pagkarating namin sa Batangas eh may naging kapit-bahay kami. Sa tapat ng Resthouse namin eh yung sa kanila. Naging friend ko yung babaeng anak nila. Ang pangalan niya ay Anne.

Mabait si Anne, sa sobrang bait niya sa akin eh palagi na lang kaming magkasama, kumbaga naging instant bestfriend ko siya. Ayaw na nga naming maghiwalay noon eh kasi uuwi na ako sa amin pagkatapos ng ilang linggong pananatili namin doon sa resthouse.

Wala akong nagawa kasi magre-resume na yung klase eh and so, umuwi ako sa amin at nag promise akong babalik next summer.

Nag-aral ako ng maigi para hindi ko maisip na matagal pa ang pasukan at matagal pa bago ko makita si Anne. Sabik na sabik na akong makita siya kaya nung magsa-summer na eh ready na yung mga gamit ko papuntang Batanggas.

Nagpahatid ako sa driver namin sa Batanggas pagkatapos ng last day ng klase namin . Ganoon ko talaga ka miss si Anne eh, sobrang nami-miss ko na talaga siya. Excited na akong mamitas ng strawberries kasama siya. May mga tanim kasi sila noon sa backyard nila eh. 

Pero pagdating ko sa batanggas eh wala siya sa kanila. Akala ko umalis lang siya, kaya nagtanong ako sa Parents niya kung ano ang nangyari, at nabigla ako sa nabalitaan ko tungkol sa kanya.

Umalis pala si Anne kasama ang Boyfriend niya or in short, nakipagtanan raw si Anne doon sa lalake at hindi nila alam kung nasaan na si Anne. Tanging ang note lang na iniwan ni Anne ang naiwan sa kanila na nagsasabing Mahal na mahal raw niya ang lalaki at kahit ano pa'ng mangyari eh hinding-hindi na raw mahahadlangan ng mga magulang niya ang pagmamahalan nilang dalawa ng boyfriend niya. Ayaw kasi ng parents niya sa lalaki at pinapili raw ang mga ito  si Anne between sa kanila at sa lalaki kaya hayun nakipagtanan si Anne.

*End of flashback

"Dahil doon napagpasyahan ko na huwag munang mag-enggage sa mga things na may kinalaman sa love love na yan. Or sa mga things na somehow related sa term na 'love' kasi dahil diyan, maramming nagugulong mga buhay at nasisirang mga pangarap." 

"Hindi naman sa lahat ng panahon eh negative ang dala ng love eh."

"Hindi nga, pero sa ngayon na kaya ko pang iwasan ang ganyan eh iiwasan ko na muna.Tutal wala namang mawawala sa akin kung hindi ako magkakaroonng boyfriend diba?"

"Wala nga, pero ang maipapayo ko sayo eh, huwag mong itali sa nakaraan ang lahat ng bagay ,kailangan mo'ng umusad  para kahit paano eh makawala ka sa anino ng kahapon . Huwag mong gawing basehan ang nangyari kay Anne sa maaring mangyari sa iyo kung magkakaroon ka man ng lovelife. Remember Iba ka, iba si Anne. Maaring negatibo ang naging hatid ng pagmamahal kay Anne pero hindi ibig sabihin no'n na negatibo rin ang dala nito sayo."

Tama nga naman siya. Pero paano kung Negatibo ang dala ng pagmamahal sa akin.? Paano kung  ayaw nina mom at dad sa lalaking napili ko? Sino kaya ang pipiliin ko kung magkaganoon man?

"You have to accept the fact na somehow kahit anong iwas mo sa love eh kusang lalapit 'yan. At huwag mo'ng isipin na kagaya ni Anne eh papipiliin ka ng Mom at Dad mo kung sino ang pipiliin mo, malay mo sila pa ang mag ensist na maging kayo ng napili mo, then boto pala sila sa lalaking yon so wala ka nang problema pag nagkataon."

"Hmmm , Tama ka nga. .. Teka, Ikaw ba talaga si Alec? " Sinipat sipat ko siya, tinuktok ko pa yung ulo niya. "Sinapian ka ba ng kung ano mang espiritu?"

Natawa naman na parang ewan si Alec sa ginawa ko at kinurot niya ang Pisngi ko. 

"So that means, payag ka na?"

There was a mischeivous glint in the corner of his eyes.  Ano ba? Payag ba ako?

To be continued....................

VOTE? COMMENT?

Accidentally InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon