Chapter 41

442 6 8
                                    

HEhehe Ngayon pa ako nakauwi galing school hehehe :)) Helo! Helo! Heto na po ang UD ko hehehe ^___^ HAlabyu all! And MOOOOOORAAAAAAMing salamat sa pagbabasa nito :)) Enjoy!

_____________________________________________________________________________

Matapos ang ginagawa ay agad na nagpunta si Alec sa kwarto niya. Mabuti na lang at tinawag si Pretzel kanina ng katulong dahil ipinapatawag daw ito ng lolo nito.

Ayaw niyang nakikita siyang nasa ganoong sitwasyon. Iyong tipong para siyang kawawa. Lahat naman siguro ng lalaki ayaw ng ganoon.

Humiga siya sa kama at sa paglapat pa lang ng likuran niya sa mattress ay parang ayaw na niyang bumangon pa ulit. Ikaw ba naman ang magbuhat ng ganoon karaming mga panggatong at nakisama pa ang panahon na sa sobrang lamig, parang mabibiyak na ang mga panga niya pangangatog dahil sa sobrang ginaw .

Kung hindi lang siya naoobliga ng dahil sa matandang yun sus hindi niya siguro magagawa ang ganoong klase ng trabaho. Sino ba namang tange ang susugod sa labas para lang magpakalunod sa nagyeyelong paligid para lang manguha ng mga panggatong? 

Tinapik tapik niya ang balikat niyang parang namamanhid na yata dahil sa sobrang sakit. Nakatalukbong na nga siya ng kumot pero nilalamig pa rin siya. Mukhang magkakasakit pa yata siya sa lagay niya ngayon. Tss.

Itutuog na lang muna siguro niya ang nararamdamang sakit dahil baka kinabukasan ay mawala na iyon. dala lang siguro ng pagod at lamig ang sakit dahil naman hindi siya sanay sa mga ganoong klima.

Meanwhile....

"Miss Pret nasaan na po ba yung kasama niyo at hindi ko na yata yun nakikita simula kaninang hapon nung matapos niya yung pinapagawa ng Don." Sabi sa akin ng manang.

"Ah baka nagpapahinga lang po sa kwarto niya manang. Pupuntahan ko na po muna." Sabi niya at agad na nagtungo sa kwarto ng binata.

Kinatok niya ng marahan ang pinto pero walang sumasagot.

"Alec." tawag niya rito pero wala pa rin.

"Alec maghahapunan na." Improma niya rito.

Bakit ba hindi ito sumasagot?

Nilakasan na niya ang boses niya dahil baka naka headset lang ito kaya hindi siya marinig, "Alec! Maghahapunan na!"

Still, wala pa rin. Medyo kianakabahan na siya. Baka umalis na ito dahil sa hindi pagtrato rito ng maganda ng lolo niya. huwag naman sana.

"Alec, pag hindi ka pa sumagot bubuksan ko na talaga 'tong pinto" Banta niya rito pero wala pa rin siyang sagot na natatanggap galing kay Alec.

Bumibilis na ang tibok ng puso niya dahil baka napano na ito sa loob. Kinuha niya ang spare key sa kusina at dali-daling binuksan niya ang nakakandadong pinto.

Pagbukas niya ay nagulat siya sa nakita,

Naroon si Alec at nakatalukbong ng kumot, halos hindi kumikibo at natutulog ng mahimbing.

NIlapitan niya ito para yugyugin ang balikat nito upang makagising.

"Alec." Sabi niya sabay hawak sa parte ng kumot sa may balikat nito. Nagulat siya ng parang napaso ang kamay niya pagkahawak niya rito.

Hinawakan niya ito ulit at sa ngayon ay dinama niya ang noo nito. Nanlaki ang mga mata niya ng madama niyang napaka init ng noo ng binata. Nag-alala siya . "Alec. gumising ka nga muna." Puno ng concern na tawag niya rito pero bilang tugon ay umungol lang ito.

"Manang!" Sigaw niya. Buti na lang at malapit lang ang kusina doon kaya narinig siya agad ni manang.

"Bakit po Miss Pret?" Tanong nito pagdating sa may bungad ng pinto.

Accidentally InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon