Chapter 35

520 4 0
                                    

HalloOOOO!!!! Hehe Sowi at ngayon lang ako nakapag UD. hehehe medyo Besssiiii masyado sa  Skul eh.. Hehehe. Ano? Boring much naba iteeeyyy?????hehehe Salamat nga pala sa mga Readers nitong Story ko na walang sawang sumusuporta :)) I Love you with all my Brain at chaka heart. :))))

  Sa mga nag add ng story ko sa RL nila. MOOOOORRRAAAAMINNNNG salamat!!! :)))

 ____________________________________________________________________________

“O anong plano mo?” Tanong ni Alec kay Pretzel habang panay ang kalikot  nito sa cellphone nito.

“Wait lang at may idina-dial pa ako.” Sagot naman nito sa kanya na hindi man lang siya binabalingan.

“Hey look, hindi ka man lang ba nag-aalala kung wala tayong tutuluyan ngayong gabi?” Naiinis na siya sa pangbabalewala nito sa  kanya at imbes na pansinin siya ay tila mas busy pa ito sa cellphone nitong hindi niya alam kung ano ang diperensya para kalikutin nito. “Ano ba ang problema mo diyan sa Cellphone mo ha?”

“Hindi ko macontact si Candace.” Sagot nito sa kanya habang idenadial ulit ang numero ni Candace.

Nilapitan niya ito at kinuha niya ang pack bag nitong mabigat.

“Hello… Malamang na nasa flight na niya ngayon si Candace at baka naka silent mode ang phone niya.”

“Pero mamaya pa ang flight niya. Baka kung anong na ang nangyari dun, Tanga pa naman iyon minsan.” May pag-aalala sa mukhang sambit nito.

“At nagsalita ang hindi tanga. Sino nga ba ang may sala kung bakit hindi nakasabay si Candace sa atin ngayon dahil nakalimutan niyang tawagan ? Hindi ba ikaw?” pang-aasar niya rito ngunit hindi pa rin ito natinag at patuloy pa rin ito sa pagda-dial ng numero.

Sa tingin niya ay wala na talaga siyang pag-asang kausapin nito ngayon habang busy ito sa pag-aalala kay Candace, kaya naman gumawa na siya ng paraan para makahanap ng hotel na matutuluyan nila.

Naalala niyang nasa Seoul pala si Miggy ngayon at may nabanggit itong sa Seoul muna ito pansamantala mag-i-istay para matutukan nito ang progress ng mga negosyo nito ng mabuti.

Bago pa naman kasi iyon at wala ang kakambal nito sa kasalukuyan para tutukan ito dahil si Julian naman a busy sa iba pang mga negosyo nito.

Magkasosyo ang kambal  sa business ng mga ito kaya naman hindi mo sila mahahagilap agad-agad kung hahanapin mo ang mga ito.

Minsan nasa England ang isa sa mga ito at ang isa nasa Macau. Kinabukasan nasa ibang bansa na naman ang mga ito and the same story goes. Baguhan pa naman kasi ang mga ito sa pagha-handle ng mga negosyo kaya hands-on ang mga ito sa pagmamanage.

Tinawagan niya si Miggy at nakausap naman niya ito. SInabi nito sa kanya na sa XYJ hotel daw ang magandang tuluyan nila dahil doon rin daw ito nagsi-stay.

“O nakontact mo na si Candace?” Tanong niya kay Pretzel.

“Wala pa eh. Siguro mamaya ko na lang siya tatawagan.” Sagot nito sa kanya at sa wakas ay tinigilan na rin nito ang cellphone nito.

“Then? ‘san na tayo ngayon pupunta? “

“Hmm Yan din ang iniisip ko eh.”

Bumuntong hininga na lang siya. “ Tinawagan ko si Miggy, sabi niya sa XYJ hotel daw siya nagsi-stay. Doon na lang tayo.”

“Sige, so ang problema na lang natin eh kung paano tayo makakarating sa XYJ hotel. Alam mo ba kung saan yun?” Nagkamot lang ito ng ulo.

Nakalimutan nga pala niyang itanong iyon kay Miggy kaya napakamot na lang din siya sa ulo niya. “Nakalimutan kong itanong eh.”

Accidentally InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon