Chapter 27

497 7 1
                                    

A/N: Pasensya na po sa late na UD , medyo naging malungkutin po ksi si miss awtor this past few days eh. Hmmmm Pero na realize ko.I should be happy, huwag akong magpapaapekto sa mga BV's in life. Haaay. Alam ko wala kayong pakealam sa lifestory ni Miss awtor hehehe pero pagtyagaan niyo po muna ang mga sentiments ko na nasa Authors notes ha? hehehehe i ignore niyo na lang po ang A/n na kagaya nito hehehe . Anyway salamat sa mga readers na nagpapasaya sa akin . :))

_____________________________________________________________________________

Natuon ang spotlight sa platform na nasa harapan. Nandoon ang Mommy ni Alec at may hawak na mikropono. Umalingawngaw sa paligid ang tinig nito. 

"Good evening, ladies and gentlemen." Pagkakuwan ay bati nito sa mga bisita." Pasensya na sa pansamantalang pagputol ko sa pagsasayawan ninyo.  May kaunti lang akong sasabihin ngayong gabi." Lumipad ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Pretzel at matapos naman ay sa parents ni Pretzel na nasa mesa kung saan nandoon rin ang Daddy ni Alec.

"Matagal ko na talagang hinihintay ang pagkakataong ito." Patuloy nito." Noon pa man ay pangarap ko na talagang magkaroon ng girlfriend itong si Xander. To tell you honestly, since kindergarten pa lang siya, hinihintay ko na talaga ang pagkakataon na may maipakilala siyang girlfriend niya.Pero wala eh. " Nagtawanan ang lahat sa sinabi ng Mommy niya. Nahiya tuloy siya sa rebelasyong iyon ng Mommy niya.

"Not until now. When I heard na may girlfriend na daw itong Baby boy ko, at hindi pa niya sinasabi sa amin eh medyo nagtampo ako." Nag pause ito sandali. "Naglilihim na ang Baby ko. Yun ang nasa isip ko. But then I realized that I should not feel that way. Siyempre nagmamature na siya. And I'm very thankful to the reason why biglang nag change itong baby ko." tinitigan nito si Pretzel.

"Si Beatrice." At sinenyasan nito si Pretzel na lumapit sa stage. Tumayo naman si Pretzel at pinigilan niya ito.

Nabigla ang lahat sa ginawa niya. He had a feeling na mukhang may mangyayaring kakaiba.

"Let me escort you." Kapagkuwan ay sabi niya kay Pretzel. Para naman effective ang pagpapanggap nilang dalawa as a couple.

She nodded and He grabbed her hands and they walked to the stage.

"Ow ang sweet." Komento ng mommy niya sa kanila. Sari-saring reaksyon ang natanggap nila mula sa audience. May iba pang pumalakpak." Kaya nga napagtanto ko, at nina Grace na ituloy ang engagement na pinaplano namin noon pa mang mga bata pa sila."

Nagpalakpakan lahat. Ano raw? Engagement? 

"You see, magkaibigan na kami nitong parents ni Pretzel, at noong mga bata pa sila ay gustong gusto na namin silang makatuluyan balang-araw, pero sa paraan na hindi kami ang magtutulak sa kanila, like ipapakilala namin sila sa isa't isa upang magkainlove-an  sila,masyado na kasing chiche ang mga iyon.Gusto naming sa paraang sila mismo ang maygawa, kaya nang mabalitaan kong sa Robinsons papasok itong si Beatrice , pinayagan ko na itong si Xander sa gusto niyang mag-aral ng malayo, hoping that they would somehow cross in one path. "

Sinasabi na nga ba niya, may dahilan ang mom niya sa likod ng pagpayag nito na mag aral siya na malayo rito. But he never expected it to be in that way.

"And now, since sila na nga. Siguro hindi na malabong matuloy ang pangarap namin. Hindi na man siguro sila tututol kung ie-engage na namin sila ngayon pa lang." Nag pause ito sandali at pinalapit silang dalawa.

Rumehistro ang pagkabigla sa mukha ni Pretzel kaya binulungan niya itong huwag na munang mag react at sabayan na lang kung ano ang nangyayari. Agad namang nagabago ang facial expression nito at ngumiti habang nakatuon ang spotlight sa kanila. 

To be continued...............

AN: PAsensya na sa ikli ng chap. time check 11:11 ...... Teka magwi-wish muna ako....................................... Hehehehe Ngayon lang ako nakauwi ng bahay galing kina lola kasi nakinood ako ng basketball at ang ending ... ang ikli na naman ng UD ko. heheh pasensya na.. :)) Thank you for reading this chap :))

Accidentally InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon