Chapter 37

451 5 0
                                    

Pagdating ng pagdating naming sa XYJ hotel ay nag-ayos agad kami ng mga gamit namin at nag check out.

Sumakay kami sa isang bus papuntang train station.

Sa napagtanung-tanong namin ay medyo may kalayuan pala sa kinaroroonan namin doon sa Villa. Mga almost one day rin pala ang byahe papunta roon kaya naman dumaan muna kami sa isang supermarket para bumili ng mga babaunin.

Pumasok kami  sa shop at  pinakuha ko ng basket si Alec.

“Sabi ko na nga ba.” Pasimpleng bulong nito.

“Anong sabi ko na nga ba?” Tanong ko sa kanya na hindi siya nililingon habang mamimili ako ng mga pagkain sa isang estante.

“Wala.” Sabi nito.

“Hindi kita inaalila no?” Naalala niya kasing nagrereklamo ito dahil sinasama lang daw niya ito para may alalay siya.

“O ikaw na ang nagsabi niyan ha? Hindi ako.” Pagmamalinis pa nito.

“HoyEarl Alexander, alam ko na ang likaw ng bituka mo no?” Nilingon na niya ito at nakita niyang nilalaru-laro nito ang isang tangkay ng gulay sa isang estante.

Tinigilan nito ang paglalaro sa kawawang gulay at tumingin rin ito sa kanya. “As in? So ano ang kulay ng bituka ko? Red, Blue, Yellow? ”

“Rainbow.” Pakikisakay niya sa pagbibiro nito.

“May color ban a rainbow ang pangalan?” Pangungulit pa rin nito.

“Meron, inembenton ko.” Sagot naman niya.

“Wow! Hanep ka na ngayon Pret ah. May nalalaman ka nang talent.”

Initsa pa nito ang isang chichirya sa basket na hawak at napapansin niyang napakarami ng nilagay nitong mga chichirya.

Kumunot ang noo niya sa nakita. “ Balak mo ba’ng lunurin ako sa preservatives? Ang  dami naman niyang junkfoods na pinili mo, ibalik mo nga yang iba sa estante.”

“. Minsan lang nga ako nagiging free sa pamimili ng pagkain sa department store, binabawalan pa ako.”Tila nagtatampo kunong sabi nito.

“Hoy hindi bagay sa’yo ang mag-emote.” Sinapak niya ito sa braso at tatawa tawa lang rin naman ito.

“hahaha! Pikon ka talaga Pret!.” Pang-aasar pa nito sa kanya.

“Hindi ako pikon no.” she rolled her eyes and continued to put some things on their basket.

Sumunod naman ito sa sinabi niyang ibalik ang ibang junkfoods sa estante. At patuloy lang ito sa pagsunod sa kanya.

Nang matapos na sila sa pamimili ay pumunta na sila sa may cashier para magbayad.

Inilagay nila ang laman ng basket sa counter at inilabas niya ang wallet niya para bayaran iyon.

“Hep!” Pinigilan nito ang kamay niya.

“Bakit?” Nagtatakang tanong niya rito.

“Huwag mong bayaran. Ako ang magbabayad.” Pagpi-presenta nito.

“No, ako ang magbabayad.” Pilit niya rito.

“Ako nga sabi ang magbabayad.” Inilabas nito ang pitaka nito at dumukot ng pera roon.

Akmang ibibigay na nito iyon sa cashier nang akmang aagawin niya sana ang pera mula rito para siya na ang magbayad ng pinamili nila pero nakaiwas ito.

“Bakit ba ang kulit mo? Ako nga sabi ang magbabayad.”

He counted his money and gave it to the man infront of them.

“Maa’m, Sir, newlyweds po kayo no?” Tanong ng matandang teller ng tindahan.

Accidentally InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon