Chapter 43

472 7 2
                                    

 Hello :))  Heto po Another UD hehe :)) Halabyoooowwww Very much!!!!!!!!!! :))

_____________________________________________________________________________

"O Pare okay ka na ba?" 

Iniangat ni Alec and ulo niya mula sa binabasang libro at nakita niyang dumating pala si Miggy.

"Ah Okay lang." Sabi naman niya rito. Kanina pa nangangati ang mga paa niyang lumabas. Gusto kasi niyang hanapin kung nasaan si Pretzel.

"I heard lalabas ka na daw mamaya."

 Nakuha nito ang atensyon niya at napaangat uli nito ang ulo niya mua sa binabasa. "Talaga?"

"Yeap and I heard na nakalabas na daw si Pret."

"Talaga?"

"Oo and she's with my brother."

 Felling niya na parang binuhusan siya ng isang balde ng yelo sa narinig,

"Huh? BAkit?"

"Aba ewan ko. Ako ba naman ang tanungin eh ngayon ko nga lang nalaman na nandito ka sa ospital."

"Nasaan sila ngayon?"

"Hmm Kanina nung papasok pa ako eh  nakasalubong ko sila papunta daw sila doon sa Jewelry district yata yon."

Jewelry District?Parang familiar yata yung lugar na yon ah.

Suddenly may naalala siya,

Flashback....

"Saan mo pa ba gustong pumunta dito sa Korea?" Tanong niya kay Pretzel habang nagla-lunch sila sa isang Cafe isang linggo na ang nakakaraan noong hindi pa sila pumunta sa bahay ng lolo nito.

"Sa Jewelry District!" Itinaas a nito ang kutsara nito nang sumagot ito sa kanya,

"Ano naman ang gagawin mo doon sa Jewelry District? Hindi ka naman mahilig sa alahas." Simple lang naman kasi ito, naaalala nga niyang Tshirt at sneakers lang ang alam na fashion statement nito noong hindi pa naging "sila kuno".

"May napanood kasi akong reality TV show eh. Nakakakilig kasi yong pair na doon sa Reality TV show na yon. Realistic kasi sila at hindi sila gaanong open para sa isa't isa noong una lalo na yung girl doon NBSB kasi siya then wala pa raw siyang napipicture out na Ideal man para sa kanya. Then on one of the episodes nila, ginulat lang niya lahat pati na ang mga viewers nang magpagawa siya ng Ring para sa kanilang dalawa ng guy na ka pair  niya  ."

"Eh ano naman ang kinalaman nun sa Jewelry District?"

"Wala lang. Baka sakali lang na isa sa mga tindahan doon ang pinagawan nung girl ng mga singsing. And if ever nga na nandoon ang shop na pinagawan niya ng rings eh magpapagawa din ako ng akin doon."

"At para kanino mo naman ibibigay aber?"

Hindi nito nasagot ang tanong niya. at napatingin ito sa kanya nakatitig ito sa kanya na para bang may dumi sa mukha niya. a frown was on her face and she looks slightly flushed.

Pinitik pa niya ang ilong nito para mabalik ito "Huy hindi ka mo pa ako sinasagot. Para kanino naman yong isa?"

Ngumiti lang ito sa kanya at nagpatuloy ito sa pagkain nito ng lunch.

"Oy ikaw ah, may crush ka na no?" Tudyo niya rito.

"Ang tanda tanda ko na para sa crush crush na yan no. And hearing those words like "Crush" from you makes me think na baka ikaw ang may ganoon at hindi ako. Hindi mo naman mababanggit ang salitang crush unless na mayroon ka noon. Uy si Alec ang tanda tanda mo na tapos may pa crush crush ka pang nalalaman diyan ah." Ganti nito sa panunukso niya rito.

"Changing the topic? That's soo Elementary Pret. Sabihin mo na kasi para kanino yung isa."

Ang nang-aasar na ngiti nito ay napalitan ng seryosong expresyon. ngumiti ito na parang nasisiyahan sa iniisip nito at hindi ito tumingin sa kanya. Nandoon lang sa pagkain ang tingin nito. parang nahihiya itong umamin kung para kanino ang singsing. Pero nagsalita ito. "Para sa future husband ko."

Iinom sana  siya ng shake na panulak sana niya sa kinain niya ng sabihin nito iyon. Kaya sa gulat niya sa naging sagot nito ay ang imbes na panulak sana niya para hindi siya mabulunan ay natapon tuloy ng hindi oras sa kanya. 

"Okay ka lang?" Natatarantang sabi nito sa kanya.  Inabutan siya nito ng tissue at siya naman ay natataranta rin sa pagpupunas sa damit niya.

"Ah eh pasensya na, sa susunod ah, huwag ka namang manggugulat."Patuloy pa rin siya sa pagtanggal ng basa sa damit niya.

"Hindi naman kita ginugulat. Ikaw lang naman itong exaggerated kung maka react." 

"Eh sino ba naman ang hindi magugulat? eh wala ka ngang ideal Guy. Or else, nakita mo na ang taong gusto mong pakasalan.Tama ba ang hinala ko?"

Hindi na naman ito nakapagsalita ng dahil sa tanong niya. Could it be?

"Yes." Simpleng sagot nito at kitang-kita niya sa mga mata niya ang kakaibang kislap ng mga iyon. Her Chocolate brown eyes twinkled ten times brighter than the usual.

Nagsisisi siya kung bakit pa niya tinanong ito. Mukha kasing ayaw tanggapin ng sistema niya ang ideyang maaring isa sa mga araw na darating ay may pagbibigyan na ito ng singsing.

"Hoy, natahimik ka diyan." Ito na naman ang pumukaw sa kanya.

"Ah wala. Oy bilisan mo nang kumain diyan ah. Ubusin mo yan."

"Yes master!"

*End of Flashback

"Bakit Sila magkasama?"

"Aba ewan ko nga, hindi ako si google para malaman ang lahat ano."

"Korni mo Pre! Tara ilabas mo na ako rito ngayon din." Tumayo siya mula sa kama at binitbit niya ang dextrose niya. Hinabol siya nito pero nakalabas na siya at nagpunta siya sa nurse station para mmatanggal na ang dextrose niya.

"Hoy hindi pa dumadating ang doktor mo. Huwag ka ngang padalus-dalos.

"Sa panahon ngayon pre, kailangan ko na talagang magpadalus-dalos."

"Safe naman si Pret sa kapatid ko ah."

"Hindi naman yana ng point ko. Basta, hindi mo ako maiintindihan. Basta sasamahan mo ako sa Jewelry District."

Nagkamot lang ito sa ulo at wala nang nagawa. mabuti na lang at nang tumawag siya sa telepono at nakausap niya ang sekretarya niya ay agad naman nitong naipadala ang mga kailangan niya upang madischarge siya ng maaga. 

"Iba na talaga ang Bilyonaryo pre no? Nagagawa mo lahat in a snap." BIro pa sa kanya ni MIggy.

"Heh! Basta sasamahan mo ako. Kung hindi natin sila makita aga. Ikaw ang mananagot sa akin."

Hindi niya maintindihan ang sarili niya kung bakit gusto niyang siya ang makasama ni Pret sa paghahanap nito ng shop na sinasabi nito. At what a weird feeling it is na parang gusto niyang sana sa pagpapagawa nito ng singsing eh ang daliri niya ang pagbabasehan nito sa magiging sukat ng sa isang kapareha ng singsing ni Pret .

To be continued....

_____________________________________________________________________________

Pasensya na at maikli hehehe :))

Accidentally InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon