Chapter 29

573 8 2
                                    

Kinabukasan, nasa front page na ang mukha nila at ang engagement nila.

Naging hudyat ito ng mga pagbabago sa buhay nilang dalawa.

Wala nang lumalapit na manliligaw kay Pretzel.

Hindi naman nakakaporma si Alec sa mga babae sa school nila. Pero hindi naman iyon bago sa kanila dahil tila wala namang interes si Alec na manligaw sa kahit sinong babae.

Ang isang nagbago lang talaga sa kanila ay naging mas close na sila.

Close sila pero yung tipong hindi pang lovers na closeness. Ito yung closeness na para bang bestfriend na nila ang isa't-isa.

Sino ba naman ang mag-aakala na ang dating nagbabangayan, ngayon ay bestfriends na ang turingan.

Minsan man ay may mga moments sila na parang aso't- pusa kung, magbangayan ngunit hindi natatapos ang araw na hindi sila nito nagkakaunawaan.

Natapos nila ang pag-aaral nang sabay. 

Ngayon ay may kanya kanya na silang kompanyang pinanghahawakan.

Naging isa sa mga young Billionaire si Alec, at si Pretzel naman ay naging presidente naman ng isa sa kanilang mga kompanya.

Hanggang ngayon ay akala pa rin ng mga magulang nila na sila nga, pero actually sa kanilang dalawa, ang palaging tanong nila sa isa't isa ay . 'Naging sila nga ba?'

Tumunog ang Cellphone ni Alec.

♫BAH BAH BAH BAH BAH NAH NAH BAH BAH BAH BAH BAH NAH NAH (BANANA!)BAH BAH BAH BAH BAH NAH NAH (POTATO! NAH!) BAH BAH BAH BAH BAH NAH NAH (BANANA!) PO-TAT-Y NO CON A MINI DAH NEEK-AH BOO BANANA NEE AAH EEK AAHH BAH BAH BAH BAH BAH NAH NAH WHOO NANU FOO LAF-AHH-NU NU FOO BAH BAH BAH BAH NAK-AAHH NOOB-Y TA LOO LOO BAH BAH BAH BAH BAH NAH NAH (POTATO-OOHH!) TAK-ALI NOO BANANA-Y NEEK-AAHH LA LA EEE WUT-TAAA-KEE BAH BAH BAH BAH NAH NAAAHHH!!!!!!♫

Tiningnan niya ang screen nito at ngumiti sa nakita niya.

"Hi." Bati niya sa caller, nang walang gana. Sadyang sinadya niya iyon para asarin ang caller.

"low." sabi naman nito

"Lower." Pang-aasar niya pa rito.

"Lowest" Pakikisakay naman nito sa trip niya.

"O dude napatawag ka?" Tanong niya rito. Pinasigla na niya ang tono niya.

"Iwan mo muna yang mga business reports mo diyan." Wala man lang pasakalyeng utos nito sa kanya. 

"Whoaaa. Ang lakas mo ring mantrip no? "

"Napapagod na ako sa mga business-business stuffs na tinatambak sa lamesa ko araw araw eh." Nagmamaktol na naglabas ito ng saloobin sa kanya.

"Then? Anong kinalaman ko diyan?"

Alam niyang kahit paano ay napasigla niya ito sa tanong niya. 

"Mag out of town tayo." Masiglang tugon nito sa tanong niya.

"Saan na naman tayo pupunta?" Tanong niya rito na kunwari ay hindi sumasang-ayon sa proposisyon nito.

Gusto naman talaga niyang sang-ayunan ito dahil siya man ay napapagod na sa pagbabasa ng sandamakmak na business reports sa araw na iyon.

"Sige na please. Diring-diri na ako sa mga papel rito sa lamesa ko!" 

"O hindi ako bingi . Alam mo namang parang megaphone yang boses mo, nilakasan mo pa. Chilax."

"O siya, saan ba tayo pupunta ngayon?" Pagsuko niya rito.

"Paris?"Suhestiyon nito.

"We've been there for three times already."

"New york?"

"Nah, gagawin mo na naman akong tagabitbit ng shopping bags mo, kagaya last time."

"Macau?"

"Hmm nah ayoko munang mag Macau, galing ako dun  last week."

" Alam ko na! Korea na lang!" >__<

"Korea?" proprotesta pa sana siya ngunit nauna na itong nagsalita.

"O huwag ka nang kokontra, basta, Korea ang pupuntahan natin." May pinalidad sa tono ng boses nito.

"Sige, magpapa book na ako ng tickets mamaya." Pagsuko niya rito.

"Really? Thanks Dude! Bye! TCCIC! MUAH! XOXO!"

Ibinaba na niya ang telepono.

*Sigh

Nasanay na siya rito. Tuwing may gusto itng gawin, isang tawag lang sa kanya ay tumatango naman siya agad.

Tumawag siya sa sekretarya niya para magpa book ng ticket.

__________________________________________________________________________

"Elise, mawawala ako for a few days. Paki cancel lahat ng meetings for a week or two." Utos niya sa sekretarya niya.

"Pero Miss Pret, marami po'ng kliyente ang ka-meeting ninyo next week tapos marami pa po'ng mga papers na kailangan niyong pirmahan." Segunda naman nito.

"Eh di sabihin mo may sakit ako or something. Basta ikaw na munang bahala mag-alibi."

"Pa'no po kung tumawag po ang parents niyo at hanapin kayo? Ano po'ng sasabihin ko?"

"Sabihin mo nagyayang mag out-of-town si Alec . Basta bahala ka na kung ano ang i-aalibi mo. Pwede mo ring sabihing naghahaunting kami ng mga wild animals sa Africa o kaya nilangoy namin ang Amazon river, basta sabihin mo lang na kasama ko si Alec , hindi na magtatanong pa ang mga yon."

"Namimiss niyo na po si Sir Alec?" Usisa nito.

"Hindi noh." Sagot niya sabay tawa.

"Eeeeh Kayo talaga Maa'm, dine deny niyo pa, eh balita ko simula Highschool pa lang kayo, engaged na kayong dalawa eh. Kung bibilangin niyo ang mga taon, siguro naman sapat na yon para magpakasal na kayo diba?"

"Hmmm, darating rin kami sa puntong iyan, malapit na." Biro niya rito.

"Magpapakasal na po kayo ni Sir Alec Maa'm ?" Nanlalaki ang mga matang tanong nito.

Lihim siyang natawa sa sinabi nito. Lahat na lang ng mga tao sa paligid nila except sa mga malalapit na kaibigan nilang dalawa ay naniniwala pa rin sa pagiging engaged nila. 

Ang mga magulang nga nila ay medyo naiinip na sa kanilang dalawa dahil ang tagal raw nilang lumagay sa tahimik. Wala na nga naman raw silang hahanapin pa sa buhay na hindi pa nila naacheive.

They have stable jobs and they're in the legal age to marry, pero ang problema. Mahal ba nila ang isa't-isa?Mahal niya ito pero iyon ay pagmamahal na parang best friend lang at gayun din naman ito sa kanya. Alangan namang pakasalan niya ito nang wala siyang kahit na anong nararamdaman man lang dito?

For the past few years na naging sila, sinubukan niyang maghanap ng lalaking magpapatibok ng puso niya. Pero wala. Wala man lang ni isa ang dumating.

"Yup" Tumawa pa siya sa biro niya.

Ang sarap talagang mantrip minsan, sineseryoso kasi ng mga ito ang mga hirit niya.

"I'm not getting any younger na kasi eh." Dagdag pa niya sa naunang sinabi niya.

"Wow ! congrats maa'm ." Tuwang-tuwa pa ito sa sinabi niya.

Umiling-iling na lang siya sa kainosentihan nito.

Haay naku! Kung alam mo lang Elise. Kung alam mo lang na setup lang ang boyfriend-girlfriend relationship naming 'to. Siguro isa ka na sa mga babaeng halos lumuhod na sa harap ni Alec para maging girlfriend nito.

"Sige po Maa'm, mauna na po ako, Wala na po ba kayong ipagbibilin bago kayo umuwing Zapanta na ang surname niyo?" Nanunukso pa'ng sabi nito.

"Sira ka talaga Elise. Joke lang lahat ng sinabi ko kanina sayo noh." Tumawa lang ito sa sinabi niya na para bang hindi naniniwala.

 To be continued................................

How was it? Hope ya like it! :)) Comments? Feel free to vote kung nagustuhan niyo ang Chap na ito. Tenkyu tenkyu sa pag read . :))

Accidentally InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon