Chapter 32

568 6 7
                                    

Aaaahhhhh!Huwag mo akong lalapitan!!! Huwag !!! Huwag!!” Hinihingal na Sigaw ni Alec, ngunit hindi niya maisatinig ang kanyang nais sabihin.

Papalapit na ng papalapit sa kanya ang Babaeng magulo ang buhok.

Maaabutan na siya….

Ayan na…….

-

-

-

-

-

-

-

-

Then may nagliwanag.

Brrrrrrhhhhhhh

Pheeeeewwwww

Grrrrrrrrrrrrrrrr

Foooooowwwwwww

Iyon ang unang unang tunog na narinig ko pagmulat ko ng aking mga mata.

Panaginip lang pala ang lahat ng iyon.

Brrrhhhhhh

Pero bakit parang totoo yata ang panaginip ko? 

At Bakit nafefeel ko na medyo basa ang kaliwang balikat ko? At ang bigat bigat rin ng pakiramdam ko sa parteng ito?

Iginala ko ang paningin ko sa paligid.

Oo ng pala. Nasa plane pa nga pala kami. At ang mabigat na bagay sa  balikat ko ay isang ulo.

Put your head on my shoulder. Biglang pumasok sa utak ko ang kantang iyon na madalas ay sa Halloween ko naririnig.

Holloween na ba ngayon? At si Sadako? Totohanan ba ang paglabas nito sa balon?

 Hindi naman siguro ulo ng multo ang nakapatong sa balikat ko.

BInalingan ko iyon at si Pretzel lang pala.

Dinig na dinig ko mula sa kaliwang tainga ko ang hilik niyang hindi naman gaanong kalakasan para marinig ng iba, at parang gripong hindi naisara ang bibig nito dahil may nararamdaman akong malapot na parang tubig na naglalandas sa balikat ko.

 Si Sadako yan na nag desguise bilang si Pretzel. Wika ng isip niya sa kanya.Yang tumutulo eh tubig yan kasi galing naman sa deep well si Sadako diba?

May deep well ba sa Eroplano? Wala diba? Kaya imposibleng si Sadako ‘to.

Pero may TV sa Eroplano. Diba Trip naman ni Sadako na lumabas sa TV minsan?

Imposible. Hindi siya magkakasya sa TV ng Eroplano. Kontra naman niya sa boses sa kanyang isip.

Ipinilig niya ang ulo niya. Kinakausap na naman niya kasi ang sarili niya. Alam naman niyang si Pretzel ang nakahilig sa balikat niya nag iilusyon pa siya ng kung anu-anong katatakutan.

“Pret. “ Bulong niya rito ngunit hindi ito natinag.

“Kanina pa siyang himbing na himbing sa pagtulog diyan sa balikat mo hijo.”

Isang boses ng isang may katandaang babae ang nagsalita sa tabi ko.

“Ah eh, mukha nga pong sarap na sarap siya sa pagtulog.” Pagsang-ayon niya sa matanda.

Medyo naging uneasy ito at kamuntik nang mahulog ang ulo nito mula sa pagkakapatong niyon sa balikat niya. Inayos niya iyon upang hindi ito mahirapan at magka stiff neck at nagsalita na naman ang matanda.

“Mukhang mahal na mahal mo talaga siya hijo. Kanina ko pa kayo pinagmamasdan na dalawa, at naalala ko sa inyo kung ano kami noon nitong si Anselmo ko.” Tukoy nito sa katabing matanda.

Accidentally InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon