Chapter 14

643 9 1
                                    

*Alec's POV 

Nasisilaw ako....

~,~ 

(>.<)

(~_▽)

(~_^)

(O.O)

Nasa langit na ba ako? huwag naman sana...

Inadjust ko muna ang mga mata ko sa liwanag. Parang nakatulog yata ako ng ilang oras ah. Ang bigat ng katawan ko na hindi ko maintindihan.

Nang makapag-adjust na ako sa liwanag na nagmumula sa ceiling, napagtanto ko na kung nasaan ako.

Bakit ako nandito? Paano ako nakarating dito? Bakit nandito ako sa kwarto ko sa bahay namin?  Bilang sagot ay may pumasok sa pinto.

"Anak." Tawag ng Mommy ko sa akin.

Biniksan ko ang pinto at nakita ko ano mommy ko na may dalang tray ng pagkain para sa akin.

"Ma. Bakit ako nandito?" tanong ko sa kanya

Sa halip na sagutin ako eh umupo siya sa kama ko at iminuwestrang umupo ako sa tabi niya. 

"BIrthday mo na bukas." Sabi niya sa akin sabay haplos sa buhok ko'ng nagulo dahil sa pagkakahiga kanina.

Shoot! Nakalimutan ko'ng birthday ko na pala.

"May sorpresa ako sayo!"

Mukhang alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin. Sorpresa means a party for my birthday. sanay na ako diyan kasi kahit noon pa eh parang tape recorder na iyan na paulit ulit sa tuwing malapit na ang birthday ko. Naturang kakambal na yata ng word na "party" ang "Surprise" paano pa magiging surprise yon kung alam ko na?

"Halika anak nagpaluto ako ng paborito mong Adobong manok kay yaya Nena."

Nagpatiuna na lang ako sa kanya. Bukas na pala ang birthday ko. Kailangan ko nang mapapayag si Pret sa plano ko.

*End of Alecs' POV

*Pretzels' POV

"Ang sarap talaga nitong coke float." Binuksan ko ang takip ng Baso ng coke float at pinaglaruan ang sundae na naka float sa coke.  Medyo nahalo na nga ang cream at ang coke kaya ibinalik ko na ang takip ng baso at tinusok yung straw sa takip nito.

Nakaupo ako sa bench malapit sa lake habang hinihintay sina Kess , may practice pa kasi sila sa play at plano naming kumain ng hapunan sa isa sa mga restaurant doon sa Enduhmain. 

Nagmasid masid ako sa paligid. Wala pa masyadong tao kasi mga alas kwatro pa lang ng hapon yon. Pero hindi magtatagal at dadami rin ang mga tao malapit sa lake kasi maganda ang view sa lake kapag sunset.

Sa kalayuan. Nakita ko si Alec sa bench na parang balisang-balisa. Lalapit ba  ako para makaganti?

Tago muna sa malapit na puno

(¬‿¬)

Silip sa kanya

(◕‿-)

Bang nakita niya ako.

 <('o'<) ^( '-' )^ (>‘o’)> v( ‘.’ )v <(' .' )> <('.'<) 

Omo! Takbo Pret!

(≧◡≦) 

Hinahabol na niya ako kaya tumakbo na ako.

 ≧⁰,⁰≦ 

Too late!

 ಠ_ರೃ 

" Hey! wag mo naman akong iwasan" Hinihingal pa siya sa kakahabol sa akin.

 "Bakit na naman ba? Ano na naman ang kailangan mo'ng unggoy ka? May plano ka na naman ano?" Angil ko sa kanya.

"Sige na please. Pret, please sakyan mo na lang ang scheme ko. Please. Tutal ang alam ng lahat dito tayo na, ikaw na lang ang natitirang indenial diyan."

"At ano naman ang gusto mo? Matuwa ako ganon? MAgpa piyesta? " Puno ng sarkasmong sabi ko sa kanya. Aba itong lalaking to ha demanding much .

"Eh hindi ka man lang ba naaawa sa akin? Magmumukha akong tanga at walang maihaharap na girlfriend sa mommy ko." Nagpapaawa pa ang kumag

"Pinaggastusan pa naman ni mommy yon tapos sabi pa niya 'Anak sana pumayag ang girlfriend mo na dumalo rito sa birthday mo.' Tapos excited na excited pa nga siya eh. Di ka man lang ba MAKOKONSENSYA?" Idiniin pa ng herodes and salitang "makokonsensya".

"Tapos pag wala akong madadalang Girlfriend doon malulungkot si Mommy. Pero sige, anyway ganyan ka naman talaga. I understand."

Tila pinapakonsensya talaga ako nito na para ba'ng wala na akong ibang choice kundi ang pumayag.

Umalis na kuno ang Kumag at  binabagalan pa ang paglalakad na para bang umaasa na sa huli magbabago rin ang isip ko.

"Pinapakonsensya mo ba ako?" Tanong ko sa kanya kahit nakatalikod na siya.

Nahinto siya sandali."HIndi ah." reply niya sa akin habang hindi pa rin ako nililingon. Ang OA talaga ng lalaking 'to! "Di man lang nakonsensya" mahinang sambit niya na para ba'ng hindi ko maririnig 'yon.

Haay sige na nga.  (─‿‿─)

Hindi naman ako manhid para hindi makonsensya eh.

"Hmmm . Gusto naman kitang tulungan Alec eh."

Awtomatikong bumalik ang loko sa akin.

"Talaga? Sure? Payag ka na?"  ≧❂◡❂≦ 

"Eh kasi eh.." Paano ko ba ie-explain 'to.

"Anong kasi? Bakit may kasi?"

"Kasi." Paano ko ba 'to ieexplain? Hmmmm isip.

*GRRRRRRRRRROOOOOOOOOWWWWWWWWWWL

"Ano yon?" Sabi ko

"Sorry gutom na kasi ako eh. hehehe."  ≧◠◡◠≦✌ 

"Hahahaha hindi naman masyadong halata no." (‐^▽^‐)

"Tara kain muna tayo sa Restaurant don sa Enduhmain. " Hinawakan niya pa ang kamay ko at parang may nag flick nang hawakan niya ang braso ko. Pareho na kaming nagkatinginan sa sandaling nangyari yon. Ano kaya yon?

Hahawakan na naman niya sana ang braso ko and *Flick again.

Ano ba yung spark na yon? Saan galing yon?

*Flick

Aaah sa ilaw lang pala sa poste. Pinapailaw lang nila kasi gumagabi na.  Akala ko naman kung ano yon.

"Hahaha ang ilaw lang pala." Sabi niya at muli niya akong hinawakan. "Tara na."

Hinila na niya ako patungo sa Enduhmain. Tatawagan ko na lang sina Kess at sasabihing di na muna ako sasabay sa dinner. 

To be continued.................

Hehehe  How was it? Pasensya na sa ikli . Hayaan niyo next time pag nakakita ako ng ample time para magsulat nang walang nakatingin hahabaan ko pa . ehhehe anyways. Thank you for reading this chap.  :D VOTE?Comment?

Accidentally InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon