Chapter 28

568 9 1
                                    

Yay! Nakapag UD ako ng maaga :)) Woot! woot! Salamat ng Mooorami sa mga readers na nagbabasa nitong Accidentally Inlove :)) Labyuuuuu all!!!  Hehehe

Natapos ang Party na hindi makapaniwala si Pretzel sa nangyayari. Akala ba naman niya ay pagpapanggap lang ang gagawin nila. Bakit biglaan ay may engagement na nasali sa usapan?

"Hoy lalaki. Paki explain nga lahat ng 'to sa akin at ako'y naguguluhan." Dire-diretsong litanya niya pagpasok nilang dalawa sa sasakyan ni Alec.

"Hindi ko maexplain ang nangyayari kasi ako man ay hindi ko pa medyo naiintindihan ang nangyayari."

"So Ganun ganun na lang? Bigla bigla may Boyfriend ako then after a day fiancee na naman? Wow! Exciting." Sarcastic na sabi niya.

"Hoy aba, akala mo kung sino kang biktima rito. Parehas lang tayong dalawa hoy.!" Napipikon na siguro ito sa kadadada niya.

"Ikaw pa itong may kasalanan ikaw pa itong naninisi." Sumbat niya rito.

Hindi ito sumagot. Nakakabinging katahimikan ang sumunod.

-

-

-

-

-

-

-

-

"So pa'no ba yan?"   Basag nito sa katahimikan. "Fiancee na kita ngayon." 

"Ikaw kasi eh, bakit pa ako ang pinagpanggap mo na girlfriend mo? Ayan tuloy. ang bata bata ko pa para magka fiancee." Paninisi niya rito.

"Sakyan nalang kaya natin sila." Suhestiyon nito.

"Tapos? Aba't may mga pangarap pa ako sa buhay ano.... Baka imbes na ang para sa akin ay si Prince charming, eh baka hindi na yon makalapit dahil naka engage na ako sa Frog Prince , ay hindi pala kay Beast pala, rather. Nakoooo!!! Ang malas malas ko talaga." 

"At anong palagay mo sa akin Frog Prince? Di ako Frog prince ah. In fact ako ang prince charming mo ngayon kaya magdahan-dahan ka diyan sa panlalait mo , pwede kitang ihulog dito sa karwahe ko.." Pang-aasar pa nito sa kanya.

"Ha-ha, Funny." Puno ng sarkasmong tugon niya.

Hindi na siya pinatulan nito. Nanumbalik na naman ang katahimikan sa gitna nilang dalawa.

"Hey manong Bening pwede po ba nating ihinto ang sasakyan diyan sa gilid? " Tanong nito sa driver ng sasakyan.

Agad namang itinabi ni Manong bining ang sasakyan. 

Binuksan nito ang pinto sa side nito at umikot ito patungo sa side niya at ang pinto naman sa side niya ang binuksan nito.

"Pret lumabas ka muna." Anito.

"Bakit naman ako lalabas? Hindi pa tayo nakakarating sa Robinsons . Hindi ako lalabas dito. No way." pagmamatigas niya

"Basta lumabas ka muna riyan." Pamimilit nito 

Ayaw pa rin niyang bumaba sa sasakyan kaya pinababa siya nito ng pilit gamit ang paghila sa kanya ng marahan.

*Eszzzzt

Paglabas niya, nakita niya ang reaksyon nito na para bang nakuryente ito ng ilang boltahe.

Tumikhim siya.

"Ehem....ahh 'bat mo nga pala ako pinalabas?" Tanong niya. 

Tila bumalik naman ito sa realidad at nagsalita.

Accidentally InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon