Chapter 18

593 8 1
                                    

Recap :"So that means, payag ka na?"

*Pretzels' POV

Ano? Papayag ba siya agad-agad? Swerte naman ng lalaking 'to. Andali lang nakakuha ng fake girlfriend at wala pa'ng kapalit yon ah. 

"Ayokong magmukhang easy to get." Aba anong akala niya madadala lang ako basta basta? Oo gwapo siya pero hindi ibig sabihin niyon eh lahat ng babae lalapit sa kanya.

"Easy to get?" Tila may pagtatakang sabi ni Alec. Mukhang na gets naan niya iyon kalaunan kaya nagpatuloy siya. "Ah so may mga conditions ka ganoon?"

"Hindi ka pa nga nanliligaw man lang! FYI isa akong babaeng conservative no? Hindi ako liberated at FYI again NBSB ako."

"Pwede ba'ng ipagpaliban ko na muna ang panliligaw?  nalalapit na ang deadline ko eh."

At tumawad pa ang mokong. Ano ako pautangan na utang now pay later?

"Eh bukas na ang birthday ko eh! Hindi ba pwedeng gift mo na lang muna sa akin ang pagpayag mo?"

"Hindi ako pwedeng maging gift no. Priceless 'to tol ang swerte mo naman kung ako ang ' gift ' na hinihingi mo."

Kala mo kung sinong Prinsipe kung maka request 'to. SUngit!

*End of POV

*Alec's POV

"Eh ano ba ang qualifications para maging Boyfriend mo ako?" Itong babaeng 'to akala mo kung sinong VIP kung maka request.

"Ano ba ang first stage bago maging couple?"

"Hindi ko alam, hindi rin naman ako nagka girlfriend noon eh." Nakakahiya pero inamin ko na, yumuko na lang ako ng bahagya para ituon ang attention ko sa kamay ko.

 "Talaga? As enn?"

Siya lang ba ang may karapatang maging NBSB? applicable naman yan sa mga lalaki diba? NGSB nga tawag dun eh. Pero sa case ko eh wala akong experience na kagaya nung sa kanya na  nakaimpluwensiya sa akin. Sadyang wala talaga akong makita sa mga babaeng nakapaligid sa akin na nakakakuha ng interes ko. yon lang period.

"Hoy sagutin mo naman ako." Pangungulit pa niya sa akin. Gusto ko na tuloy mag back out sa plano ko na gawin siyang girlfriend. Bunganga pa lang niya di ko na ma tiis.

"Wala ang sabi ko bingi ka lang." At nag walk out na ako. Bahala na siya kung ano ang iisipin niya. Kung tuloy pa ba ang plano ko, hindi ko na alam. Nagdadalawang-isip na ako nito eh.

Umuwi na ako sa Cabin namin at nakita ko ang mga ka cabin ko na naglalaro ng video game at ang iba naman eh nagbabasa ng libro.

Anim nga pala kami rito sa cabin na kinabibilangan ko. Sina julian,Evan,daniel,MIggy at Cliffe.

Sa susunod ko na lang siguro sila ipapakilala sa inyo kasi sa ngayon kailangan ko ang Big help nilang lima para sa dilemma ko.

"O bakit parang sinabitan ng garland yang nguso mo pre?"

Nang-asar pa talaga 'tong si Miggy na siyang suspect sa crime scene.

"Baka binasted 'yan ng nililigawang manok." konklusyon ni Daniel.

"Ano'ng manok?" Mukhang hindi na gets ni Mggy ang term na manok na ipinalit sa chicks ni Daniel Bopols talaga 'tong si Miggy minsan.

"Tange, ibig sabihin niyan 'chicks.' " Sinapak ng kakambal niya si Miggy.

"Ano ka ba naman Julian! syempre alam ko noh? "

"Palusot is the best way to ecape humiliation." Wika ni Cliffe na minsan lang kung magsalita pero tagos to the bones ang words.

"Hoy Cliffe dudugo na ang ilong namin sa mga Quotes mo, pwede paki translate?" hirit ni Evan

Nagtaas pa ng kamay si Miggy. " Paki explain kung ano ang moral lesson sa sinabi mo Cliffe."

Umiling lang si Cliffe at binasa muli ang libro niyang mas makapal pa yata sa mukha ni Miggy. 'de joke lang, kasing kapal lang naman ng tatlong pinatung-patong na Dictionary na ang bawat isa eh may 1000 pages.

 "Teka guys pakinggan naman natin 'tong si Alec, bakamag suicide 'to sa bigat ng problema niya eh."

"Ano ba'ng problema mo pre?"

"Kilala niyo ba si Pretzel?" 

"Aaah yung babae sa picture!. kilala ko siya. Siya yung cabinmate ni Yana na pinopormahan ni Evan." 

"Anon'ng pinoporamahan? Hindi ko type yung magbubukid na yon noh."

"Siya ba problema mo pre? Sus ang hina mo naman dumiskarte."

 Asar naman 'tong mga 'to. >_<  

"Alam mo pre. Yakang-yaka lang yan."Tinapik tapik pa ni Evan ang braso ko.

"Hindi niyo naman kasi naiintindihan eh" *__*

"Anong hindi?" 

"Napaka unpredictable ng babaeng yon. Pasalamat nga siya at sa dami ng naglalaway sa akin diyan at handang lumuhod sa harap ko siya pa ang napili ko, and to think ginawa ko na lahat para lang mapapayag siya. " Nagmamaktol na reklamo ko.

"Lahat, lahat?" O__________________________O

"Pati?" @____________@

" 'IYON?' ">___________________<

"Ano'ng 'iyon'  'iyon'  yang sinasabi niyo? Hoy! Ipa vaccum niyo nga yang mga utak niyong marurumi na masyado."

"Aaaaaaah kaya naman pala." ^________^

"Pinakita mo na sana sa kanya ang Abs mo. or binigyan mo man lang sana ng isa sa mga killer smiles mo . Sus! X ka pa rin. Hindi ka marunong." Ani MIggy na para ba namang expert.

"Tch.... Sinabihan nga ako ng hindi raw siya easy to get eh. Tapos mukhang gusto pa yata niyang magpaligaw . Hello bukas ko na kaya kailangan ng girlfriend."

"Wow? As in pare? NI hindi ka pa nga nagkaka girlfriend eh. Hahahaha Ayan kasi ang choosy choosy mo kaya hayan nakahanap ka ng katapat mo." Ani Daniel 

"Hoy! kailangan ko lang ng isang pseudo Girlfriend noh. hindi pangmatagalan. Kaya huwag siyang maarte diyan. "

"Gaya nga ng sinabi mo na marami ang 'naglalaway ' sayo. Dapat doon ka na lang kumuha sa isa sa mga yon. Hindi itong nagtitiis ka sa babaeng ayaw na ayaw sayo."

"Gago! eh di para na rin akong nagpakain sa mga buwaya kung ganoon."

"So kung gusto niyang magpaligaw eh di ligawan mo na."

"Hello. Nakikinig ka ba sa'kin ? Bukas ko na kailangan ng girlfriend. Eh kung sinabi niyang ganoon pala ang kundisyon na hihingin niya eh di sana nagawa ko na matagal na."

"Iyon lang naman pala eh. ang dali lang manligaw di mo pa magawa. Ano ka ba dude? Lalaki ka ba?"

"Suntukin kita diyan eh. "

"Hmmm Kailangan lang niya ng tulong mga dudes. "

"At tayo ang kailangan niya."

+______________________+

They grinned at me...........

To be continued......................

AN: Pasensya na po kasi hindi ako nakapag-update hehe ;D medyo busy kasi eh.....

 Thank you sa pag read :))

Accidentally InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon