Chapter 8

710 12 3
                                    

At Pretzel's Dorm

Gabi na iyon at nasa hapagkainan na sila.

*Pretzels POV

Hindi pa talaga ako nakakaganti kay Alec sa ginawa niyang panggu-goodtime sa akin last two weeks ago. Pasalamat siya at marami akong projects kaya hindi ko siya nagantihan. Sus! yong mokong na 'yon talaga. Naku! Nabibwisit aketch pag naaalala ko yung monster na pagmumukha niya. Teka bakit ba sumagi sa isip ko si Alec? Aba... Erase .. erase  this bad vibes.

 Maya-maya Tumunog ang telepono.

*kRiiiiiiiiiiiiiiiiingggggggggggg

" Ate Kess ang Telepono." Sabi ko kay ate Kess na nakaupo malapit sa telepono.

*Krrrrriiiiiiiiiiiiiiiiiiiingggggggggg

"Candace ang telepono." Ani ate Kess kay Candace na kasalukuyang nakatayo para kumuha ng ketchup sa cupboard.

*Krrrriiiiiiiiiiiiiiiiiiiniggggggggggggg

"Phoem ang Telepono." Ani Candace kay Pheom na kagat kagat ang hita ng manok.

*Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnnng

"Yana ang Telepono." Ani Phoem kay Yana na dinidilaan ang gravy sa kamay niya.

*Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiinggggggggggggggggggg

"Sophie ang telepono." Ani Yana kay Sophie na nakataas pa ang tuhod sa upuan.

*Krrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrriiiiiiiiiiiiiiiiiiiingggggggggggg

" Pret ang telepono" Ani Sophie.

" Ano ba 'yan bumalik lang sa'kin ang utos ko ah " Reklamo ko

Tumayo na lang ako at nagtungo sa telepono

"Di na bale, ngayon lang naman tumino ang luto mo hayaan mo nang lantakan namin 'to" Sabi ni Phoem.

"Babalik na naman ba tayo sa gan'to? Kung sino ang inutusan siya rin gagawa ng inutos niya? tss"

" Andami mo pa'ng reklamo diyan." Ani Kess

Dinampot ko ang nagre-ring na phone.

"Hello si Pretzel ito what can I do for you?" O diba pang call center ang drama ko pag ako sumagot?

" Hello." Ang weird naman ng boses nitong caller na 'to. parang sinisipon na ewan.

" Candace ikaw siguro yung hinahanap nito." Tinawag ko si Candace kasi siya naman sa aming anim ang palaging nakakatanggap ng mga tawag. 

Umupo na ako sa chair ko at nag resume na sa pag-kain. Si Candace naman tumayo para sagutin ang phone.

" O Gabriela Silang ikaw naman pala ang hinahanap nito." Sigaw ni Candace sa akin

" Sino raw?" Tanong ko sa kanya.

" Si Winnie the pooh daw."

" Sinong Winnie the Pooh?"

"Sino pa ba?"

" Eh sino nga eh wala akong kilalang Winnie the pooh."

" Aba'y hindi ako telegrama noh para gawing way of communication halika nga rito at kayo ang mag-usap sa telepono."

Napilitan akong tumayo uli at naghugas muna ako ng kamay sa lababo bago ko sinagot ang tawag.

" Hello." Sabi ko 

" Hi Miss Beautiful lady!" Anang tao na nasa kabilang linya.

Alam ko na sino to! Urgghhh

" Anong itinawag-tawag mo rito? Nauubusan tuloy ako ng gana sa pag-kain dahil sa'yo."

" Wow good evening din."

" Ewan ko sa'yo."

" Uy Peace muna tayo ngayon."

"What? Peace? Oh C'mon saan mo naman nabili yang peace na sinasabi mo?"

" Jan lang sa tabi-tabi"

Aba't Pilosopo to'ng lalaking 'to ah

" 'wag mo akong pilosopohin   at mainit ang dugo ko sayo... Anong sadya mo?"

"Favor naman oh."

"At hindi ka pa nagpaliguy-ligoy ah."

"Syempre straight to the point ako."

" Marunong ka palang humingi ng pabor?"

"Oo naman... Kung hindi lang kailangang-kailangan hindi ko gagawin."

 ano kaya ang kailangan nitong lalaking 'to?

"Ano ba naman yon aber? At huwag ka'ng umasa na papayag agad ako jan. Tandaan mom kumukulo at nage-evaporate ng bonggang-bongga ang dugo't kalamnan ko 'sayo."

"Hey! Easy lang kalma lang."

Sumigaw si Kess. "Mahal ang tawag sa long distance! mas mabuti 'pang sa dilim niyo na pag-usapan 'yan." Pang-aasar niya.

"Diba dapat hindi pwedeng sagutin ang telepono pag time ng pagkain?" Dagdag ni Sophie.

Pinandilatan ko silang dalawa O.O (Dilat)

"Lumabas ka muna, para masabi ko ang kailangan ko." Ani Alec sa kabilang linya.

"At bakit naman?"

"Basta... PLease"

Uy nag Please! Nainterested tuloy ako kung ano sasabihin niya 

"Ayoko nga." +_____+

"Please na nga eh" -.-

"Napipilitan?"

"Please nga eh."

"Bahala ka diyan." At binaba ko na ang telepono. at bumalik sa mesa

"Alam ko sino 'yon" Ani Candace 

"Che." 

"Uy nagbu-blush." tukso ni Yana

" 'Di ah! " Nagbu-burn tuloy ang cheeks ko! LEYsheeee

"Kunwari pa ang lola" Ani Sophie

"Di nga. nakakaasar talaga ang mokong na yon pramis!KAinis!"

" Tulak ng bibig kabig ng dibdib" sabi naman ni Phoem

"Nawawala ang apetite ko sa ganyan ah. tigilan niyo na nga ako. " 

"HAhahaha!" Nagtawanan pa sila.

*Tok Tok

May kumatok.

To be continued............................

How was it?? Hehehe  Thanks for reading this chap. :DD

VOTE? COMMENT? :))  

Accidentally InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon