Hello salamat sa lahat ng nag-abang at sorry sa mga nainip sa paghihintay na matapos ko ang chapter na ito. sorry talaga. Anyway salamat sa suporta ninyo sa istoryang ito na kahit na hindi pang professional ang pagkakasulat ay binasa niyo pa rin hanggang sa chapter na ito. Kaya sa lahat ng mga mambabasa nito. MARAMING SALAMAT SA INYO.I HOPE you'll all like this chap :D
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Dear Pret,
Hi.... Noon,akala ko si Julian ang gusto mo, sa lahat kasi ng mga kaibigan kong lalaki, siya yung taong naiisip ko'ng pinaka-matino na bagay sayo. Kakaiba rin ang pakikitungo niyo sa isa't-isa, napansin ko 'yon sa bawat mga oras na nandiyan siya. Hindi ko alam kung bakit ako nag-iisip ng mga bagay na ganito. Siguro ay dahil paranoid lang talaga ako kung mag-isip, o siguro dahil totoo naman iyong mga nakikita ko. Sabi pa nga ng sekretarya ko,selos daw ang tawag sa nararamdaman ko ng minsang naikwento kita at bigla na lang akong nadulas at nasabi ko na parang mas bagay kayo ni Julian.
Teka,si Alec ba itong nagsasalita? Tinanggal ko ang blindfold ng hindi muna idinidilat ang mga mata ko. mahirap na at baka naghahalucinate lang pala ako. humarap ako sa taong nagsasalita ng nakapikit pa rin at hinintay kong magsalita siya upang kompirmahin kung totoo ba itong nangyayari o kathang isip lang ba. Pero nagpatuloy ang nagsasalita.
Minsan nga parang baliw na ang tingin ko sa sarili ko. Palagi ko na lang kasing tinatanong ang sarili ko kung bakit ba hindi mo man lang mapansin ang mga efforts ko para mapansin mo. Teka? Nag-eefort nga ba ako para sayo? Hindi naman ah? Hmmmppp ganyan! Kinakausap ko na naman ang sarili ko. O diba? parang baliw?
Totoo na 'to! Hindi ako nagkakamali ngayon! Hindi ito imagination! Idinilat ko ang mga mata ko at Nakita ko si Alec sa harap ko na nanginginig ang mga kamay hawak ang isang pirasong papel.
"Baliw ka na nga." Pang aasar ko sa kanya. " Hindi ka naman talaga nag-eefort so ano ang mapapansin ko?"
Magsasalita pa sana siya para siguro mag explain pero hindi ko siya hinayaan "Please continue on reading your note. Bago ka magsalita."
He sighed and I smiled.Walana sigurong mas sasaya pa sa akin sa sandaling ito.
Sa lahat ng babaeng kilala ko. Ikaw lang talaga ang paborito kong asarin. Ikaw lang din ang hinahayaan kong mag-ayos ng mga gamit ko at kahit na naiinis ako sa mga pinagga-gagawa mo sa mga iyon; halimbawa na lang iyong nag -insist ka na gamitin ko yung polbo sa likod ko para hindi ako pagpawisan tapos yun pala pinalitan mong harina yung laman ng polbo, Alam mo bang kung hindilang ikaw ang gumawa nun sa akineh siguro nabulyawan ko na ng walang preno. Ikaw ba naman ang maligo sa pulbo na harina pala? Pero nginitian mo lang ako at nag peace sign ka. Alam mo ba na nakakalimutan ko na lang ang lahat kapag nginingitian mo lang ako na para bang iyon ang pambayad mo sa bawat kalokohang ginagawa mo?
"Kagaya ng ganito?" I Smiled at him ang he slightly turned his head para siguro hindi ko makita ang blush sa mukha niya. Hahaha ang sarap talagang asarinng mokong na 'toI don't know what's in your smile that it never failed to stop me in my tracks. Sa tuwing ngumingiti ka Parang inaangkin mo na lang palagi ang lahat ng espasyo sa utak ko.
"So tingin mo sa akin Marijuana? ganoon?"
"Can you please let me finish this?makinig ka muna."
Hindi namana ko Naka-drugs Ni hindi nga ako nakasinghot ng Rugby para maging high pero sa mga ngiti mo lang bakit parang lutang na lutang na lang ako sa tuwing nati-tiyempuhan ko ang mga ngiti mo?
BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove
Fanfictionisa lang itong fanfiction ng "BIru-biruan ng puso" ng idolo kong si Ms. Sonia ng PHR pero anyway sana mag enjoy kayo sa pagbabasa nito :D :))Naranasan mo na ba ang magmahal ng isang tao? Mahirap ba? Paano kung hindi siya si "ideal man"?..... Ta...