Chapter 22

601 7 2
                                    

Continuation:

"Mali ang sagot mo." Ani pret sa akin.

 *PRetzels' POV

"Anong mali? eh itanong mo pa rito kay Cliffe, tama naman ang sagot ko."

Naku mukhang tinuruan 'tong si Alec ni Cliffe. Hmmm 

Isip ng palusot..

*Ting!

"Sigurado ka ba? Eh ang hinihingi ko naman eh yung figurative meaning no'n hindi yung literal."

Tingnan natin kung makasagot ka pa ngayon niyan Hahaha! I'm evil you know.

"HIndi mo naman sinabi agad. Nahirapan pa tuloy ako sa paghahanap ng sagot. Ang dali naman pala niyan."

Hmmm ma tingnan nga natin ang palusot skills nitong lalakeng 'to.

"May three Hearts ang octopus kasi bawat heart eh nagbibigay ng hope sa kanya na kahit masaktan siya ng isang beses, aasahan niya pang may dalawa pa'ng maiiwan. Same as sa isang tao. Kung masasaktan ka at feeling mo eh nawalan ka na ng pag-asa tandaan mo lang na may dalawang pag-asa ka pang natiitira para maging masaya. Iyon ay ang Maykapal at ang Pamilya mo."

Wow galing niya ah. Di ko alam makata pala 'tong si Alec. Ma nominate nga pang gawad makata ng Pilipinas.

"Pare saang baul mo ba nahalungkat yan at pahiram naman minsan." Kantyaw ni Evan kay Alec.

"O sagutin mo na yan Pret. Ayan na o dudugo na ang mga ilong namin rito sa makatang yan." Susol naman ni Miggy.

"Eh paano naman kung tatlong beses na'ng nasaktan ang Octopus. Eh di wala nang natira. Patay na siya." O Ang galing ko ring mambara noh? Hahaha

" Diyan, kailangan na niya ng sergery." 

"Sergery?" Halos magkakasabay na sambit naming lahat na para bang nagsi-speech choir.

"Oo diyan na papasok si love para i revive ang heart niya. At kailangan niya ng another octopus para   magawa yon. So the same lang sa atin kailangan mo AKO para pagalingin ang takot mo sa love." At nag wink pa si Alec sa akin.

*TEESSZZT* 

Ano na naman yon? Electric circuit? Parang may nag spark ah .Hmmph guni-guni ko lang siguro yon. 

Nagpalakpakan silang lahat maliban sa akin.

"Bravo! Ang galing mo pare!" Tinapik tapik pa ni Miggy ang balikat ni Alec.

"O siya tapos na ang hearing at magsiuwian na kayo." Pagtataboy ni Kess kina Alec at sa tropa nito.

"Teka, teka hindi pa tapos." Ani Alec na ayaw pa sigurong umalis kasi hindi niya pa nakukuha ang gusto.

Nagui-guilty naman siya sa lahat ng efforts na ginawa nito kahit na alam nitong wala nang pag-asa para maging girlfriend siya nito kaya sige na. Tatanggapin niya na lang ang alok nito. Isang araw lang naman.

"Sige na sige na, umalis na kayo. Payag na ako. " Nakakahiya! NAmumula na siguro ang buong mukha ko sa sinabi ko kaya agad akong tumakbo sa kwarto at nagtalukbong ng unan.

To be continued............... 

PAsensya na sa ikli , hehe nagustuhan niyo ba? Thank you for reading this chap.

Accidentally InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon