Chapter 31

563 7 3
                                    

 Thank you sa walang sawang pagtitiis sa mga UD's ko. Hehehe :))

Kumakain ako ng sandwich na ibinigay sa akin ni Pretzel habang naglalaro sa PSP ko.

“Wow medyo nag improve na ang mga luto mo ngayon ah. Ilang milyon ba ang binayad mo sa fairy ng kusina at parang na lift na ang pagkaka ban mo sa kusina?”

“Tatlong milyon Bakit?” Naiiritang sagot nito.

Tumawa naman siya.

“Mabilaukan ka sana.” Sabi nito sa kanya

“O highblood ka na naman. Easy lang. Pero seriously, nag improve na talaga ang cooking skills mo.” Puri niya rito.

Ang bilis naming nag change ng mood nito sa sinabi niya.“Talaga?”

“Oo na, pero ang dali dali lang naman I prepare nitong sandwich kaya slight pa lang ang improvement na napapansin ko. Ipagluto mo ako pagdating natin sa Korea ha. Para naman matikman natin yang skill mo na binayaran mo ng three million pesos sa fairy ng kusina.”

“Pero masarap na diba? Pinilit ko pa talaga si Manang Melly na turuan akong magluto last week. O diba? Ang galing ko na, within a week ang dami kong natutunan sa kusina.”

“Oo na masarap na. So nakapag pa book ka na ba ng hotel na tutuluyan natin don?”

“Wala pa. Para mas exciting naman  ‘tong  trip natin diba?”

“Exciting? So pano yan pag wala tayong matuluyan na hotel doon?”

“Over ka ha? Ang dami kayang hotel sa Korea. Siguradong hindi tayo mauubusan. Trust me.” Then she winked at me.

I was stunned, for a moment there, it seems that the time had stopped ticking and all I can see is her lovely face.

Lovely? Tanong niya sa isip niya. Saan ko naman nakuha ang lovely na word na yon?

Aminin mo na kasi na nagagandahan ka sa kanya. Indenial king, ikaw ba yan?

Teka? Nababaliw na ba siya at nagmomonologue siya sa loob ng isip niya?

Tss… Siguro epekto ito ng pagkaka sira ng mga brain cells ko kanina nang hilahin ni Pretzel ang buhok ko.

 Tinitigan niya ito. Simple lang ang suot nito.  Hind mo aakalaing isa pala itong CEO ng kompanya. Kung tutuusin, napaka bata pa nito para maging CEO pero she had proved herself to be righteous of the position given to her by her parents. Napaka dedicated nito sa trabaho kaya hindi niya masisisi ito kung gusto nito ng break. Kaya na rin siya pumayag na sumama rito ay dahil  somehow na miss niya ito.

Huy! Mali ang iniisip niyo na pagka miss ha? Miss ko na kasing asarin siya!. ^_________^

♫I wanna make you smile whenever you’re sad

Carry you around when your arthritis is bad

Oh all I wanna do is grow old with you♫

Tumunog ang cellphone nito.

Hinugot nito ang cellphone nito mula sa bulsa at  sinagot ang tumatawag.

Daniel Padilla song pa rin pala ang ringtone niya.

Selos ka naman. Tukso ng isip niya sa kanya.

“Hindi noh!” Na voice out pa niya ang dapat ay reply niya sa boses ng utak niya.

Nilingon naman siya nito bago nito sinagot ang tawag sa cellphone nito.

“Uy anong nangyari sayo?” tanong nito sa kanya

Accidentally InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon