Chapter 24

586 8 1
                                    

Pagdating ng kotse sa lobby ng hotel ay agad na hinawakan ni Alec ang braso niya at marahan siyang iginiya patungo sa front desk ng hotel. May hiningi itong susi mula sa babaeng incharge doon sa lobby na taga bigay ng susi at nakita niyang may dalawang piraso ng magkaibang susi ang ibinigay kay Alec.

Hindi na siya umangal pa nang marahang hinahatak siya ni Alec kasi nahihiya siya sa suot niya. Naka jeans at simpleng t-shirt lang siya dahil hindi naman niya inaasahang aalis siya ng maaga, at isa pa wala naman siyang nagawa kanina sa cabin nila dahil kulang na lang ay ipamigay siya ng mga kaibigan niya kay Alec.

Sumakay sila sa pinakamalapit na elevator kasabay ng iba pang mga costumers siguro ng hotel. Ang iba ay nakatingin sa kanilang dalawa na animoy nagtataka kung bakit sila nandoon. At ang iba anamn ay walang pakealam. Five star hotel naman kasi iyon at pawang mga sosyal ang gumagala, halos lahat naka executive attire o kung hindi man ay naka casual or semi-formal kaya medyo na a-awkward na siya.

Masapak nga itong lalaking 'to mamaya, naiilang na talaga ako sa mga tingin ng mga tao rito eh, ngayon lang sila nakakita ng maganda? Hmmp! Napagkamalan na siguro akong pulubi ng mga tao rito sa elevator. >_<

At ang herodes na Alec naman. hindi man lang nailang. Kunsabagay naka polo shirt naman siya at nakapantalon, at aaminin ko na kahit siguro anong ipasuot dito eh nagmumukhang pormal kahit na simple lang.Kasi may aura naman talaga na pangmayaman 'tong si Alec... teka ano ba 'tong iniisip ko? Bakit ko pa pinupuri ang lalaking ito sa isip ko? Tss .. erase .. erase...

Kinakabahan na talaga ako para sa party mamaya. Hindi pa naman ako mahilig sa parties, nagsisisi na tuloy ako sa hindi pagsama sa mga social gatherings kung saan sapilitan akong sinasama nila Mommy noon.

Sa wakas at bumukas na ang Elevator sa floor kung saan naroon ang mga rooms namin. Lumabas na kami ng Elevator at hanggang paglabas namin ay hila-hila pa rin ako ni Alec.

"Hoy huwag mo nga akong hilahin. Ang bilis mo pa naman maglakad. hinihingal na ako sa kaka madali mo ah." Reklamo ko sa kanya.

"Do not complain Pret. Kanina pa naghihintay ang stylist sa loob ng hotel room, nakakahiya, pinaghihintay natin sila."

Tiningnan niya ang relo niya " Eight pa lang ng umaga ah, ang aga naman nila. "

"Huwag ka na ngang makulit, basta bilisan mo naman ang paglalakad diyan."

"Bibilisan ko pa? Halos hinihingal na nga ako dahil sa paghila mo eh.Monster talaga."

"Ang childish mo rin. "

Sa wakas nakarating na nila ang hotel room kung saan nandoon ang mga stylists na mag-aayos sa kanila para sa party. Pumasok muna si Alec sa room kung saan siya aayusan at lumabas naman ito agad matapos kausapin ang stylists niya.

"Ikaw ba ang girlfriend ni Xander?"

"Ah.. eh... yes..?" Medyo awkward pa rin sa kanya ang tawaging girlfriend ni Alec. Namumula na tuloy siya na parang ewan sa harap ng nagtatanong na bakla.

"O BAkit may question mark yata sa dulo ang sagot mo? " Nangingiting turan ng kasama nito.

"Ah nakakahiya kasi pag may nagtatanong eh." =__=

"Wag kang ma shy girl, bagay naman kayo eh." Namula na naman siya sa sinabi ng bakla.

"Ay ang cute niya, namumula." Aliw na aliw na sabi ng babae.

"O sige na baka matakot sa atin 'tong girlfriend ni Xander. Umpisahan na natin ang pag-aayos sa kanya." Sabi ng bakla na sinipat sipat ang kabuuan niya. Ngumiti lang siya ng pilit dahil naiilang na talaga siya.

"Turn my dear." Kapagkuwan ay sabi nito.

"Hindi naman masyadong marami ang ime-make over natin sa kanya sister." Baling nito sa kasama.

"She's pretty naman eh kaya hindi tayo mahihirapan dito. " Sagot naman ng Babaeng kasama nito.

Inumpisahan na siyang ayusan ng mga ito. Pinaupo siya sa silya na nakaharap sa vanity mirror at sinuklay suklay ng mga ito ang medyo may kahabaan nang buhok niya.

" Sha shampoohin muna namin ang buhok mo ha? " Iyon naman ang sabi ng bakla.

"Kayo na po ang bahala kung ano ang gagawin niyo."

Kung anu-ano na lang ang ginawa ng mga ito sa kanya. tinutohanan talaga ng mga ito ang sinabi niyang sila na ang bahala sa kanya. Winax pa ng mga ito ang mga balahibo niya sa binti, minasage siya, at kung anu-ano pa.

Nang matapos na pagmamasage nila sa kanya ay nag beak muna sila para mag lunch. Hindi na niya namalayan ang oras dahil medyo nakatulog siya habang minamasahe siya.

Agad din naman silang bumalik sa hotel room at pinaupo na naman siya sa isang silya. kinutingting ng mga ito ang mga kuko niya sa paa at kamay at pagkatapos ay kinulayan nila ang mga ito. Yung colorless lang naman na may glitters glitters para raw mag complement ito sa silver shoes niya.

Buhok naman niya ang isinunod ng mga ito. Bahagyang kinulot ng mga ito ang ends ng may kahabaang buhok niya nilagyan ng maliit na headpiece at pagkatapos ay nilagyan siya ng mga ito ng make-up. Light lang ang pagkakalagay ng mga ito sa makeup niya para daw hindi siya magmukhang fierce tingnan.

Inilabas na ng babaeng stylist ang gown na ipinadala ng mommy niya. Nanlalaki ang mga matang tinitigan niya ito at napagtantong napakaganda ng naturang gown.

"Your mom was the one who sent it." Wika pa ng bakla.

Ibinigay ng bakla sa kanya ang gown at sinabihan siyang isuot na ito.

After a few more minutes....

O.O

>___<

>=____=<

To be continued...................

How was it? Hehehehe pasensya na at maikli . hehehe Thank you for reading this chap. Comments? Like niyo ba? hehehe :))

Accidentally InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon