Chapter 1

1.1K 22 1
                                    

Pretzel's POV

Kinagatan ko ang sandwich ko at ninamnam ang sarap ng palaman nito.

"Hmm sarap!" sabi ko kahit puno pa ang bibig ko. Minsan talaga nakakawala ng poise ang sobrang gutom.

Dinampot ko ang hot sauce sa mesa at nilagyan ko na naman ng panibagong layer nito ang aking sandwich. Grabe hindi ko na nga malasahan ang anghang nitong sauce eh, ganito ba ang nararamdaman ng mga street children pag di sila nakakakain?

 " Miss pwede bang makiupo?" May nagsalita sa tabi ko.

Tiningnan ko ang paligid at nakita ko'ng wala na ngang bakanteng mesa.

" Okay"  Simpleng tugon ko at nagsimula na naman sa pagkain ng sandwich ko.

Buti na lang may nakita akong ATM machine kanina habang naglalakad ako, kung hindi baka bulagta na ako sa sobrang gutom ngayon. 

" Alam mo ang sarap mong tingnan." Anang nakiupo sa akin. Doon pa ako naging aware na may tao pala sa harapan ko.

" Ah sorry sa manners ko ha?" Pagpapaumanhin ko sa kanya at tiningnan ko siya.

Maganda siya, Medyo mahaba ang buhok niya at kulot ang ends nito. Maputi rin siya at kahit hindi naka make-up eh maganda pa rin,at mukha siyang anghel kung makatingin.

" Uhmmm, may dumi ba ako sa mukha?" Aniya sa akin.

" Wala, Alam mo maganda ka." Wala sa loob na naisambit ko ang iniisip ko.

Nabilaukan siya sa kinakain niya at kamuntik nang tumapon sa akin ang laman ng bibig niya, buti na lang medyo quick ang reflexes ko kaya nakaiwas ako sa mga flying rice mula sa bibig niya. 

Umubo siya ng kaunti at pinagpag ang mga nahulog na rice sa mesa.

" Hwwag ka ngang magbiro ng ganyan." Nag smile siya sa akin at nagpatuloy " Sa susunod ha wa'g ka nang mag joke habang kumakain ako. Buti na lang hindi ko naibuga sa'yo ang kinain ko."

"Ang overs mo naman mag-react, parang ngayon ka lang nakarinig ng compliment. Teka ano ba'ng name mo?"

"Ah Candace nga pala" aniya at inabot ang kamay niya sa akin. " And you are?"

" Pretzel." 

" Wow ang sarap naman ng pangalan mo."

" Hindi naman mashadow, minsan nga nawe-weirdan ako sa name ko parang ang bantot."

" It's cool naman eh. Really."

Natapos na ako sa kinakain ko habang napapasarap naman ang pagku-kwentuhan naming dalawa.

" Teka freshmen ka ba ngayon?" Tanong ni Candace sa akin

" Oo, bakit? Ikaw din?"

"Yup." 

" So 'san ka ba ngayon nagsi-stay?" Tanong ko sa kanya

" Sa northern dorm, yung malapit sa may lake." 

" Wow dun rin ako magsi-stay, sana malapit lang ang mga rooms natin noh."

Gusto kong maging kaibigan si Candace, masarap siyang kausap at nararamdaman ko na  madali kaming magkakasundo if ever man na maging friends kami.

" Oo nga, so friends na tayo diba? pwede ko ba'ng hingin yung number mo?" 

" Yeap, Friends na tayo, ikaw pa lang nga ang unang taong nakilala ko sito eh."

"Tara, sabay na tayong pumunta sa dorm." Yaya niya sa akin.

Tumayo na kami at naglakad. Maganda naman pala ang paligid nitong Robinson's academy, presko ang hangin at makapal ang greenery, marami nga akong nakikitang puno sa paligid at kahit na may mga malalaking buildings ay hindi mo maiisip na nasa city ka. 

Marami din akong nakitang mga nagba-bike at ang majority naman sa mga studyante ay naglalakad lang. Wala ka'ng makikitang usok galing sa mga sasakyan at ang ganda pa ng pagkaka landscape ng mga bulaklak sa tabi ng  daan.

Hindi rin mahaba ang nilakad namin ni Candace. Nakarating kami sa dorm namin at nagtungo na sa kanya-kanyang kwarto na naka asign sa amin. Yung kwarto na pala niya ay mga 5 rooms away lang sa akin so kung tutuusin pwede lang kaming magsabay sa pagpasok araw-araw depende na sa kung sino ang maunang kumatok sa pintuan ng isa't -isa.

Yehey! I met a new friend na.

Accidentally InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon