Chapter 42

454 5 0
                                    

HEllo sa lahat!! Wew! Kaytagal ko ring hindi nakapag-UD noh? Sorry masyadong naging busy sa school eh. :)) Gomawo. hehe Anyway. Thank you po sa lahat ng patuloy na nagbabasa nito at patuloy na sumusuporta. I love you All :)) Here's chapter 42. (Muah! :*) 

_____________________________________________________________________________

Gumalaw siya at naramdaman niyang may mga nakakabit sa kanya. Hindi siya gaanong makakilos ng maayos at nanghihina ang katawan niya.

Nasaan ba siya? BAkit tila hindi pamelyar ang nasa paligid niya? His Eyes examined the room to look for any signs of familiarity ngunit wala pa rin. Tumingala siya at nakita niya ang isang bag na puno ng likido. Dextrose. Kung ganoon ay nasa ospital siya? Bakit ba siya napunta dito?

Si Pretzel, naaalala niyang narinig niya ang pagtawag nito sa pangalan niya bago siya nakatulog kagabi. Nasaan na ba ito ngayon? Bakit siya nag-iisa?

Napukaw ang naglalakbay na atensyon niya ng marinig niya ang pagpihit ng doorknob. Pumasok sa loob ang isang Koreanang Nurse at tiningnan nito kung maayos ba ang daloy ng likido mula sa dextrose niya. Isinulat nito iyon sa dala nitong record book at pagkatapos ay kinuhanan siya nito ng BP at tsinek rin nito ang temperatura niya.  Sinulat na naman nito ang mga resulta ng tests sa record book nito at may iniaadjust ito sa isa sa mga aparatong nakakabit sa kanya.

Sinulyapan niya ang orasab sa dingding na nagsasabing alas tres na ng hapon. Kung ganoon ay buong araw siyang tulog?

Sino ba ang kasama niya rito kanina at bakit nag-iisa na lang siya ngayon? Nais niyang tanungin ang Nurse ngunit nagdadalawang isip siya dahil baka hindi lang sila magkaintindihan pag tinanong niya ito.

Hoy magtanong ka na diyan sa kay MIss tsinita. Baka abutin ka pa ng kinabukasan at hindi mo pa rin alam kung ano ang nangyayari sayo. Sigaw ng isang bahagi ng utak niya.

Pero paano? Hindi naman siya marunong mag Korean. At hindi naman niya makita ang cellphone niya kung saan nakainstall doon ang app na ginamit nila ni Pretzel para makaintindi ng Korean.

Use the international language dude.Mag ingles ka hoy! Mag-isip ka nga ng maayos. Huwag sasabaw-sabaw ang utak! Ito namang subconscious mind niya grabe kung makadikta kala mo kung sinong Boss kung makaasta Pero may point naman ito kaya naman ay nagsalita na siya.

"Excuse me." Tawag niya sa nurse na papalabas na sana ng silid.

"Yes Sir?"

He sighed in relief.Mabuti naman at may mapagtatanungan siya.

"Why am I here?" Tanong niya rito.

"Pardon Sir?" Sabi naman nito.

"Why am I here? Who brought me here?" 

"Oh I see.... A girl Brought you here three Days ago. You were having a very high fever and she was very worried about you. Actually, she was the one who watched you here and she patiently waited for you to wake up but earlier this morning she almost collapsed and the doctors feared that she might be sick because of her sleep deprivation so she was forced by them to rest and they gave her some medicine for her to fall asleep."

Sinalakay ng kaba ang dibdib niya. Three days na pala siyang walang malay at si Pretzel lang ang nag-alaga sa kanya and she might have been sick because of him. Nag-aalala siya rito kaya pinilit niya ang sarili niyang tumayo sa higaan.

"Sir. You can't go anywhere outside this room, that is a strict order from your doctor." Sabi ng Nurse sa kanya at pinapahiga siya nito pabalik sa kama niya.

"I want to see her. Where is she?" Namimilit pa rin siyang tumayo pero hindi sapat ang lakas niya para makatayo.

"Maybe you can do it next time Sir. But for now, you have to rest." Iyon lang at iniayos nito ang higaan niya. HIndi na siya nakaangal pa. Hindi niya alam kung nasaang parte ng ospital ngayon si Pretzel at wala rin siyang cellphone para magamit niya upang tumawag kina Miggy.

Accidentally InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon