Chapter 34

567 5 0
                                    

HalloOOOO!!!! Hehe Sowi at ngayon lang ako nakapag UD. hehehe medyo Besssiiii masyado sa  Skul eh.. Hehehe. Ano? Boring much naba iteeeyyy????? Haaay sa totoo lang marami pa sana akong ideas na gustong isulat kaso lang walang confidence... hahahaha wala pa bang confidence itong ginagawa ko na pagpo-post ng story? Hahaha Luka-luka lang talaga noh? hehehe Salamat nga pala sa mga Readers nitong Story ko na walang sawang sumusuporta :)) I Love you with all my Brain at chaka heart. :))))

 ____________________________________________________________________________

*Candaces' POV

Bumuntong hininga na lang ako. Haaay as usual, nagpakatanga na naman ako. Kung hindi ko ba naman nakalimutang tawagan man lang si Pretzel about sa trip namin, eh di sana hindi ako naiwan ditong mag-isa ngayon sa airport.

Ayaw ko rin namang maging isang saling-pusa sa kanilang dalawa ni Alec doon sa Korea. Aba! Chance na nila itong dalawa no. Ayokong maki epal. Haay kung ako nga kinikilig sa love life nilang dalawa, ano pa kaya itong si Pretzel na may lovelife na. Kahit pagpapanggap lang ang nasa kanilang dalawa, I'm sure naman isa sa kanila o silang dalawa eh may special feelings towards the other. Mga pakipot lang talaga ang mga iyon! Hmmp! Gusto pa yata nilang patagalin ang progress ng story nila eh. -_____-

Pagpasensiyahan niyo na at ganito talaga ang mga taong bitter. Pero oy! Hindi ako bitter dahil sa hiniwalayan ako ng lalaki...... Bitter ako sa kapalaran. Kung bakit ba naman kasi walang ni isa man lang na nanliligaw sa akin. Minsan nga nagiging assuming na lang ako na meron pag may lalaking makikipag friend sa akin para lang may mapag-ilusyunan man lang ako, pero wala pa rin! Hindi ko kayang kiligin sa pag-aasume ko. 

Siguro nga tama ang sinabi nila na sa panahon ngayon, lovelife na lang ng iba ang nagpapakilig sa karamihan. Pwede namang pumi-BB teens pero di ko ma take. Haay ang lovelife kong tinalo pa ang nakasunod sa isang flock ng mga pagong na naisipang mag santakrusan, baka abutin na ako ng siyam siyam nito sa paghihintay. Haaay Buhay parang life lang eh noh... Hintay hintay na lang muna. Sa ngayon, siguro tutulungan ko na munang magkaaminan sina Earl at Pret para naman may pagkaabalahan ako habang naghihintay. 

For the meantime magkukwento na muna kung paano ako niyaya ni Pret.

Ganito kasi iyon. 

*Flashback

Nagmamaneho na pabalik ng office niya si Candace, galing pa siya sa isang photoshoot na umabot ng isang araw bago natapos.

Pagod na pagod na siya pero worth it naman kasi masaya na siya sa nakitang ngiti sa mga labi ng couple na kinuhanan niya ng pre-wedding picture.

Wala si Jaime ngayon na siyang sekretarya niya,dahil nagpaalam itong uuwi sa probinsya dahil birthday raw ng nanay nito kaya hindi na niya ito pinigilan na umalis, kahit na nag-aalangan iyon kasi wala raw siyang kasama sa photoshoot niya. Marami pa naman raw siyang naka schedule na kukuhanan ng litrato at malalayo ang locations kaya naawa ito sa kanya pag siya lang ang naiwan.

♫The sun is down it's a gloomy day 

My hair is ugly and it looks like hay 

I feel so lousy, I could fade away 

But its ok 

Because Love has come my way ♫

Inihimpil muna niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada at sinagot ang tawag sa cellphone niya.

"Candace!!!!!" Sigaw ng nasa kabilang linya.

Kilalang-kilala na niya ito. Sa lakas pa lang ng boses nito alam na niyang si Pretzel ang tumatawag.

Accidentally InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon