Chapter 40

410 5 1
                                    

HELOOOOO PO sa lahat. Sorry po sa matagal tagal na UD hehehe :)) Mdterms kasi namin eh tapos hindi ko pa ma access ang internet namin kasi biglang nagloko ang connection for 4 days! eh plano ko pa man sanang mag UD right after my exam last saturday. Tzzzk Anyway. I love you All and here's my UD hehehe Finally naiupload ko rin siya hehe :)) ENJOY PO :)) VOTEs and comments are highly appreciated :)) THank you po sa patuloy na pagsusubaybay nito :))

NP: Tameme (wala lang share ko lang yung pinapakinggan ko ngayon)

_____________________________________________________________________________

“Julian?”

“Pretzel?”

 Sabay pa silang dalawa sa pagbigkas ng pangalan ng isa’t-isa.

“Wait? You knew each other?” Nagtatakang tanong ng lolo niya.

“Yes Grandpa He’s a friend.” Siya ang unang nakabawi sa pagkabigla.

“And she’s my colleague way back in college.” Dagdag naman ni Julian.

“Well that’s good, You knew each other naman pala. “ Nauunawaan niya ang gustong iparating nito kaya naman nagsalita na siya para magprotesta.

“Desidido na po ba talaga kayo sa gusto niyo Grandpa? May Fiancee na po ako.”

“And Alec is my friend Sir, hindi po ako ang tipo ng taong tumatraydor sa kaibigan.” Mabuti naman at sinuportahan ni Julian ang sinabi niya.

“A date is just a date, and besides if That Alexander is sincere with his feelings for you, he’d be here to stop me from finding you a better man to be with.” May pinalidad na sa tono ng boses nito.

Suddenly she realized that her Grandpa has a point. Walang kasiguraduhan ang kahihinatnan ng semi-lovestory nila. “Semi” lang kasi siya lang naman ang may lihim na pagtingin rito at ito naman ay wala lang babaeng nagugustuhan kaya naman ay hindi pa siya nito iniiwan. Paano kung dumating ang araw na makahanap ng babaeng magugustuhan niya si Alec? Saan siya pupulutin? Paano na siya?

Hindi pa naman niya alam kung ano ang gagawin niya kung mawawala si Alec sa buhay niya. Masyado na kasi siyang nasanay sa presence nito na kung minsan ay gusto na sana niyang aminin dito na lumampas na pagiging bestfriend ang turing niya rito. Pero syempre naman eh dalagang pilipina pa rin siya. Hindi niya dapat  pangunahan ang lalaki sa pagtatapat ng damdamin sa kanya. Pero ang tanong. May nararamdaman ba si Alec para sa kanya?

Kung tatanggapin niya ang alok ng lolo niya, hindi naman siguro siya mapapahamak dahil kaibigan naman niya si Julian at hindi naman ito masamang tao para mang-agaw ng girlfriend ng kaibigan gaya ng sinabi nito kanina. 

“Okay, I understand. I’ll do what you want”

“Good. Then I’ll leave the two of you to talk about it” Umalis na ang lolo niya at matinding katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa. 

“Why did you do that?” Bakas sa mukha ni Julian ang pagtataka.

“Julian can you help me?”

Kinuha niya ang isang kamay ni Julian na nakapatong sa lamesang pumapagitna sa kanila.

Nanalalaki ang mga mata ni Julian sa ginawa niya. “Ah,… eh,… Huh?... Hindi ko maintindihan.”

“Gusto kong malaman kung mahal ba ako ni Alec, you see, alam mo naman siguro ang totoong estado ng relasyon naming ngayon diba? Engaged nga kami pero hanggang kailan?”

Then she saw a knowing smile curved in Julian’s lips “ I know” Sambit nito. “ Pero sa gagawin mo, sigurado ka bang handa kang tanggapin kung anuman ang magiging resulta ng plano mo?”

Accidentally InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon