chapter 38

509 6 3
                                    

 HEloOOOOOOOOOOoooooOOOO Readers! Hehehe Missed me??? Char may line na akong ganoon no? hahaha wala lang. Feel ko na kasi ang katagalan  ng pagkawala ko dito sa watty hahaha SOrry !!!!!! Kamsahamnida!!!!! Prelims kasi eh. KAilangan kong mag put ng best foot forward hehe. Anywayy. Here's an update for you guys!!! Sana magustuhan niyo :))))))))

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ibinaba sila ng Bus na sinasakyan nila sa kanto kung saan may daan paakyat sa isang elevated na lugar.

Sa tanaw niya eh malayo pa ang dapat nilang lakarin . At duda siyang makakaya niya pang maglakad ng ganoon kalayo.

You see, ang lalaki ng mga maleta nila at kahit na dala dala ni Alec yung backpack niya, mahirap pa ring maglakad kasi medyo kumakapal na ang snow sa paligid.

Kaya heto siya ngayon, pinipilit ang sarili niyang maglakad. Hirap na hirap na talaga siya dahil sa nilalamig pa siya at namamanhid na ang mga paa niya.

"Ano? Kaya pa?"  Baling sa kanya ni Alec na halos anim na dipa na ang layo sa kanya.

"Wow! kung magsalita ka naman parang ang dali lang sayong maglakad ng ganito kalamig habang may hila-hilang malaking maleta." Reklamo niya rito.

"Akala ko ba eh gusto mo ng adventure? O hayan ang environment na mismo ang nagbibigay sayo ng adventure, nagrereklamo ka naman."

 "Hmmmph." Tumigil muna siya sa pagalalakad at umupo muna sa gilid ng daan. " Kita mo to'ng taong 'to wala talagang ni kakarampot na kabaitan sa buto. Kita mo ngang nahihirapan na ako sa paghila ng maleta ko nakuha mo pang madaliin ako. Kung ikaw nalang kaya ang magdala nito para makausad tayo ng madali kasi yun naman ang gusto mo. Tutal nilalamig na tayong pareho o."

"Eh sino ba naman kasi ang maysabing dalhin mo ang buong closet mo?Yan tuloy nahihirapan kang magdala niyang maleta mo. Akin na nga yan." Kinuha niya mula sa akin ang maleta ko at nagakad na naman siya.

"O tara na." Lingon nito sa kanya. " Wala ka na ngang dala diyan, ang tamad mo pang maglakad. Baka gusto mong buhatin din kita?"

"As in? Kaya mo pa akong buhatin sa sitwasyon mong yan na may dalawang maleta at backpack?" Hindi makapaniwalang tugon niya rito.

"Strong yata muscles ko."Pagmamayabang pa nito.

Sige nga? Subukan nga natin?

HIndi na niya isinatinig ang nasa isip dahil baka totohanin nito iyon at makita sila ng Grandpa niya. May pagka konserbatibo pa naman iyon at baka paluhurin siya sa asin dahil sa kaharutan niya.

"Woooo, Yabang nito. Fats yan, hindi yan muscles." Hinabol niya ito at umagapay rito sa paglalakad. 

"Teka. Parang ambait mo naman sakin ngayon ah. Ano'ng nakain mo?" Puna niya rito. 

Sa totoo lang ay naweweirduhan na siya sa lalaking ito. Minsan bugnutin, minsan naman napaka caring at gentleman. Kung maka moodswing lang wagas! 

Nangangalahati na silang dalawa sa paglalakad patungo sa itaas kung saan nandoon ang Villa ng Grandpa niya nang may bumusina mula sa likuran nila.

Isang itim na Mercedes-Benz ang nakita nilang huminto sa tapat nila at bumukas ang isa sa mga tinted windows nito.

Dumungaw sa bintana ang isang lalaking nasa mid 60's na ang edad at tumitig ito sa kanila na nakakunot ang noo.

Biglang kinabahan siya sa nakita. Kilalang kilala niya kung sino iyon. Napahawak tuloy siya ng wala sa oras sa braso ni Alec para maka recover agad sa biglaang pagsulpot ng Grandpa niya.

Accidentally InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon