Chapter 26

563 9 3
                                    

Bumukas ang malaking pintuan at kasabay niyon ay ang nakakasilaw na liwanag. Malakas na tugtog at ang masigabong Palakpakan.

"And now I present to you. Earl Alexander Zapanta, with his Girlfriend Pretzel Azalea Beatrice Moreno." sabi ng host ng event na mommy ni Alec paglabas nila ng silid.

Dahan dahan silang bumaba sa hagdanan habang inaalalayan niya si Pretzel upang hindi naman ito matapilok. He suddenly felt the urge to protect her from falling. Kung dati ay inaasar asar lang niya ito at natutuwa siyang nakikita itong naiinis, ngayon ay mukhang na realize niyang mas maganda pala ang mukha nito kapag maaliwalas at may ngiti.

Pagkatapos ng pagpapakilala sa kanila sa mga bisita ay dumulog sila sa mesa kung saan naroon ang mga kaibigan nila.

"Hoy bruha! Ikaw ba talaga yan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kess.

Kinurot-kurot pa ni Yana ang pisngi ni Pretzel. "Hindi ka Plastic?"

"Hindi nga. Hahaha ." Napatanga lang ako sa pagtawa niya. Ngayon ko lang napansin na maganda pala ang tawa niya. Haay palaging ngayon ko lang ,ngayon ko lang, para na akong si Boy perstaym nito.

Dumampot na lang ako ng pagkain at inilagay ito sa plato ko para naman may mapagkaabalahan akong iba. 

Ikakain ko na lang 'tong nararamdaman ko.

"Hoy pare baka mabulunan ka diyan sa kakasubo mo ng sunod sunod sa pagkain mo. Seriously. Isang araw ka bang nag fasting ngayon?" Puna ni Miggy sa kanya.

Nabilaukan pa siya sa sinabi nito. Buti na lang at inabutan siya ni Julian ng maiinom.

"Salamat pare." Sabi niya rito matapos inumin ang ibinigay nito.

Biglang lumapit ang parents niya at inexcuse muna silang dalawa ni Pretzel dahil gusto raw sila nitong ipakilala sa ilang bisita. Wala naman silang nagawa kaya tumayo na silang dalawa.

*Julians' POV

Napatingin ako sa papalayong pigura nilang dalawa. bagay na bagay sila kung tingnan, at mukhang masaya si Pretzel sa piling ni Alec. 

Ilang beses ko na bang nakitang ngumiti si Pretzel ? Siguro hindi na mabilang kasi kahit nasa malayo ay sinusubaybayan ko na siya. Ilang ngiti na nga ang nakita ko pero wala ni isa sa mga iyon ang papantay sa ngiti niya ngayon. Dahil ba yon sa make up? Hindi naman siguro, basta may kakaiba sa ngiti niya ngayon.

Paraya mode na lang ako? Siguro yun na nga dapat ang atupagin ko. At para maka usad, tutulungan ko na lang si Miggy sa plano niyang gawing lovers sina Alec at Pret. Oo na! Masokista na ako. Pero sabi nga nila diba? The only way to solve yor problems is to face it. Kaya naman I'll face myself in the mirror, Joke lang I'll face my fear of seing her with another person.

Huwag niyo akong kaawaan ha. Umeepal lang naman ako sa storyang 'to alam ko bibigyan din ako ni Miss Awtor ng ka loveteam. Pero kung bibigyan ako ng chance na maka partner si Pretzel eh why not coconut diba? O Miss Awtor ano na? Sumobra ka na sa informal writing dyan. >____<

*End of POV

Nangangawit na ang panga nilang dalawa sa kakangiti. Sa bilang siguro ni Alec ay mga singkwenta na katao ang naipakilala sa kanila, ang iba ay natatandaan niya dahil nakilala na niya noon ngunit sadyang may iba talaga na hindi na tinatanguan na lang niya at pagkatapos eh nakakalimutan na niya ang pangalan.

Sinulyapan niya si Pretzel sa kanyang tabi. Mukhang pareho sila nito ng nararamdaman.

Mula sa mukha nito ay napadako ang tingin niya sa kamay niyang nakahawak sa balikat nito. BIgla lang siyang nailang at tila napapaso ang kamay na napabitaw siya sa pagkakahawak rito.

Napatingin ito sa kanya na para bang nalilito kung ano ang nangyayari sa kanya.

"Okay ka lang?" Tanong nito sa kanya

"I.. I'm fine. " Palusot niya.

"Ah mukhang napapagod na 'tong si Xander sa paglilibot. Pwede po bang magpahinga muna kami doon sa table namin tita? " Magalang na pagpapaalam ni Pretzel sa mom niya.

"Sure hija, para naman may time kayong dalawa para sa isa't -isa." Sabi naman ng Mommy niya.

Iginiya niya si Pretzel pabalik sa mesa nila. Pagdating naman nila doon ay wala ang mga kaibigan nila dahil mukhang nakisali na rin ang mga ito sa mga taong nagsasayaw sa gitna.

May nakatugtog na romantic na musika at halos lahat ay nagpares-pares na at nagsayaw na sa gitna. Sila na lang siguro ang nakaupo pa sa mga upuan nila sa mga kaedad nila.

"Would you like to dance?" Yaya niya rito.

"Hindi na muna. Pass muna ako diyan." wika nito sa kanya sabay hubad sa high heeled shoes na suot nito.

'O ano'ng ginagawa mo?" Tanong niya rito.

"Ansakit na ng paa ko sa kakasuot ng heels. Ipapahinga ko na muna 'to ha. Mamaya na lang tayo maki join sa kanila."

Nakita niyang mapula pula na ang paa nito. Batid niyang mahirapn nga naman talaga ang magsuot ng ganoong sapin sa paa kaya wala sa loob siyang yumuko at hinawakan niya ang isang paa nito at inilagay iyon sa hita niya. 

"Ano'ng ginagawa mo?" Nanlalaki ang mga matang tanong nito.

"Hinihilot ang paa mo." Simpleng sagot niya.

"aaah." taning sagot nito at tumingin sa may di kalayuan. Bumulong ito sa kanya ng kung ano ngunit malakas ang tugtug kaya hindi niya marinig ang sinasabi nito.

Dumukwang ito upang matapat ang bibig nito sa tainga niya. "Kanina pa sila nakatingin dito sa atin."

"Sino?" Bulong naman niya.

"Ayun." Ininguso nito nag direksyon kung saan naroroon ang parents nila.

Siya man ay mayroon ring napapansin simula pa nang mag-umpisa ang party.

"Pret may hinala ako." Sabi niya rito.

"Huh? What is it?"

"Our parents." 

"Huh?'

"They're probably setting up something."

"What? Hindi ko maintindihan." Naguguluhang tanong ulit nito.

Naputol ang sana ay sasabihin niya nang may tinig na umalingawngaw sa paligid.

TO be continued........

Hehehe Sorry po ... Kailangan ko na raw kasing matulog eh kaya heto naputol ako sa pagtatype hehehe naglakwatsa kasi ako kanina eh kaya hindi nakapag type. hehehe pasensya na. hehhee Peero How was it? okay lang ba? Comment naman diyan.. hehehe kung nagustuhan niyo rin feel free to vote hehehehe

Accidentally InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon