Chapter 39

468 6 1
                                    

 A/N: HELOOOWWW HEllLLOOO!!!! I'm BAck! Hehehe pasensya na po kayo sa matagal na UD ko. Hehe Salamat nga pala sa mga taong patuloy pa rin ang pagsuporta sa Story ko :)) Hehehe Tenkyuuuu Tenkyuuuu ng MOOORami! hehe :))

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Grandpa!!” Reklamo niya sa narinig niyang sinabi ng grandpa niya.

“Bakit? Ano bang masama sa sinabi ko ah?” Painosente pang tanong ng grandpa niya sa kanya.

“The thing is, hindi na pwede iyang sinasabi mo kasi may Fiancee na ako.” Giit niya rito.

“You have your fiancee pero para namang wala diba? Ni hindi ko nga Makita sa inyong dalwa na magfiancee kayo. Para lang kayong magkaibigan.”

“So you mean, sinadya mo talaga kanina yung ginawa mong pagtrato kay Alec na isang alalay? “ Tumayo siya mula sa kinauupuan at nagpatuloy. ” C’mon lo! Hindi mo ako pwedeng I set up sa ibang guy diyan. Lalong lalo na sa isang taong hindi ko kilala.”

“I’m just doing this for you Hija.” Pagpapaintindi nito sa kanya.

“You’re just doing this for my sake? pero hindi niyo naisip ang magiging epekto nito sa akin lalong lalo na at may boyfriend ako.”

“Ahh Basta, hanggat hindi ko nakikita sa boyfriend mo na deserving siya para sayo, hindi ko titigilan ang pagrereto sayo ng lalaking mas babagay sayo.”

“But Grandpa!” Reklamo niya.

“No. You can’t change my mind. Isa pa, sigurado akong magugustuhan mo itong binatang ipapakilala ko sayo. “ May pinalidad sa tono ng pananalita nito. Ininom nito ang kape nito at binasa uli ang magazine na nasa mesa.

“ Kahit sino pa yan, hindi ko siya idedate!” Pagmamaktol niya. At bumalik sa pagkakaupo.

“You know Beatrice, hindi talaga deserving ang fiancée mo para sayo.” Seryosong sabi nito sa kanya.

 "At bakit niyo po naman nasabi yan?" may galit na sa tono ng pagsasalita niya.

Bakit ba niya sinasagot sagot pa ang Lolo niya ng dahil lang kay Alec? Pakealam ba niya kung hindi boto sa kanilang dalawa ang Grandpa niya.

"See you don't even got my point." Sabi naman ng Grandpa niya na umiinom ng kape.

"Because I can't figure out the whole thing that you were supposed to mean." 

"You can't get what I'm trying to explain to you because you were blinded by your feelings." Nakatingin na ito sa mga mata niya at halatang seryoso na ito sa sinasabi. " Napapansin kong binibigay mo lahat ng best mo para sa relationship mo with this  man. But I can't see his efforts on you. Mukha ka lang niyang tine-taken for granted. Hindi ko maramdaman na equal ang feelings ninyong dalawa sa isa't-isa. So tell me, ano bang mali sa gusto kong gawin? You deserve someone better Apo. Huwag kang magtiis sa lalaking hindi ka naman mahal."

Ouch mukhang sapol ako sa mukha doon ah. Alam ko namang hindi ako mahal ni Alec eh. He's just doing this kasi wala pa siyang nahahanap na ideal girl niya. Pero ang marinig ang katotohanan mula kay grandpa? Ibang usapan na yon eh. Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig.

"How can you say that he's not inlove with me?" Sheeemaaaaay bakit parang nag-iinit ang gilid ng mga mata ko? " You didn't even know him"

" Yun ang akala mo. Haven't you knew that I hired an agent to do a background check on him?"

Nabigla siya sa sinabi nito. Ibig sabihin??? Alam na nito ang tungkol sa deal nila ni Alec? Huwag naman sana. Kasi kung ganoon man ay tapos na ang maliligayang araw niya.

Accidentally InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon