Chapter 13

705 10 2
                                    

*Pretzels' POV

Hindi ko na nagugustuhan 'tong mga nangyayaring ito. Ang sarap na ngang ipaluto ng Alec na 'to kasama ng tatlong alipores niyang wala na yatang alam gawin sa buhay kundi ang makialam sa mga bagay-bagay.

Bumalik na lang ako sa cabin namin matapos ang nangyari sa may farm kung saan dumating ang three musketeers na sina Cliffe Miggy at Julian. Nakakastress ang pagsisisihan nila patungkol dun sa ginawa ni Miggy na pagkuha ng picture na sana ay pang blackmail sa akin ni Alec para mapapayag niya ako sa plano niyang kuntsabahin ako sa gagawin niya which is pagpapanggapin niya akong girlfriend niya.

Pagbalik ko sa cabin ay nabigla ako nang maabutan ko ang lima ko pang ka dormmates sa loob.

"O bakit kayo nandito? Diba may mga pasok pa kayo?" Bungad ko sa kanila

"May nangyari kasi kanina sa cafeteria eh." Pagpapaliwanag ni Kess

Ay siyanga pala Hindi ko pa nai-introduce sa inyo ang mga friends ko noh? hehehe se-segue muna aketch. Here it goes:

Candace Vienne Salazar, siya ang pinaka inosente sa grupo. Minsan ang hina pa'ng pumick-up, kumbaga palaging preoccupied sa lahat ng bagay kaya kung minsan eh naglo-loading. Siya ang pinaka clumsy sa amin, palaging may natatabig, at natatapilok, Minsan parang hobby na yata niya nag pagiging tanga, kasi nakakalimutan niya kung saan niya nilagay yung gamit niya tapos hawak lang pala niya. Pero sa aming lahat, siya yung pinaka angelic, literally and figuratively. May mukha siyang mala-anghel at kung may makasakit man sa kanya or na offend man siya in some way eh madali lang niyang pinapatawad at kung minsan nga nakakalimutan na niya agad. Siya ang pinaka mahabagin sa amin. At kung kabaitan lang ang pag-uusapan, bibilib ka talaga sa talent niyang maging mabait. Yon ang dahilan kung bakit marami ang humahanga sa kanya, pero ang pinakamalaking problema sa kanya ay kahit na maraming humahanga sa kanya eh balewala pa rin ang mga iyon kasi napaka hopeless romantic niya na ang trip ay hanapin si Mr. Right. Sa tingin ko naman eh may crushes naman itong si Candace. hindi lang talaga niya trip ang mag share. Hmmm Siguro nainlove na siya in the past pero hindi lang namin maitanong sa kanya ang tungkol don kasi pag love na ang pinag-uusapan ay hindi palagi na lang niyang iniiba ang usapan. Hindi na siguro kasi niya gusto pang balikan ang kung ano mang nangyari in the past kaya naman naghihintay na lang kami kung kelan niya trip na mag share.

Adreanna Eloise Conception, or in short 'Yana' ito naman ang pinaka fashionista sa aming anim. Pero infairnes may K naman siya sa pagiging fashion icon niya. Pero maniniwala ba kayo na halos lahat ng trabaho kaya niya? Mula sa mga gawaing bahay hanggang sa pag-aararo ng bukid, kaya niyang gawin, pati rin sa carpentry magaling siya, hindi maarte. Hindi siya kagaya ng ibang mga sosyal na kahit saan nagdadala ng sanitizer at alcohol para i disinfect ang anumang bagay. Kahit na halatang mayaman siya, makikita mo sa kanya ang image ng isang makamasang dalaga, approachable at maganda.

Kezhia Louisse Trinidad, 'Kess' for short. Ang mother ng barkada, Siya na yata ang pinaka caring sa aming anim. Siya ang taga manage ng budget namin at taga bili ng mga supplies namin sa Enduhmain. Siya ang pinakamaasikaso sa aming anim. Pwedeng -pwede na nga siguro siyang mag-asawa ng dahil pagiging instant mommy sa limang makukulit na gaya namin.

Phoemela Dean Martinez, or "phoem" for short pronounced as femme. Siya ang pinakamatalino sa aming lahat. Ang geek ng barkada. Kahit ano na lang ang napagti-tripan niyang basahin, Mangas, Newspapers, books, dictionaries, at kung anu-ano pa, mga karatula nga sa daan trip niyang basahin (hahaha joke yun ah tumawa naman kayo. XD)

And si Sophia Liz Tan, siya ang pinaka paranoid sa grupo. Ewan ko ba kung bakit pero napaka intuitive mashado nitong babaeng 'to, may sa pagka manghuhula siguro ito noong past lifetime niya kasi sa lahat ng gagawin niya, palagi siyang may possible outcome letters A, B, C, D  kung ano ang mangyayari 

Yun lang, so balik na sa ako sa aking POV,

"Ah iyon siguro yung natapunan ka raw ng pagkain ni Miggy Sophie? yun ba 'yon?" tanong ko kay Sophie na busy sa pagpapakulay ng nails niya kay Phoem. 

"Ipaalala ba naman Pret. Sus! Nakakainis talaga ang mokong na 'yon!" Sabi ni Sophie Habang hinihipan ang kanyang newly painted nails. 

"O next hand mo naman." Ani Phoem kay Sophie na inilagay na ang left hand niya sa unan na pinagpatungan niya ng right hand niya kanina.

"O 'san ka ba galing Pret?" Bungad sa akin ni Yana na may bitbit na bowl ng popcorn mula sa kusina.

" Do'n lang sa tabi-tabi, nagtago muna ako kasi mainit pa yung isyu patungkol sa picture 'don sa bulletin board." Umupo ako sa tabi ni Candace na busy sa panonood ng "Wild Child" na movie sa TV. tumabi naman sa akin si Yana at inalok ako ng Caramel flavored popcorn niya.

"Uie! May something ba sa inyo ni Alec huh? Share naman diyan." Ani Kess sa akin.

" Anong may something?  Wala noh. Yung taong 'yon perwisyo talaga sa buhay ko."

"Pero mukhang may way talaga si Mr tadhana sa inyo ah. Biruin mo diba kayo yung nagkaagawan ng room noon sa Northern dorm diba?" Sabi ni Candace habang hindi lumilingon sa akin at pumapapak ng popcorn.

"Pwede ba Candace huwag mo ngang bigyan ng meaning yung mga phenomenon na ganyan. Coincidence lang 'yon ok?"

"Grabe naman mang trip si 'coincidence' noh?" Panunukso naman ni Kess sa akin.

"Ewan ko sa inyo." sabi ko habang nakikinood at nakiki-kain ng popcorn.

*'ALEC's POV

TIla lahat na lang ng madaanan ko lumilingon sa akin. Sadyang namatay ang isyung bakla raw ako . Salamat doon sa picture na kinuhanan ni Miggy pero heto na naman at iba na namang gusot ang kailangan kong plantsahin. Inakala ng Parents ko na kami na ni Pretzel, kaya hayun kanina tinawagan ako ni Mommy para kumpirmahin ko raw iyon. Sabi pa niya na medyo nagtatampo raw siya sa akin kasi hindi raw ako nag-a-update ng lovelife sa kanya. Nagkwento rin siya sa mga preperations niya para sa birthday ko. Haaay si mom talaga halos "hello" Lang nga ang nasabi ko sa kanya at "I miss you too" kasi pagkatapos ko'ng sabihin ang "I miss you too" Bigla na lang nawala ang linya ng telepono. Babaan ba naman ako?

Naeemagine ko na na aliw na aliw sila sa pinag-ga-gagawa nila. PEro para sa akin okay lang siguro na akalain nilang girlfirend ko si Pretzel. Kunsabagay mas mabigat naman ang mapatawan ka ng isyung bakla ka kahit hindi naman sa pagkakaroon ng isyung may girlfriend ka kahit hindi  totoo.

Pretzel. Pumasok na naman ang pangalan niya sa utak ko. Halos araw araw na lang na pumapasok siya sa utak ko, ewan ko ba at nakakainis na, minsan hindi na ako makatulog ng dahil sa mukha niya ang nakikita ko pagpikit ko. Tapos minsan pa eh naririnig ko lang bigla ang loud voice niya kahit wala naman siya. Ano ba siya? Virus? Aba't perhuwisyo talaga 'tong babaeng 'to sa buhay ko. Kung hindi ko lang kailangan ng pseudo GF na hindi patay na patay sa akin. Hindi ako lalapit sa babaeng 'yon.  

Papunta na sana ako sa last subject ko sa araw na iyon ng biglang may kumalabit sa akin mula sa likuran at hinila ako.

"Hoy! Sino ka? Bakit mo ako hinihila?" Sabi ko sa naka bonnet na lalaki.

Nanlaban ako ngunit may dumating na isa pa at hindi sapat ang panlalaban ko para makawala sa kanila. Tinakpan nila ang bibig at ilong ko at tila nahihilo na ako..

"Teka sa'n ba ninyo ako dadalhin? Ano kailangan niyo sa akin?" Iyon na ang last words na sinabi ko bago puro kadiliman na ang lahat ng nakikita ko at nawalan ako ng malay.

To be continued. ............................ 

Hello! How was it? Thank you for reading this chap :D

 VOTE?COMMENT? :))

Accidentally InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon