Chapter 6

816 16 7
                                    

*Pretzels' POV

Room......

-

-

-

-

-

-

*Drumrolls*

"113" 

"ha.ha.So 'pano ba yan akin 'tong room na 'to. kaya tsupi Mr Zapanta. Tumabi ka diyan sa dadaan ako." Kinabahan ako dun ah. Kala ko ako yung nagkamali. may pagkatanga pa naman ako minsan.

Bumaling naman si Mr. Zapanta sa Landlady namin. " Maa'm sa'n po ako matutulog ngayon kung ganoong mali naman pala ang naibigay niyong room sa akin?"

" Uhmmm, mukhang hindi ka pa ngayon makakapag check-in Mr. Zapanta, naibigay na yata yung susi ng Room 103 sa iba tapos mukhang may umookupa na dun ngayon. So humanap ka muna ng hotel sa Enduhmain para sa  doon ka muna pansamantala habang inaayos namin an aberya. We're very sorry po talaga."

Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha ng lalaki. bakit kaya? pumasok na ako ng tuluyan sa loob ng kwarto ko at hindi na ako nakialam sa kanila.

Humiga na ako sa kama ko at natulog muna. Sinet ko na lang ang alarm clock ko para magising ako before dinner. 

*End of Flashback

*Pretzel's POV

Si Earl Alexander Zapanta na yata ang pinakanakakainis na taong ginawa sa balat ng lupa. Simula ng mangyari ang insidenteng iyon ay parang feel na feel na niya ang pang-aasar sa akin. Halos araw-araw na lang ay binubwisit niya ako at kung pwde lang na paliparin sa mars ang pagmumukha nitonglalaking ito, siguro matagal ko na 'yong ginawa.

Lumipat na nga pala ako sa Enchanted Village, hindi naman dahil sa nangyaring aberya sa akin at sa pagkakamali ng office ng nothern dorm sa pagbibigay ng mga susi, pero kundi dahil sa niyaya ako ng mga bago ko'ng kakilala na mag cabin na lang daw kami sa Enchanted Village dahil nabalitaan raw nila na mas maganda daw ro'n kesa sa nothern Dorm. Kaya hayun lumipat kami nina Candace, Yana ,Kess, Pheome at Sophie.

Nakakuha kami ng cabin na malapit parin sa may lake at may anim na bed sa loob na kasya sa aming anim. 

Doon sa mga cabin pwde ka'ng magluto at ikaw na ang bahala sa paglilinis ng area. Walang mga housekeeper kaya naman kailangan naming magtulungan sa paglilinis at salitan rin kami sa pagluluto.

Heto akongayon palakad-lakad sa tabi ng punong-kahoy sa may lake malapit sa cabin namin, paborito ko'ng spot ito. Tahimik at maaliwalas kasi ang bugso ng hangin dito kaya nakakakuha ako ng piece of mind habang feel na feel ko ang pagmumuni-muni.

Naglakad ako sa may wooden bench at umupo ako 'don.-

-

-

-

umupo ako

-

-

-

suminghot ng preskong hangin

-

-

-

-

haay ansarap talagang magsenti minsan 

-

-

-

"Hoy!" Biglang may sumigaw.

"Ay kamote!" Bigla kong nasabi Panira naman ng moment 'to o!

" Hey Miss Beautiful" Sambit ng nagsalita.

Sa tinig pa lang ay alam ko na kung sino ito. Sigurado akong aasarin naman ako nitong mokong na to. 

" At ano'ng ginagawa mo rito?" paasik na tanong ko sa kanya.

" Wala naman nagpapahangin lang dito sa itaas ng puno." ^_^

" Ah, o nga pala pasensya ka na nakalimutan ko kasing Tarsier ka at palaging nakadikit sa trunk ng puno." Pang-aasar ko sa kanya. Aba't mabuti nang makaganti naman ako sa kanya noh.

"Yeap tarsier nga ako. Tarsier sa puso mo!"

" Magtigil ka nga at naaalibadbaran ako sayo."

" Sus kinilig ka naman. "

" Hoy! hinde a! huwag ka ngang masgsalita ng ganyan at tumatayo ang mga balahibo ko."

" As if namang type kita no! Magpapalapa na lang ako sa mga tigre kung nagkaganoon."

" Che! "

" Uy lumalaki ang butas ng ilong niya... hahaha..... Tapos kanina nilalanghap mo pa yung hangin tapos nakapikit............. Hoy "Jack and jill" (iyon ang tawag niya sa akin kasi raw pretzel ang pangalan ko "jack and jill pretzel" daw kuno) tirhan mo naman kami ng maaliwalas na hangin at hindi yang nilalanghap mo na lahat. Amoy polluted na nga ang hangin na binubuga mo di mo pa kami tinirhan."

" Che! Lamlamin mo'ng kahoy mo!" Nakakapikon talaga 'tong lalaking 'to.

Dumampot ako ng bato at binato ko siya niyon. Sakto namang tumama ang bato sa noo niya at nawalan siya ng balanse at nahulog sa lake.

" Buti nga sayo!" I stuck out my tongue like a kid and ran! Oh well! YEs! nakaganti na ako! ^_^

How was it?  hehe sana nagustuhan niyo...Pasensya na at maiiksi lang ang mga chapters ko. . hehe VOTE? LIKE? COMMENT? 

 Maraming salamat sa pagbabasa ^_^

Accidentally InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon