MULA SA AUTHOR
Ang inyong mababasa ay punong-puno ng ka-bitter-an, reklamo at kadramahan patungkol sa mga ganap, naganap at magaganap kay Magdalena. Mga kuwentong kaepalan at mga isyung napapanahon kahit matagal nang napaglumaan.
Umiikot ang istorya sa buhay ni Magdalena Cantotien. Pero bago mo siya husgahan base sa kaniyang apelyido, basahin mo muna ang kaniyang kuwento.
PAALALA
Ito po ay kuwento lamang.
Ito po ay kuwento lamang.
Ito po ay kuwento lamang.
(Kailangan paulit-ulit para maintindihan.)
Ano mang pagkakatulad sa tunay na pangalan ng tao(lalo na kay Lena, seriously?), lugar, institusyon, organisasyon o kung ano pa man ay nagkataon lamang.
Pasintabi rin dahil masyadong mapaglaro ang imahinasyon ng author, marami siyang pinaglaruang pangalan ng mga kilalang indibidwal. Ano mang istoryang nakalahad dito ay hindi nangangahulugang nangyari sa tunay nilang buhay.
OMG! Huwag kayong ano.
***
Plagiarism is a not crime.
But COPYRIGHT INFRINGEMENT is.Kapag napatunayan, maaaring makulong ng isa hanggang tatlong taon. May multa ring 50K-150K pesos. First offense pa lang yan.
Isa rin itong kasalanang mortal para sa mga manunulat na katulad ko(kahit amateur lang ako).
ALL RIGHTS RESERVED
2016-present
Sinimulan: Basta 2016
Natapos: September 2023
Ang mga sitwasyong aking inilahad ay 2016 dapat ang timeline, pero naguguluhan na ang author sa kung anong panahon ang trip niya. At dahil kuwento lang naman ito, wala kayong paki.
Cheos.
Pahinto-hinto ang pagsusulat ni author sa akdang ito hindi dahil busy siya. Nakakawalang-gana lang ang nangyayari sa lipunan kung saan medyo[as in slight lang] nakabase ang ilang ganap sa kuwentong ito. Pero, dahil hindi ako kasingtapang ni Lena, napakarami ko ng binura.
Okay...
Sige...
Bawi na lang tayo Next Life...
Original title: Oh My Gosh! 'Wag kang T*nga
Pinalitan ko at may natatamaan yata sa last word na 'yan.
Ewan.
BINABASA MO ANG
Bawi na lang tayo Next Life
General FictionDisclaimer: Huwag Kang Ma-trigger. Ang kuwentong ito ay para sa mga bitter. Ilan sa mga paraan ng paggu-goodbye sa Earth ay pagpigil ng sariling paghinga, pagpapatattoo gamit ang pako na may kalawang at pag-inom ng muriatic na hindi expired. Pero...