2: Maging Die-hard Fan

49 7 1
                                    

"Hoy! Magdalenang Cant*tien!? Nakikinig ka ba sa akin?"

Dahil sa boses ni Mesapak na maaaring marinig hanggang sa kabilang avenue, nagbalik siya sa kaniyang kinatatayuan sa loob ng opisina ng editor-in-chief.

"May sinasabi ka ba?" Napalingon siya sa namumutlang mukha ng kabayong nakaupo sa tapat ng malaking mesang kahoy na kakulay ng balat nito noon. Ngayon, hindi na. Salamat sa turok ng gluta at ni Dra. Vecky Vetlog.

Mukha na itong dyosa.

Dyosa ng mga kabayo.

Napapikit naman ang baklang prenteng nakaupo at sinusubukang huminga nang malalim upang kumalma. Lihim tuloy siyang humiling na sana, ang contact lenses nitong kulay asul ay mapunta sa likod ng eyeballs nito.

"Uulitin ko ulit!?" bulyaw nitong mukhang nawalan na ng pasensiya at napatayo mula sa kinauupuan, kasabay ng paghampas sa mesa.

"Huwag na, nakabukas ang recording ng phone ko. Pakikinggan ko na lang hanggang sa magdugo ang tainga ko." Binigyan niya ito ng plastik na ngiti. "I'll go ahead. May meeting pa kami ni Mama Dove."

Nagsimula na siyang humakbang palabas ng elegante nitong opisina na punong-puno ng pekeng bulaklak at glitters sa paligid na parang gay bar lang. Napa-ismid siya nang makita sa salaming nadaanan ang awtomatikong pagbukas nang malaking bunganga nito, na alam ng kahit na sino man kung anong pumapasok.

Siyempre, pagkain.







Bitbit ang bag at isang daang porsiyento ng kaniyang kumpiyansa, lumabas siya ng opisina para magtungo sa coffee shop na tinutukoy ng source niya, walang iba kung 'di si Karen.

Alam naman niya kung saan siya patutungo, ngunit wala siyang kagana-gana. Ang bawat araw na nagdaraan para sa kaniya ngayon ay parang obligasyon na lamang.

Obligasyon na masimulan, at obligasyong matapos.

Pakiramdam niya'y pumapasok na lang siya para sa kinikita. Wala na siyang nararamdamang pananabik. Wala ng 'growth at fulfillment'. Hindi kagaya noon na kahit papaano ay minsan din namang naging interesanti para sa kaniya ang trabahong ito. Ang pagtuklas kasi sa mga lihim ng mga hinahanggaang public figure ay nagmistulang soduko puzzle na dapat niyang mapagtugma.

Noong una nga ay hindi niya maintindihan ang mga trip ng mga tao.

Bakit ba interesado sila sa buhay ng iba na kung tutuusin, wala namang pakialam sa kanila? Same question din para sa mga tsismosa.

Bakit nga ba?

Ano bang mayroon?

Dahil sa trabaho niya ay natuklasan niya ang kasagutan sa mga katanungang 'yon.

Nalaman niya na ang mga makasalanang mortal, hindi man aminado, paraan ng pang-alis ng stress ng karamihan ang malaman, na ang mga taong hinahanggaan, tinitiningala at kinaiinggitan ng lahat ay katulad lang din nila—hindi perpekto, nagkakamali, gumagawa rin ng kalokohan at kabulastugan.

Hindi man direktang sinasabi sa sarili, ang subconscious natin ay palihim na nagsasabing; "Okay lang na ganito ako, kasi, ganoon din naman sila. Hindi sila ganoon kaganda, tumataba rin sila, flat din ang dibdib nila, baliko ang binti nila, kumakabit sila at nakikipag-relasyon sa kung sino, na-eenjoy rin nila at bini-vidiohan pa nga ang mga aktibidades na pang-sekswal. Nagpapakababoy rin sila, just like me."

"Kahit successful sila, hindi rin sila perpekto. Ha-ha!"

Kaya siguro kahit hindi tayo ganoon kasigurado sa balita ay mabilis tayong magpaniwala.

Ganoon din yata ang kaso ng mga tsismosang kapitbahay na may itinatagong inggit sa kapwa.

Kapag nalamang ang anak ng kapitbahay ay hindi naka-graduate, hindi nakapagtapos sa magandang eskuwelahan, o hindi naman kaya nakapag-asawa nang maaga, aba, eh, tuwang-tuwa.

Bawi na lang tayo Next LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon