40: Managinip Nang Gising

30 7 0
                                    





***

Sa loob ng madilim na kuwarto, nakahiga pagilid si Lena habang pangisi-ngisi sa pinapanood na Kdrama. Kaninang hapon pa siya nagbi-bingewatch ng palabas na ito, pero hindi pa rin siya humihinto dahil aliw na aliw siya sa horror-comedy na pinapanood. Hindi rin magkamayaw ang kamay niya sa maya-mayang pagsubo ng potato chips na ninakaw niya sa kabilang kuwarto.

Naistorbo lang siya nang padabog na bumukas ang pinto. Saglit siyang napapikit nang bahagyang pumasok ang liwanag mula sa koridor ng bahay nila. Salubong naman ang kilay niya nang makita si Rody na mukhang masama ang timpla--singsama ng mukha nito.

"Ate Lena! Inubos mo na naman ang tsitsiriya ko!?" bulyaw nito.

"Papalitan ko naman!"

"Sinabi mo rin 'yan noong nakaraan, eh!" tugon nito na inis na napapakamot sa ulo. "Hindi mo naman pinalitan!"

"Aba! Matapang ka na, ah!?" Babangon na sana siya at akmang babatuhin ito ng unan ngunit mabilis lang nitong isinara ang pinto.

"Tambay!" sigaw pa nito mula sa labas at narinig na niyang kumaripas ito ng takbo pababa ng bahay.

Muntik ng ilabas ni Lena ang pangil niya, ngunit agad ding naudlot dahil sa pinapanood niya. Muli lang siyang napatawa na parang baliw nang mamutla ang lalaking bida dahil sa paghabol ng multo rito.

Nang matapos ang episode na 'yon, napagdesisyunan niyang tumigil muna sa panonood. Mag-a-alas nuwebe na kasi at malapit nang mag-umpisa ang inaabangan niyang online podcast. Naglipat lang siya ng windows at binuksan ang platform kung saan mapapanood iyon.

Sa ilang linggo niyang pagiging jobless, naging habit na niyang manood at makinig ng iba't ibang podcast at balita tungkol sa mga nangyayari sa bansa. Isa 'yon sa ginagawa niyang paghahanda habang naghihintay siya ng tawag sa mga in-apply-an niyang broadcasting companies.

Uso man ang MBA system sa bansa(May Backer Ako), naniniwala si Lena na may kumpanyang tatanggap sa kaniya. Basta. Kailangan na niyang maniwala this time, kasi paniniwala na lang ang mayroon siya. Wala ng iba.

Maya-maya pa, lumitaw na sa screen ng laptop niya ang malalaking letra na:

FYI: Dapat alam mo!

Iyon ang pamagat ng podcast na pinangungunahan ni 'Alertong Pinoy', ang vlogger na nakilala niya dahil kay Adam. Ito lang naman ang tumulong sa kanila para ipaalam sa pamamagitan ng isa pa nitong programa sa FB page nito, ang tungkol sa pag-hit and run ng pamangkin ng gobernadora sa isang matanda. Halos ito na lang ang kaisa-isang nagbabalita sa ginawang imbestigasyon na tinawag nitong hokus-pokus na, dahil hanggang ngayon, pagkalipas ng ilang linggo ay wala pa ring nagiging desisyon ang juvenile court.

"Matagal naman talaga silang mag-desisyon. Just take your time, Mga Ma'am at Sir, 'wag n'yo lang sana paabutin sa pagtanda namin," matapang na pahayag ng boses ni Alertong Pinoy kasabay ng mala-action film na sound effects.

"Eh, Boss AP, balita ko, dahil menor siya, maaaring ma-suspend ang parusa sa kaniya hanggang magbente-uno siya?" wika naman ng seksing tinig na kausap nito.

"Iyon ay kung mapaparushan talaga siya," turan ni Alertong Pinoy. "Sa lagay ng nangyayari sa imbestigasyon, mukhang mababaon na lang ito sa limot. Hindi mo ba napapansin, mas lamang ang mga trolls na nagko-comment sa programa natin para pabanguhin ang pangalan nila?"

"Talaga, Boss? Tingnan nga natin kung totoong tao ang mga nagko-comment dito. Mula kay Emilio Vasang, 'Napakabait ng pamilya ng gobernadora, masyado lang kayong mapanira. Hindi naman niya alam ang nangyari, pero nang malaman niya, nagbigay siya kaagad ng tulong'," pagbasa ng babaeng co-podcaster.

Bawi na lang tayo Next LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon