Sakay ng kotse ni Eugene, agad silang nagtungo sa ospital kung saan isinugod si Yumi. Ang sabi ng nakausap ni Ate Mila na parang wala sa sarili, nasaksak daw ito. Magulo ang pagkakakuwento ng tumawag na umiiyak pa nga kaya hindi ito gaanong maintindihan.
Pagdating nila sa emergency room, bumungad ang babaeng duguan na ginagamot ng mga doctor at nurses doon. Napakarami ng nakapalibot kaya hindi nila makita nang husto ang kalagayan nito.
Nagsimulang mapahagulgol si Lena dahil sa pag-aalala. "Yumi, hindi ka pa puwedeng mamatay! Kahit masama akong kapatid, hindi ko gugustuhing mapahamak ka." Natigilan siya nang magtaka. "Bakit siya nakabenda sa mukha? Sa mukha ba siya sinaksak?"
Hindi sumagot ang mga taong nakapalibot na puro naka-doctor's gown at nurses uniform. Kunot-noo lang nakatingin pabalik ang mga ito. Kahit nga ang babaeng nakahiga, sa kabila ng benda sa mukha, alam niyang nakatitig din sa kaniya.
"Yumi, buhay ka?" usisa niya.
Bigla namang may humila kay Lena.
"Ano ka ba? Hindi si Yumi 'yan," pahayag ng kaniyang Ate Mila saka bumaling sa mga ito. "Pasensiya na. Tuloy n'yo lang 'yan."
Dinala siya nito sa hiwalay na silid kung saan naroon si Yumi. Napag-alaman niyang mga med students at nurses pala 'yong nandoon kanina, na nagpa-practice lang ng emergency situation. Napahiya siya roon ng slight.
Pagpasok nila sa silid, sumalubong si Yumi na buhay na buhay at nakakalakad naman. "Yumi, ayos ka lang ba?" Tiningnan ni Lena ang kabuuan nito. "Sabi nila, nasaksak ka raw?"
"Hindi ako. Muntikan lang." At bumaling na ito sa taong nakahiga sa hospital bed. "Kung 'di ako ipinagtanggol ni Gabbi. Pero, hayan at nadaplisan."
"Naku, malayo naman ito sa bituka," wika ng babaeng may panlalaking gupit at malalim na boses. Nakuha pa nga nitong ngumiti kahit nakabenda ang daliri.
"Malayo nga, muntikan ka namang maputulan ng daliri," bulalas ng baklang kasama nito na nakilala nila bilang Carla.
"Ano ba kasing nangyari?" usisa ng Ate Mila nila.
Ayon sa kuwento ng mga ito. Nabiktima ng modus ang tatlo. May nag-text daw sa mga ito na dating katrabaho at nag-aalok nga ng trabaho. Iyon pala, ibang tao na ang kausap ng mga ito, at ang may-ari ng numero na iyon ay nauna na nitong naholdap.
Ibang tao ang sumipot sa napagkasunduang lugar na nagpakilalang taga-HR. Ang sabi, sasamahan daw ang mga ito sa bagong tayong kumpanya. Kaso, sa isang liblib na lugar dinala ang tatlo, kung saan isa pang lalaki ang sumalubong at tinutukan na ang mga ito ng kutsilyo. Kahit mataas ang sinag ng araw, malalakas na talaga ang loob ng mga kawatan.
Ang malas lang ng mga ito, may kasamang palabang tomboy sina Yumi.
"Hindi n'yo pala kilala, bakit pa kayo sumama?" pangangaral ni Ate Mila.
"Ang guwapo kasi niya saka ang sweet magsalita," tugon ng baklang napanguso. "Akala namin, truth ang sinasabi niya."
"Oo, Ate. Nadala niya kami sa matamis na pananalita kaya agad nakuha ang tiwala namin," paliwanag ni Yumi.
"Sayang. Pera at cellphone lang namin ang hanap nila. Kung puri ko sana, hindi na ako tatanggi," dagdag ni Carla na nalipat ang tingin kay Eugene. "Ang guwapo naman ng kuya mo." Napangiti pa ito nang isukbit ang braso sa braso ni Yumi.
"Hindi ko kuya 'yan. Kababata namin 'yan," sagot ni Yumi na hindi nagpumiglas.
"Anong nangyari sa mga holdaper?" tanong ni Eugene.
BINABASA MO ANG
Bawi na lang tayo Next Life
General FictionDisclaimer: Huwag Kang Ma-trigger. Ang kuwentong ito ay para sa mga bitter. Ilan sa mga paraan ng paggu-goodbye sa Earth ay pagpigil ng sariling paghinga, pagpapatattoo gamit ang pako na may kalawang at pag-inom ng muriatic na hindi expired. Pero...