31: Mamulutan ng Lollipop

31 7 1
                                    



Mensahe iyon mula kay Adam. Mayroon kasi siyang medyo illegal na ipinakiusap sa pinsan nitong isang magaling na hacker. Hindi naman ito tumanggi dahil hobby nitong maging curious, agad din nitong inalam kung sino ang nasa likod ng FB page na 'StarScoop'.

At ito na nga ang mga nakuha nitong impormasyon.

Dati raw itong Kpop stan pero kataka-takang last year, bigla itong nagpalit ng pangalan at naging malisyosong FB page na lamang. Isa sa mga hula ng pinsan ni Adam, ang page na ito ang pasimuno sa pagsisiwalat ng mga matitinding scandal ng mga artista mula pa noong isang taon. Pero, mukhang diversion tactics lang iyon para pagtakpan ang mga iskandalong kinasasangkutan ng ilang mayayaman at makapangyarihang pulitiko. Dito raw kasi nagsisimula ang mga kuwentong kinakagat din ng ibang showbiz culumnist at mas lalo pang nilalagyan ng istorya bago malathala.

Ngunit ikinagulat ni Lena kung sinong admin ng naturang FB page--walang iba kundi ang dating showbiz commentator na si Chris Ty na napatalsik sa sariling show, dahil sa pagpapakalat ng fake news. Ang babaeng taklesa na may hitsura at young-looking ay na-label bilang number one sinungaling, kaya kahit may online show ay hindi na gaanong napapansin. Kaya siguro nagpapaka-anonymous na lamang ito sa pamamagitan ng FB page na iyon.

Pero, mukhang ang naturang page, nagagamit pa ng iilang tao para sa pansarili nitong interes. Ang problema, paano siya makakakuha ng ebidensiya ng paninira nito laban sa kaniya? Mukhang kailangan niya talagang kumuha ng lawyer para mapaimbestigahan ito.

Muling nag-vibrate ang phone niya, pero this time, tawag na iyon mula kay Karen.

"Naku, Friend. Sorry talaga?" pagbungad nito sa tila nagdadalamhating tinig. "Kasalanan ko kung bakit ka na-suspend. Tell me, paano ba ako makakabawi sa 'yo?"

"Huwag ka nga riyan, may kasalanan din naman ako. Naging malisyosa rin ako," pag-amin niya na muling naalala ang sinabi ni Direk Bernal.

"What if, mag-club kaya tayo ngayon? Nasaan ka ba? Pupuntahan kita."

"Naku, Karen, paladesisyon ka rin--"

"Sige na, wala ka namang gagawin. Free din naman ako kasi wala si King," pangungumbinsi pa nito na nabanggit pa ang nobyong may conference na in-attend-an sa Baguio.

"Okay, sige," pag-ayon niya at nag-abang na siya ng masasakyang taxi.

Napagkasunduan nilang magkita sa Neptune, isang club para sa mga young elites. Hindi pa siya nakakapasok doon pero balita niya, hindi lang mayayamang Millenials at Gen-z ang dumarayo roon, pati na rin sikat na artista at celebrity.

Nang makita siya ni Karen, nadismaya ito sa ayos niya. Sa bagay, sa suot niyang blouse at pants, aminado siyang mukha lang siyang assistant nito. Hinaltak tuloy siya nito patungo sa kotse. Saglit itong may hinagilap sa loob kung saan mayroong ilang luxury bags. Pagharap nito sa kaniya, may hawak na itong maikling shorts at silver crop top.

"Magbihis ka nito pagpasok natin sa loob," utos nito.

"Puwede naman na siguro itong pantalon ko," pahayag ni Lena na napaturo sa suot.

"Hindi. Kasi ang shorts na 'yan, bagay sa high heels na ipapasuot ko sa 'yo." Muli itong may hinanap sa loob ng sasakyan at pagharap nito, may hawak na itong silver five inches high heels.

"Baka naman madapa ako niyan, Karen?" pagdududa niya.

"Ano ka ba? Hindi ba, na-practice na kita ng catwalk noong nagpanggap kang model para sundan ang isang model-actress dati?" pagpapaalala nito na tinitigan pa siyang maigi. "Ano ba 'yan, Lena. Bakit wala kang make-up?"

Bawi na lang tayo Next LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon