35: Mahibang sa Kdrama

38 7 2
                                    



***

Nang mga sumunod na araw, mas lalo pang kumalat sa buong bansa ang issue. Eni-expect ni Lena na tatawagan siya ni Gobernadora Anastascia Felicidad para pagbantaan siya. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin itong ginagawa. Mukhang busy pa ito sa naturang iskandalo. Baka napagsabihan din ni Mr. Felicidad kaya tumigil na ito sa kabaliwan nito.

Nabalitaan na nga niyang nagsimula nang mag-imbestiga ang mga pulis sa tunay na nangyari. Baka na-pressure na rin dahil sa comments ng mga keyboard warriors online. Pinalitan pa nga ang chief of police sa kanilang nasasakupan.

Sana lang ay totoong imbestigasyon na ang gawin ng mga ito. Hindi tamang porke't kaalyado ay pagbibigyan na ang mga ito.

Ang buong akala niya nga, maiimbestigahan siya dahil sa recording pero hindi. Lumitaw kasi ang isa sa mga kasama ng pamangkin ng gobernadora, at umaming totoo ang nilalaman n'on. Huli na nang malaman niyang, anak pala 'yon ng isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa. Kaya siguro, malakas din ang loob.

Sa ngayon, narito si Lena sa silid nila ni Yumi. Medyo nasasanay na siyang maging tambay online. Bukod sa pagsa-shopping sa LaZhoppie, nawili na siya sa kakanood ng Kdrama. Nahawa siya kay Yumi na parang baliw na ring tumatawa at umiiyak mag-isa sa madilim na kuwarto. Hindi niya akalaing magaganda rin pala ang mga iyon.

Habang ngumunguya ng chichiriya, nakasandal siya sa unan dito sa kama at nagbi-binge watch ng isang Kdrama dito sa laptop. Tapos na siya sa kakatawa kanina dahil ngayon, nakaka-frustrate na ang mga eksena. Nangyayari naman ang mga ganito sa totoong buhay, 'yong pinagtagpo pero hindi nakatadhana. Kaso, nakakasama pa rin ng loob. Kuwento na nga lang ito, hindi pa gawing happy ending? May malala rin yatang pinagdadaanan ang mga screenswriter sa Korea, at gusto nilang idamay ang viewers.

'Yong sa parallel universe nga nagkakatuluyan, samantalang ang dalawang bida sa pinapanood niya, naghiwalay dahil sa LDR?

Teka, may kilala pala siyang iyon din ang dahilan. Nevermind.

Mas lalo niyang itinuon ang paningin sa pinanonood. Nasa last episode na siya pero hindi pa rin niya malaman kung sinong tatay ng anak ng bida. Patawarin.

Mukhang nasa break-up scene na siya dahil sa mabibigat na linyang binibitiwan ng mga ito. Papatulo na nga ang luha niya nang biglang may nag-vibrate.

Inis siyang napalingon sa side table kung saan umiilaw ang phone niya.

Kinuha na niya at baka importante. Sana lang hindi scam.

Mukhang hindi naman dahil si Karen 'yon. I-p-in-ause niya muna ang pinapanood para sagutin ito.

"Lena, ano? Gora?" pagbungad nito.

Nangunot ang noo niya. "Gora saan?"

"Magsa-shopping tayo, 'di ba?"

Napatingin siya sa oras sa laptop. Ala una nang hapon. Oo nga, nawala sa isipan niya ang usapan nila.

"Wala ako sa mood ngayon." Parang gusto niya muna kasing matapos itong series na sinimulan niya kagabi. Halos kain at pag-CR na nga lang ang break niya.

"Magtigil ka at kinansel ko na ang date namin ni King," pag-e-emote nito. "Ano, susunduin kita?"

"Ano ka ba? Mas malapit ka na diyan, pupunta ka pa rito?" bulalas niya na walang magawa. Isa pa, kabaliwan na diktahan ng isang palabas ang chance niyang makagala sa labas ng libre. Minsan na nga lang ito.

"Sure ka?"

"Oo, tapos sabay na tayo sa mall, deal?" suhestiyon ni Lena.


Bawi na lang tayo Next LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon