***
Matapos ang umaatikabong presscon, satisfied at may kumpiyansang naglalakad si Lena palabas ng bagong gusaling ipinagawa raw ng nakaraang administrasyon, kahit hindi naman.
'Di pa man siya nakakalabas sa babasaging pintong salamin, naririnig na niya ang ingay ng malakas na pagpatak ng ulan. Nasisilip niya rin sa kalangitan ang nangingitim na ulap. Wala man siyang dalang payong, hindi naman agad uminit ang kaniyang ulo.
Sa totoo lang, nitong mga nakaraang buwan, hindi na gaanong umiinit ang kaniyang ulo. Paminsan-minsan na lang. Siguro ay dahil masaya siya. Masaya siya sa kaniyang pamilya. Masaya siya sa itinatakbo ng career niya. Buhay na buhay siya dahil nagagawa niya ang kaniyang gusto. Ang magbalita ng tungkol sa nangyayari sa bansa at sa karaniwang mamamayan ang matagal na niyang pangarap. Its somehow fulfilling kahit hindi pa rin kalakihan ang kaniyang sinasahod.
Sa lagay ng puso niya, katulad ng problema ng bansa, hindi basta-basta mareresolba. Pero, actually, hindi naman niya kailangan ng lalaki sa buhay niya, lalo na ang taong nakapagwagayway na ng pulang bandera.
Kaso, mukhang ang ulan sa labas ay hindi pa basta-basta titila at wala siyang dalang pananggalang. Pero ang lalaking dumating na handa siyang sunduin, may dalang payong. Natanaw na niya itong bumaba sa nakaparada nitong kotse sa tabi, saka ito pumasok sa babasaging pinto at ngayon ay naglalakad na papalapit sa kaniya. Simple itong ngumiti at kahit pa may pasa ito sa gilid ng mukha, hindi nito naitago ang kaguwapuhan ng lalaki.
Ano ba itong naiisip niya?
Tama pa ba ito o muli na naman siyang nagpapadala?
Pero...puwede naman yatang magkaroon ng exception, depende sa effort ng tao?
Puwede pa rin naman sigurong mag-try para malaman kung mananalo o matatalo?
Hindi ba, mas magandang sumubok muna at lumaban bago sumuko.
At kung 'di pa rin uubra at talo pa rin, okay lang siguro.
Eh di...
Bawi na lang tayo Next Life.
***Wakas***
Para Sa'yo
Maraming salamat sa pagbabasa.
Tinapos ko na ito at baka umabot pa ito ng 2026.
2016 ko talaga ito sinimulan, promise. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya tuloy-tuloy na naisulat. Lumihis-lihis na nga ito sa pinaka-main plot at reason kung bakit ko ito isinulat. Ewan ko ba. Baka totoo na 'yong isinusulat mo talaga minsan ang may kontrol sa nangyayari sa loob ng kuwento. Ayaw kong maniwala sa ganoon pero this time, parang totoo. Parang naging tagapag-type lang ako ng kuwento na ito.
Anyway sana nagustuhan ninyo. At kung hindi, okay lang din. Kayo na lang magsulat.
Charut...Hahaha.
BINABASA MO ANG
Bawi na lang tayo Next Life
Ficção GeralDisclaimer: Huwag Kang Ma-trigger. Ang kuwentong ito ay para sa mga bitter. Ilan sa mga paraan ng paggu-goodbye sa Earth ay pagpigil ng sariling paghinga, pagpapatattoo gamit ang pako na may kalawang at pag-inom ng muriatic na hindi expired. Pero...