23: Magkaroon ng Death Threaths

29 6 0
                                    


***

Naging 'abnormal' para kay Lena ang mga sumunod na araw. Hindi niya masabi kung maganda ba na nagka-lovelife si Mesapak, pero hindi na ito masyadong bitter sa buhay. Madalas na itong ngumiti at nakukuha pa ngang mang-asar sa kaniya.

Ang kaso, medyo nakakadiri lang ang madalas nitong pakikipaglampungan sa editorial's office.

"Hay... kawalang-gana," komento ni Adam na umiwas na ng tingin nang mapadaan ang dalawa sa department nila.

Paturo-turo si Mesapak na akala mo, nakikipag-date sa amusement park. Umiirit pa ito at maya-maya ay hinampas sa balikat si Migs. Sa lakas n'on ay muntik na itong bumaliktad. Sayang at 'di natuluyan.

"Hayaan mo na. Nagdadalaga, eh," sagot niyang hindi apektado sa mga ito. Agad na niyang ibinalik ang mata sa isinusulat na kasunod ng scoop tungkol kay Kimmy Choo. Mga blind item pa rin galing kay Eugene.

Hindi raw sila dapat tumigil hangga't 'di nagpapakita ng reaksyon ang babaeng iyon. Gusto itong konsensiyahin ni Eugene. Pero ang tanong, kung may konsensiya pa kaya ito? Eh, sa pamumuhay ng babae na panay ang pagpa-plug ng pelikula at album sa variety show nito, parang wala itong problema.

Katulad ni Eugene, malakas din ang paninindigan niya na ipagpatuloy ang pagsusulat tungkol sa gobernadora. Mukhang wala nga rin itong balak na pansinin ang mga pasaring niya, sa kabila ng ilan sa mga netizens, binabanggit na kung sino at saan nangyari ang hit and run.

Mas lalo ngang tumindi ang paghahangad niyang masiwalat sa lahat ang totoo, lalo na nang tawagan siya ni Dianna noong nakaraang gabi. Bigla kasi itong humingi ng pabor na tigilan na niya ang pagsusulat patungkol sa mga Felicidad. Baka raw nagkamali lang ng nakita ang mga witness na naunang nakausap nito noon. Kaya nga raw ilag ang mga ito na magpakilala at magbigay ng pahayag.

Puro papuri na nga sa mga Felicidad ang narinig niya mula kay Dianna. Ang bait-bait daw ng anak ng gobernadora. Binayaran na raw kasi nito ang natitirang bill sa ospital. Pati nga raw ang utang nito sa kanila, handa nitong bayaran.

Mas lalo pang dumiin ang pagtitipa niya sa kaharap na keyboard.

Mukhang tinotoo ni Anya ang sinasabi. Madali lang talagang tapalan ng pera ang lahat.

Naistorbo lang siya nang mag-vibrate ang kaniyang phone. Hindi niya sana ito sasagutin nang makita ang pangalan ni Karen, pero baka kasi importante. Tutal, coffee break na, tumayo muna siya at nagtungo sa pantry.

Nang sagutin niya 'yon, bahagyang nakalayo sa tainga niya ang phone. Kailangan niya muna itong pakiramdaman. Baka kasi, para na naman itong manok na kinakatay.

At hindi nga siya nagkamali. Tumitili nga ang hitad niyang bestfriend since highschool.

Nang marinig niya mula sa malayo na huminto na ito, pinakinggan na niya ang sasabihin nito.

"Oh bakit?" tanong ni Lena.

"Girl!" Muli niyang inilayo ang phone. Pero, dinig niya pa rin ito. "Si King!"

Tila naghuhurumentado ito kaya bahagya siyang nag-alala. "Bakit? Anong nangyari sa kaniya?"

"Kami na!" Halos mawalan na ito ng hangin sa pagkasabik.

"Walang*ya ka. Akala ko kung ano na?" asik niya. "Paanong magiging kayo? Nanliligaw ba siya?"

"Oo, eh. Ang torpe kasi niya. Akala ko super-bait lang niya. 'Di ko nga alam na ilang buwan na pala siyang nanliligaw." Umirit na ito na tila nasilihan ang p*wet.


Napangiwi si Lena. "Hanga naman ako sa pagkamanhid mo? Hindi ba nga, mula noong mag-break kayo ng ex mo, hinahatid at sinusundo ka na niyan?"

"Na-misinterpret ko kasi ang pagiging gentleman niya. Wala naman siyang sinasabi, 'yon pala, may nararamdaman na siya sa akin!"

Bawi na lang tayo Next LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon