30: Maging Tambay na Palamunin

27 7 0
                                    



Sa isang class na restaurant sa ESEM Southwest ninais ng mama ni Lena na makipag-meet. Nakaupo na siya sa table sa tabi ng glass window at ilang minuto na ring naghihintay. Saka naman ito biglang tumawag para mag-last minute cancel. Hindi nga nito sinabi ang dahilan at bigla na lang siyang binabaan.

"Hello, Ma?" tanong niya sa kabilang linya. "Ma!" Halos sumigaw pa siya sa phone kahit obvious namang wala na siyang kausap.

Napatingin sa kaniya ang lumapit na waitress. "Mag-o-order na ba kayo, Ma'am?"

"Sorry. Hindi na." Tumayo na si Lena at humakbang palabas ng resto habang muling sinusubukang tawagan ang ina.

Kahit nagri-ring ay hindi naman ito sumasagot. Umabot na nga siya sa may railing ng second floor na ngayon ay mataas na ang harang. Natigilan lang siya dahil mula roon, mistulang nag-zoom in sa first floor ang mga mata niya sa pamilyar na lalaking naglalakad papasok ng entrance.

"Bakit nandito si Eugene? Nakabalik na ba siya?" Sinundan pa niya ito ng tingin hanggang sa maglaho ito sa ilalim.

Nagsimulang humakbang ang mga paa ni Lena para maabutan ito. Kaagad siyang nakasakay ng escalator habang sinusubukan niyang tawagan ang numero ni Eugene. Nakakapagtaka lang na 'cannot be reach' ito. Inilibot na niya ang mata sa paligid at agad niyang natanaw ang lalaki na papaliko sa kabilang side ng mall.

Pagbaba ni Lena sa first floor, lakad-takbo na siya para mahabol si Eugene. Pagliko niya, napatingala siya dahil puro comfort rooms na pala ang naroon.

Naglakad siya papasok sa pahabang coridor at sumimple sa pagsilip sa CR ng mga lalaki. Nang may lumabas nga ay agad siyang lumampas at kunwari ay papasok siya sa Female CR. Ngunit agad din siyang bumalik at sumilip ulit.

Mayroon pang isang harang kaya lakas-loob na siyang pumasok, para tumingin. Pero puro urinal lang ang nakita niya.

"Miss, bakit ka nandito? CR ito ng mga lalaki."

Halos lumundag ang puso ni Lena dahil sa tinig ng mamang nasa bandang likuran. Pagharap niya, isang lalaking naka-polo at mukhang nasa early 30's ang bumungad.

Kaagad naman siyang ngumiti. "Ah, survey lang po."

"Survey ng alin?" taka ng lalaki.

Hindi rin siya sigurado pero may agad lumabas sa bibig niya. "Kaunting katanungan lang, totoo bang ang size ng pagkalalaki ay base sa size ng kaniyang sapatos?"

"Ha? Walang scientific basis 'yan," sagot ng lalaking bahagyang nangunot ang noo. "Pero, saang survey ba ito? University student ka ba?"

Naalarma na si Lena at hindi ini-expect ang sagot nito. Inakala niyang aalis ito agad at tatawaging siyang baliw, pero base sa pananamit ng lalaki, mukhang mataas ang pinag-aralan nito.

Alanganin na siyang ngumiti at agad pumihit patalikod.


"Miss, sandali?"

Mukhang ito pa yata ang hahabol sa kaniya, pero hindi na siya lumingon at mas binilisan ang paglakad-takbo. Dahil sa kaniyang pagmamadali, muli siyang sumakay ng escalator patungo sa itaas. Nawala na rin sa isip niya si Eugene.

Pero, baka naman, namamalikmata lang siya kanina? Sinabi kasi nitong one week ito sa California, at ilang araw pa lang ang lumilipas.

Nang makatapak siya sa second floor, muli siyang tumayo sa railing at tinanaw ang first floor. Mukhang dumarami ang tao dahil uwian na rin sa kaniya-kaniyang trabaho.

Muli niyang kinuha ang phone sa bag. Gusto niya sanang tawagin ulit si Eugene pero baka magsayang lang siya ng panahon. Nalipat ang pansin niya sa dalang ecobag. Saka niya lang naalala na may dala pala siyang malaking pera. Pagala-gala pa siya kung saan?

Bawi na lang tayo Next LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon