Dahil naroon si Kimmy Choo na naka-mask man at cap, agad niyang nakilala nang salubungin nang yakap si Eugene.
"Im so glad na okay ka na!" bulalas nito habang yapos-yapos pa rin ang lalaking napatingin sa kaniya.
Pinilit din nitong magpumiglas. "Please, 'wag mo itong gawin. Kasama ko ang special someone ko."
Bumitiw na si Kimmy at hinarap si Eugene. "Give me a chance to talk to you, please? Tumakas lang ako kahit last shooting day namin."
"Iwan ko na muna kayo," paalam ni Lena na hahakbang na sana pero hinawakan ni Eugene ang braso niya.
"Hindi na kailangan, Lena."
Nagsimula naman na sa madamdaming piece ang babaeng hindi niya malaman kung tapat ba sa sinasabi o umaarte lang.
"All this time, ang tanging idinasal ko lang ay magising ka na, kasi gusto kong makausap ka, para malinawan ang lahat ng misunderstanding sa pagitan natin." Nagsimulang mangilid ang luha nito.
"Misunderstanding? Nakita ng dalawang mata ko na magkasama kayo sa isang VIP suite ng lalaki mo." May hinanakit sa tinig ni Eugene nang sabihin iyon.
"I know its my fault. Im so drunk that time. Hindi ko dapat hinayaang mangyari iyon. Kaya nga, hindi na kita hinabol," pagmamakawa ni Kimmy na napakapit pa sa mga braso ng kausap. "I know, you heard some things, but believe me, not all of that is real." At agad ng umapaw ang luha nito katulad ng pag-iyak nito sa mga pinagbibidahan nitong teleserye.
"I don't know," pag-iwas ni Eugene na hindi ito matingnang nang diretso.
"Eugene, please? Mahal mo pa rin naman ako, 'di ba? Puwede bang bumalik ka na lang ulit sa akin? Hindi ko kayang wala ka!" madamdaming pagmamakaawa nito habang nakatingala sa mukha ng lalaking ngayon ay nakatingin sa kaniya. "Gagawin ko ang lahat ng gusto mo, please?"
Tumalikod na si Lena at hindi talaga niya forte ang drama. Ayaw na ayaw rin niyang makakita ng mga babaeng clingy na kulang na lang ay lumuhod sa lalaking kinababaliwan nila,kahit pa totoo o hindi ang inaarte ng babaeng ito.
"Lena, saan ka pupunta?" pagtawag ng kababata. "Hindi ko kayang mag-decide mag-isa. Naguguluhan ako. Mukha lang akong strong-willed person ngayon, pero hindi pa rin ako nagbabago. Marupok pa rin ako."
Nangunot lang ang noo niya nang muling humarap sa mga ito. "Ano?"
"Mahal kita, pero mahal ko rin si Kimmy. Isa lang naman ang puso ko pero, hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito," turan pa ng lalaki na tila hirap na hirap sa ngayon.
"Baka naman dinagdagan nila noong nasa ospital ka." Napaikot na ang mata ni Lena sa pagkainis. Gusto na nga niya itong sapukin sa panga. "Talaga pa lang nabagok ang ulo mo? Anong pinagsasabi mo?"
"Kailangan ko ng pagmamahal at positivity ngayon pero hindi mo 'yon maibibigay, kasi nga ni-reject mo na ako, 'di ba?" muling wika ng tulirong kababata. "Kaya, Lena, okay lang ba sa 'yo kung makipagbalikan ako kay Kimmy?"
Napasapo sa bibig ang babaeng agad nangislap sa tuwa ang mga mata. "Totoo ba 'yan, Eugene?"
"Hindi pa pumapayag si Lena," sabi ng lalaki na mukhang inaantay pa yata ang sagot niya.
Bumaling tuloy si Kimmy na mukhang abang na abang na rin sa kasagutan niya.
"Ewan ko sa inyong dalawa! Ang weird ninyo! Tama! Magsama kayo! Sana maging masaya kayo!" bulyaw niyang padabog ng iniwan ang mga ito.
Narinig pa niya ang pagtili ni Kimmy na malamang muli na namang niyakap si Eugene.
***
BINABASA MO ANG
Bawi na lang tayo Next Life
General FictionDisclaimer: Huwag Kang Ma-trigger. Ang kuwentong ito ay para sa mga bitter. Ilan sa mga paraan ng paggu-goodbye sa Earth ay pagpigil ng sariling paghinga, pagpapatattoo gamit ang pako na may kalawang at pag-inom ng muriatic na hindi expired. Pero...