***
"Bye, Lena! Bye rin, mga poging escort ni Lena!" Kumaway na si Adam pagkalabas nila sa office building. "Sana all, my escorts!" pahabol nitong napairit pa.
"Talaga? Eh 'di sana all, may death threats?" pagganti niya na napangiwi.
Alanganing tumawa si Adam. "Hindi na. Sapat na sa aking makita silang binabantayan ka. Sige na, bye!" Tuluyan na itong nagpaalam nang makita ang kotse ni Eugene.
Sumakay na siya roon at hinayaan ang mga escort niyang magtungo sa parking. Mala-ninja kumilos ang mga iyon kaya kahit mauna pa sila ni Eugene na umalis, makakasunod at makakasunod ang mga ito.
Nang humalo na sila sa kakalsadahan, napalingon sa kaniya ang kababata saka ito nagtanong, "Galit ka pa rin ba sa akin?"
"Hindi ako para magalit sa 'yo," tugon niya na tiningnan ito. Mistulang binabasa siya ni Eugene na parang bukas na libro.
"Huwag kang mag-alala. Im sure, kapag nagising na ang pinsan ko, makakabawi na ako sa 'yo."
"Kailan pa iyon?" usisa ni Lena. "Pero bakit ba hindi pa rin siya nagigising? Sabi mo, hindi naman ganoon kalala ang sinapit niya?"
"Hindi ko rin alam. Mahilig kasi siyang magpuyat, baka bumabawi lang siya ng tulog," seryosong tugon nito.
Tinitigan niya lang ito. Paano nito nakuhang magbiro sa seryosong bagay gamit ang seryosong ekspresyon? Nagbago man ang lahat kay Eugene, mukhang nanatili ang weird nitong sense of humour.
Napakamot pa ito sa leeg nang hindi siya nag-react. Laking pasasalamat pa nga ni Lena na nag-ring ang phone niya mula sa bag, sponsored by Karen's Mom. And speaking, heto na naman ang hitad. As usual, kailangan niyang ihanda ang tainga mula sa impact ng pagtili nito.
Pero, kataka-takang hindi matining na boses ang bumungad sa kaniya, kung 'di ang paghagulgol nito.
"Lena, si King!"
Kaagad siyang naalarma. "Bakit? Anong nangyari kay King? Naaksidente ba siya?"
"Lena, si King!" pag-uulit nito. "May iba na siya!" At lalo pang lumakas ang pag-iyak nito.
"Paanong may iba na siya?" laking pagtataka niya.
Nagsimula naman si Karen sa pagpapaliwanag, "Kasi...kanina, nakita ko siyang may kasama siyang babae sa isang resto. Noong tinanong ko kung sino iyon, hindi siya makasagot, kaya nakipag-break na ako!"
"Iyon na iyon? Baka naman pinsan niya 'yon?"
"Hindi. Kilala ko lahat ng pinsan niya! Alam ko, ibang babae niya iyon. Sawa na siya sa akin!" patuloy na pag-iyak nito.
"Huwag ka na munang mag-tamang hinala. Baka may dahilan lang siya na hindi niya masabi--"
"Lena, bakit sa kaniya ka kumakampi? Ako ang bestfriend mo, ah?" pagputol ni Karen na mukhang pati siya aawayin.
Humugot siya nang malalim na paghinga.
"Bakit? Anong nangyari?" tanong ni Eugene na saglit napalingon.
"Si Karen--" Naputol ulit ang sinasabi niya nang rumatsada na anag bibig ng kaibigan.
"Lena, ayoko nang makita si King kahit kelan! Pinaasa niya lang ako! Buw*sit talaga mga lalaki! Mamatay na silang lahat!" pagbalahaw nito na agad ding natigilan. "Yes, ma'am?" Mukhang may iba na itong kausap.
At sa lakas ng boses nito, naririnig niya iyon sa background. "Ganito ba talaga ang service niyo sa hotel na to!? Kanina pa kita tinatawag, hindi ka sumasagot. Iyon pala, may kausap ka sa phone?"
BINABASA MO ANG
Bawi na lang tayo Next Life
General FictionDisclaimer: Huwag Kang Ma-trigger. Ang kuwentong ito ay para sa mga bitter. Ilan sa mga paraan ng paggu-goodbye sa Earth ay pagpigil ng sariling paghinga, pagpapatattoo gamit ang pako na may kalawang at pag-inom ng muriatic na hindi expired. Pero...