34: Maging Troll

34 7 1
                                    



Balak ni Lena na mag-troll magdamag gamit ang mga dati niyang FB accounts. Nag-ready na nga siya ng thermos at ilang sachet ng 'CoffeKo' para gising na gising siya. Kailangan kasi niyang antabayanan ang mga anonymous article na inilalabas ng StarScoop. Siya man ang nagsusulat ng 'follow-up' n'on, dapat alerto pa rin siya sa magiging reaksyon ng netizens.

Masigasig siya sa pagbabasa. Nakikisali rin siya sa pagkokomento with good manners. Kailangan 'yon para mapaniwala niya ang mga ito na wala siyang masamang hangarin.

Actually, medyo nawawala siya sa pokus. Palipat-lipat kasi siya ng windows. Naalala niya kasing i-add friend si Eugene last time pero hanggang ngayon, hindi pa rin nito ina-accept 'yon. Ninais man niyang i-stalk ang account nito, wala naman siyang ibang makita bukod sa profile pic nito sa tuwing nagpapalit ito.

Ano kayang itinatago ng isang ito? Bakit kailangan pa nitong mag-private ng account?

Maya-maya pa, muntik nang mapatalon si Lena sa kinasasandalan niya sa kama. Mabuti nga at hindi nagising ang topakin niyang kapatid na nakabaliktad at naghihilik sa tabi niya. Nakatulog pala siya nang 'di niya namamalayan. Pagtingin niya sa oras sa laptop, pasado alas dos na. Binalikan na niya ang article at agad siyang nabuhayan nang makitang, ang ilan sa mga comments, nabanggit na ang pagkaka-hit and run kay Mang Julio.

Kaagad siyang sumali sa comment section na kasalukuyang binobomba ng iba't ibang katanungan. Isa rin siya sa kunyaring walang alam at nagtanong.

[Talaga? 'Yan ba 'yong nangyari sa Katang-a-han?]

Maraming tumugon na nilinaw pang hindi talaga ang gobernadora ang may kagagawan n'on.

[Ah, mukhang hindi nga. Kung ganoon, ang pamangkin niya pala?]

[Hala! Baka nga!]

[Bakit naman pagtatakpan?]

[Itinatago sigurong dr*g addict ang pamangkin?]

[Talaga bang anak sa labas?]

[Hinay-hinay sa comments. Baka ma-MBI tayo.]

[Masyado kang duwag, paano ka nabubuhay?]

[Malamang humihinga. Vovo ka?]

Hindi mapigilan ni Lena na mapatawa dahil nagbabardagulan na ang mga ito. Sa mga seryosong usapin tulad nito, hindi talaga mawawala ang ilan na mahangin. 'Yong nasobrahan sa pagka-hangin at dumiretso na sa ulo.

Ilang daang komento pa ang kaniyang nabasa dahil nalilibang siya sa mga opinyon ng mga ito.

Napaismid si Lena. Tingnan lang niya kung anong magiging reaksyon ng gobernadora.

***

Maganda ang naging gising ni Lena kinabukasan. Mas maganda pa siguro sa umaga. Napakagaan at fresh ng pakiramdam niya kahit pa mag-a-alas kuwatro na siya nakatulog. Pagbangon niya, iniangat niya ang dalawang kamay at malaya itong iniinat, maging ang kaniyang katawan. Saglit siyang dumiretso sa CR para magmumog at maghilamos. At dahil nasa kuwarto ang thermos na may sapat pang mainit na tubig, doon na rin siya nagtimpla ng kape.

Hawak ang medyo mainit na tasa, binuksan niya ang kurtina ng bintana at pinagmasdan ang asul na kalangitan, pati na rin ang kalapit na mga bubong ng kabahayan may pailan-ilan pang pupu ng pusa. Hindi niya 'yon gaanong inintindi at marahang nilanghap ang aroma ng 3-in-1 na kape.

Matapos makapagmuni-muni, binuksan niya ang laptop para tingnan ang FB page ng StarScope. Matamis pa rin ang pagkakangiti habang patuloy na nagba-browse pababa.

Pababa...

Nang pababa...

Nang pababa...

Unti-unting nabura ang kaniyang ngiti, na ngayon ay napalitan na ng pangungunot ng noo.

Bawi na lang tayo Next LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon