***
Sapo-sapo ni Lena ang ulo nang magising kinabukasan. Nakatalukbong pa nga siya sa ilalim ng kumot. Kahit ilang beses nang tumunog ang kaniyang alarm, makailang-ulit niya lamang itong pinapatay. Tinatamad pa rin ang buong sistema niya sa pagbangon. Kung puwede nga lang, hindi na muna siya papasok.
Ang bigat-bigat ng ulo niya, pero walang-wala iyon sa bigat na nararamdaman ng puso niya. Parang may nakadagan dito na 'di niya mawari. Parang may mapait na pumupuno sa kaniya. Pakiramdam niya nga, nalalasahan niya na ito sa kaniyang lalamunan. Nakakasulasok at nakakasuka, pero hinding-hindi niya maisuka. Hinding-hindi niya mailabas. Mistula ngang namamanhid na ang buong katawan niya.
Hindi niya namalayan kung anong oras siya nakatulog kagabi. Paulit-ulit lang kasing naglaro sa isipan niya ang mga napag-usapan nila ng impostor na iyon--ng impostor na bumitag sa buong puso niya.
It was all a 'big mistake' daw. Iyon ang sinabi ng lalaki. Hindi raw nito sinasadya. 'Curious' lang daw ito sa babaeng kinahumalingan ng bestfriend nito--ng totoong Eugene. Sa kagustuhan nitong alamin kung anong mayroon sa first love ng kaibigan nito, hindi na nito naitama ang mga maling pag-aakala ng mga taong nakapaligid sa kanila.
"I'm really sorry. Ilang beses ko namang binalak na sabihin. Mula pa noong in-invite kitang makipag-meet kay Dove. I just don't know kung bakit 'di ko masabi agad. Sinubukan ko rin noong reunion, pero hindi kita nakita."
"Bakit hindi mo sinabi kina Karen at King!?" bulyaw ni Lena kagabi.
"I tried noong reunion, pero inakala lang nilang nagbibiro ako. You know Eugene, masyado siyang mapagbiro. Hindi ko na ipinilit dahil ayaw kong ma-spoil 'yong party," paliwanag nito gamit ang sinsirong tono.
"That's why, pinuntahan kita sa inyo. But I don't know why I keep missing my chances. I guess, I was just mesmerized that I met you. Dahil sa mga ikinukuwento ni Eugene about you, pakiramdam ko, nakilala na kita." That guy smiled a bit, lovingly. "But meeting you was different. I guess, I just want to get to know you better. 'Yong mapalapit ako sa 'yo just like Eugene. I just want to--"
"Gusto mo akong maniwala sa mga mala-fairytale mong linyahan!?" Pero hindi siya nito mauuto. "Well, hindi ako gaya ng ibang babae na madadala mo mo sa mabulaklak mong pananalita! Umalis ka na sa pamamahay namin at ayaw na kitang makita, kahit na kailan!" Pinagtulakan na niya ito sa pinto at agad na pinagsarhan.
Mas lalong bumigat ang paghinga ni Lena. Buwisit na buwisit pa rin siya sa tuwing naalala niya ang mukha ng mapagpanggap na 'yon.
Paano nagawa ng lalaking iyon na tumitig sa mga mata niya habang nagpapaliwanag na mga kasinungalingan? Paano nito nagawang magsalita na parang totoo ang sinasabi nito? Para kasing tumagos iyon sa puso niyang namamanhid na rin sa sakit.
Hindi. Magaling lang itong umarte. Iisipin na lang niya, para siyang na-prank. Tama. Gaya ng ginagawang pagbibiro ng mga vlogger kuno na bini-video-han ang mga panloloko nila, saka i-a-upload online para sa views. Pero at least, ang mga nabiktima nila, may natatanggap na pera bilang kapalit. Eh siya? Anong napala niya? Wala. Sakit lang sa dibdib at sa ulo.
Napalakumos na si Lena sa buhok kasabay ang pagsigaw.
Paano kung matuluyan na siya kaka-overthink?
Inis pa siyang pumadyak-padyak sa kinahihigaang kama habang nakatalukbong pa rin.
Nagulantang lang siya nang padabog na bumukas ang pinto kaya siya napabangon at lalong sumigaw.
"Ate Lena? Bakit? May nakapasok bang magnanakaw?" pagbungad ni Rody na may hawak na pahabang bote ng suka na iniamba nito sa 'di nakikitang kalaban.
BINABASA MO ANG
Bawi na lang tayo Next Life
General FictionDisclaimer: Huwag Kang Ma-trigger. Ang kuwentong ito ay para sa mga bitter. Ilan sa mga paraan ng paggu-goodbye sa Earth ay pagpigil ng sariling paghinga, pagpapatattoo gamit ang pako na may kalawang at pag-inom ng muriatic na hindi expired. Pero...