18

124 11 6
                                    

His Mark

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang mga mukha ng pagtataka nila Amirah. Agad akong napaupo ng makita silang lahat na nasa aking kwarto. Napadako ako kay Nyx ngayon na nakaupo sa kabilang kama na mukhang kama ni Hailey. Nakapikit siya habang ginagamot ni Vincent. Nag init agad ang pisngi ko ng maalala ang nangyari kagabi. Bigla nila akong kinausap dahilan para itago ang aking expresyon.

They were all wearing a new set of uniforms which I think they always do after battling the demons outside the school grounds. Except for Nyx who is still wearing the same clothes he was wearing last night. I panicked and checked out what I had worn only to see that there were no traces of blood on my sleeping wear.

"Normal na ba ang nararamdaman mo, Kiara?" ngising tanong ni Dominic.

"Sinabi ni Nyx na pumunta daw siya kaninang madaling araw upang bantayan ka,"si Hailey.

"Inapoy ka daw ng lagnat," si Amirah.

"Pasensya ka na, nagging abala kami sa paghahanap ng lunas para sa sugatang mga estudyante kagabi," paliwanag ni Isabella.

"Hindi inapoy ng lagnat si Kiara. Alam kong may kakaibang nangyari." ngising sabi ni Kairo.

Agad naming naramdaman ang unti-unting paglamig ng temperatura. Dahilan upang mapatingin kami sa kanyang gawi. Matalim siyang tumitig kay Kairo habang ginagamot pa rin siya ni Dominic. Uminit ang aking pisngi ng maalala ang totoong nangyari kagabi.

"Calm down, Nyx. He was just joking." pagpapakalma ni Dominic. Agad akong kumalma ng makitang nawala ang kanyang aura.

"Ayos lang ang aking pakiramdam. Nasobrahan lang siguro ng pagod ang aking katawan kahapon kaya ako nagkasakit." I lied. Nakita kong sumulyap siya sa akin at ngumisi na tila biglang gumanda ang kanyang aura matapos marinig ang aking sinabi.

"Kung ganun ay hindi ka papasok sa mga klase mo at hindi ka pwede mag-ensayo," matabang sabi ni Amirah.

"She will have training with me whether she like it or not," singit ni Nyx na ikinagulat ko. Napatayo siya at sinuot ang kanyang white na polo dahil mukhang tapos na siyang gamotin ni Dominic.

"Tonight is her first mission with the assassin's group in the superior class. See you after your first subject." Seryosong sabi niya bago lumabas ng aming kwarto.

Umawang aking labi ng marinig iyon sa kanya. Hinawakan ko ang aking tagiliran at napansin na nawala ang aking mga sugat maging ang sugat sa aking braso ay nawala din. Napatingin ako kay Dominic at tumango siya sa akin at ngumiti bago sumunod kay Nyx. Wala ding sinabi si Kairo at Vincent kundi sumunod na lamang sa paglabas ng pintuan ng aming dorm room. Napatingin sa akin sila Amirah na parang may kakaibang nangyari.

"Nag-iba ata ihip ng hangin," ani ni Isabella.

"Anong ginawa mo kay Nyx? Biglang nagbago isip," Hagikhik na sabi naman ni Hailey.

"May nangyari ba Kaira na hindi naming alam?" tanong naman ni Amirah. Umiling-iling ako sa kanila.

Hindi na sila muling nagtanong at nag- ayos ng kanilang mga gamit. Ako naman ay kumuha ng aking uniporme. Ikinagulat ko ang uniporme ng nakasabit sa aking drawer pagbukas ko ay bumungad sa akin ang isang puting long sleeves, isang coat na kulay itim na may logo ng academy sa kaliwang dibdib nito. Para akong natulala sa pag kakasabit na unipormeng iyon wala sarili ko iyong kinuha at dumeretso sa banyo upang maligo.

I stared at my reflection in the mirror before entering the shower. As I washed my hair and my body, memories of the things that happened began to flood my mind. Slowly, I now understand why my mother and my brother do not want me to enter this academy. It is already clear to me that finding my father was a real deal and at the same time it will not be easy. I need to find a way to learn about the academy's secrets, what is beneath the walls and the rules why the north wing cannot be entered by students.

Surira Academy: Game Of Ruins (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon