21

122 9 0
                                    

First Mission

Third Person's POV

Biglang yumanig ang buong academy at lumabas ang ilaw mula sa labas ng Hall of Light hanggang sa kalangitan ng academy. Nagulat ang lahat sa nangyari at may ilang estudyante ang hindi alam kung anong nangyayari. Napatayo sa kinauupuan ng headmaster at ang principal sa kakaibang enerhiya na pumapalibot sa buong eskwelahan maging ang liwanag. Palubog na rin ang araw ngunit dahil sa liwanag na iyon ay tila na antala ang paglubog tuluyan ng araw.

"Nagising na ang Espada ng mga Himala. Sa aking palagay, ay nagawa niya," nakangiting sabi ng headmaster.

 "The waiting of humanity for 6,000 years is finally over. After so many years, someone finally understood the test. Those who are drowned by curses clearly can't see what is ahead. Only those, with faith and believing can reach the peak and persuade the Sword of Miracles." sabi ng principal habang nakatingin sa bintana.

Namangha ang ilang mga estudyante habang tumititig sa kakaibang liwanag. Ito ang una nilang pagkakataon na makakita ng ganitong kalakas na liwanag sapagkat pagpumatak ang oras ng kadiliman ay nababalot na lamang ng katahimikan ang academy. Kuryoso din na dumungaw sa bintana ang Oracle council dahil hindi nila akalain ang nangyayari maging si Nyx na nakahiga sa kama ay nararamdaman ang kakaibang enerhiya na mas malakas sa kanyang kapangyarihan kaya naman ay napamulat ang kanyang mata.

Nanatili namang nakadungaw sa bintana si Amirah dahil nakikita niya ang mga susunod na mangyayari sa academy ngunit kay Kiara ay hindi niya alam kung bakit hindi niya mabasa ang mga susunod na pangyayari sa kanya. Sa kabilang dako ng academy, kung saan walang estudyante ang nakapasok sa madilim na bahagi ng north wing ay ang isang bulto ng lalaki ang nakatanaw at nakangising tumitig sa building na iyon. Kinuyom niya ang kanyang kamao at sinuot ang puting maskara bago tuluyang naglaho sa ibang direksyon. Nawala na rin ang liwanag ng matapos ang sampung minuto, iyon ang unang pagkakataon na nangyari sa buong academy.

Samantala, naghihintay lamang si headmistress sa tapat ng pintuan ng kusang bumukas iyon at nakita niya si Kiara na nagtataka at hinahanap ang kanyang espada dahil mukhang hindi niya pa alam kung saan ito nagpunta. Umiling-iling si headmistress at nilapitan siya.

"Now, that you've merge with them the sword is inside of you," paliwanag ni Headmistress sa kanya. Hinawakan ni Kiara ang kanyang dibdib ay lumiwanag nga iyon may enerhiyang nakapalibot sa kanya at lumitaw sa kanyang harapan ang espada na iyon. Hinawakan nya iyon at namangha siya sa ganda ng kanyang espada kasabay ng pag-apoy nito

"The twin spirits and the sword have become a whole. It will get stronger as you grow. Its potential is enormous," puri sa kanya ni Headmistress.

"Kiara, sa matagal na panahon ito ang isa sa dalawang spiritual weapon na nasa atin," seryosong saad ni headmistress.

"The phoenixes bowed down and the throne is yours. This is a one-way journey beset with challenges and dangers." Madiin na sabi ng headmistress.

"Huwag po kayong mag-alala, Headmistress Macie. Dahil ako ang pinili ng espadang ito hindi ako susuko sa misyon at hindi ako tatangi." Mariin na sabi ni Kiara. Nagulat and headmistress sa kanyang katapangan.

She was reminded of her teacher who stood up for her when she was in the midst of adversity of being thrown out of the academy. She sees it in his daughter who was standing in front of her. Tears started to fall from her eyes as she remembered the words her teacher told her.

"It seems that Astra Light and Pyro Novis picked the right person. Go, may the glory of the sword blessed you. Take the Alliance to light, Daughter of Light." Nakangiting sabi ni headmistress sa kanya naguguluhan na tumingin sa kanya si Kiara dahil sa kanyang huling sinabi.

Surira Academy: Game Of Ruins (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon