14

122 16 1
                                    

Vortex

Dominic's POV

"Captain, sino na ang napili mo?" tanong ni Vincent kay Nyx na nakangisi.

Dalawang oras na ang nakakalipas ng naroon na sa Mansion of Elements ang lahat ng mga bagong estudyante at nasa kani-kanilang mga kwarto na inatasan sa kanila. Ang huling pagsusulit bago ka makalabas ng tuluyan sa maze at makapunta sa bundok kung saan naroon ang mga crests na nakatago. Ang panghuling pagsusulit ay ang pag tagisan ng kanilang mga abilidad. Nababalot na rin ng kadiliman ang buong paligid ng academy dahil ika-lima na ng gabi at tahimik na rin ang buong paligid. Sa loob ng Academy mabilis ang oras maging ang pagpalit ng araw sa gabi.

"The outstanding students that will be able to survive until the end." tipid na sabi niya.

Tinignan ko isa-isa ang bawat monitor na nakatutok sa mga bagong estudyante na nasa loob ng mga rooms. Napailing-iling na lamang ako na wala pang ni isa sa kanila ang nakalabas sa mansyon na iyun. Maging ang lalaking nangunguna sa mga bagong estudyante ay mukhang nahihirapan sa pagsusulit na ibinigay sa kanya. Napatingin ako sa malaking clock na nasa itaas ng dome at napailing.

15: 58: 59

Ang natitirang oras nila sa loob ng dome at mukhang wala pa yatang makakalabas ng maze bago sumapit ang dilim. Mapanganib dahil wala silang mga lampara o kahit anumang kagamitan. Hindi rin nilang pwedeng gamitin ang kanilang mga puntos sa pagpalit ng mga items na pwede nilang gamitin. Maging ang kanilang abilidad dahil pag gabi lumilitaw ang mga halimaw maging ang mga clone na nakaprogram sa game o ang NPC's.

"Ilang oras kaya bago sila makakalabas?" tanong ni Isabella.

Lahat kami ay tinutukan ang bawat isang estudyante na nasa mansyon ngunit nasa iba't-ibang acreage of elements. Bumaling ako sa kwarto kung saan naroon si Kaira. Kumunot ang aking noo ng nakatayo lamang siya sa loob noon na tila walang ginagawa at hindi katulad ng ibang mga estudyante na nahihirapan makipaglaban sa kani-kanilang mga takot. Unti-unting umangat ang isang pintuan na nasa loob ng kwarto ng kinalalagyan niya. Nakakasilaw ang liwanag na nagmula sa pintuan iyun.

"Sa tingin ko sa loob ng tatlong oras pa bago mangyari iyun." sagot naman ni Amirah kay Isabella.

"Masyadong mahirap ang pagsusulit na inihanda niya ngayong taon." saad ni Kairo.

"Hindi ba naaawa ang principal sa kalagayan ng mga bagong estudyante?" tanong naman ni Hailey.

"Kailangan nilang mapatunayan na karapat-dapat silang mapabilang sa paaralan natin. Dahil mas marami pang pagsubok ang kanilang mararanasan sa mga susunod na araw na narito sila sa loob." sagot ko sa kanila.

"Even if they pass the test they have to prove that they are strong enough to handle the next levels. " aniya ni Nyx na nagpatigil sa amin.

"This school is not for people who are scared and weak. It is built for extraordinaries who are strong." dagdag pa niya.

"Alam mo Nyx, lagi ka na lang seryoso." saad sa kanya ni Hailey.

"Kaya nga Captain, hindi ba pwedeng kahit isang araw lang hindi ka seryoso." ani naman ni Vincent at hindi na lang umimik si Nyx sa kanyang sinabi.

Napatingin ako kay Gavril na mukhang malalim ang iniisip habang nakatitig sa screen. Halos magdadalawang oras na ang nakalipas ng wala pa ring nangyayaring maganda sa loob ng maze. Bumaling ako sa malaking salamin na nasa kaliwang bahagi ng kwarto kung saan makikita ang headmaster kasama ang headmistress at ang principal. Nasa kabilang kwarto kung saan naroon ang magandang view ng buong arena. Napansin kung bumukas ang pintuan kanilang likuran at pumasok ang isang lalaki na galing sa control room. Lumapit siya kay Headmaster at mukhang may ibinulong.

Surira Academy: Game Of Ruins (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon