Announcement
Third's Person's POV
Nang magmulat ng mata si Nyx ay napagtanto niya nasa isang puting silid na naman siya na lubos niyang pingatataka. Napahawak siya sa kanyang ulo dahil iniisip niya kung ano ba talaga ang mga nangyayari. Hindi niya maalala kung paano siya napadpad roon. Nagulat din siya ng makita ang kanyang ama kasama ang Principal sa loob na nagbabantay sa kanya.
"What are you doing here?" nakakunot ang kanyang noo na tumingin sa kanyang ama. Hindi niya inaasahan na ang unang mukha na bubungad sa kanya ay ang kanyang ama.
"You've been taken to this clinic because you lost consciousness after you went missing for one day," paliwanag ng Principal sa kanya.
"Ngayon ang araw ng pagdalaw ng iyong pamilya sa academy at narito sila hanggang sa anniversary ng academy." dugtong pa ng principal.
Napahawak siya sa kanyang ulo si Nyx dahil pilit niyang inaalala ang nga nangyari. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng principal sa kanya.
"W-where did you find me?" nahihirapan na tanong ni Nyx habang hawak ang kanyang sumasakit na ulo.
"Vincent took you to the oracle hall wherein we had a meeting yesterday." paliwanag ng kanyang ama.
Pinakalma niya ang kanyang sarili habang unti-unting nawala ang kanyang masakit na ulo.
Magsasalita na sana siyang muli ng bumukas ang pintuan at bumungad si Zanara kasama sila Hailey at si Isabella. Pumasok sila kasama ang ilang mga healers. Ang nakakatandang kapatid ni Nyx na babae naman ay nanatiling nasa kabilang silid dahil labis ang natamo ng kanyang nakakatandang kapatid na lalaki.
"Nyx, how are you feeling?" nag-aalalang tanong ni Zanara sa kanya at lumapit rito.
Hindi siya pinansin ni Nyx dahil tumayo ito at kinuha ang kanyang uniporme na nakasabit sa upuan. Hindi siya sinuway ng kanyang ama o ng principal dahil ramdam nilang tila may kakaiba sa asta ni Nyx. Masama niyang tinitigan si Zanara na lubos na ikinatakot ng dalaga.
"Nyx, you still have to stay in this clinic until you are okay," sabi ng kanyang ama. Masama ang kanyang tingin sa kanyang ama at tumayo.
"I'm going back to my room. Mas makakapahinga pa ako sa lugar na iyong kaysa rito," hindi na siya napigilan nila Hailey at Isabella. Maging si Zanara ay natameme sa inasta ni Nyx na lubos niyang ikinagulat.
Lumabas ng kanyang kwarto si Nyx ng walang paalam. Nagtaka sila sa kakaibang kinikilos ni Nyx. Dahil hindi siya ganito pag bumibisita ang kanyang ama or ang kanyang fiancee. Napatingin si Isabella kay Hailey dahil ang kanilang nalaman ay gusto na nilang sabihin ngunit hindi nila alam kong papaano.
"May kakaibang nangyari sa anak mo Nephtali. Napansin mo ba?" tanong ng principal sa ama ni Nyx. Bumaling ang ama ni Nyx sa kanya at tumango.
"I knew my son very well. He won't walk out like this just because he's annoyed with his fiancee. Nyx would always be the silent type of a lion," paliwanag ng kanyang ama sa prinicipal. Napaupo sa sahig si Zanara dahil sa kanyang takot.
"T-those eyes it's creepy," nauutal na sabi ni Zanara. Napatingin sa kanya ang Principal at nagulat na nakaupo na sa sahig ang kanyang anak. Mabilis niya itong dinalohan.
"What did you see, Zanara?" tanong ng Principal sa kanya.
"H-his eyes are purple, dad. It's scary." naiyak na sabi niya. Nanlaki ang mata ng principal at bumaling sa ama ni Nyx.
Naguluhan ang dalawa ding dalaga na si Hailey at Isabella. Alam na nila ang kasagutan pero tila may alam ang principal at ang ama ni Nyx kung ano iyon.
"This can't be, that experiment has gone missing for how many years now. That's impossible," naguluhan na sabi ng ama ni Nyx.
BINABASA MO ANG
Surira Academy: Game Of Ruins (ON-GOING)
FantasiaUnedited. Welcome to Surira Academy. Home for those who have special abilities, trained to fight against demons. Date Started: July 2020. Date Republished: July 4, 2023