13

150 22 0
                                    

Acreage Of Flames

Nagising ako sa ingay na aking narinig. Minulat ko ang aking mata at tumingin sa paligid. Maliwanag na ang buong paligid at tila bumalik na ako sa loob ng maze. Unti-unti akong bumangon at napadako ang tingin sa aking kamay at namangha ng makitang nawala na ang sugat na aking ginawa. Dahan-dahan akong tumayo at nagulat ng lumitaw ang scroll sa aking harapan na para bang lumulutang sa ere.

Kinuha ko iyun at binasa. Nakacross out na ang unang simbolo na aking natapos. Unti-unting lumitaw ang sumunod na simbolo. May dalawang mata na tila nakapikit ang aking nakita. Kumunot ang aking noo at muli tumingin sa paligid. Lumitaw sa aking paningin ang mga paru-paro na mukhang nagtuturo ng direction sa maze na ito. Sinundan ko ang mga iyun hanggang a makarating ako sa isang lugar na puno ng mga bulaklak.

Namangha ako sa ganda at dami ng mga iba't-bang klase ng bulaklak na aking nakikita. Mula sa malayo ay pansin ko ang mga bulaklak na tila kumakanta at sumasayaw kasabay ng hangin. Nakuha ng aking atensyon ang kakaibang puno na nasa centro ng mga bulaklak. Dahan-dahan akong lumakad patungo sa punong iyun. Namangha ako ng makitang kusang humahawi ang mga bulaklak na tila gumagawa ng daanan para sa akin.

Nanlaki ang aking mata ng makita ang totoong itsura ng puno. Ang kanang bahagi ng puno ay puno ng makukulay na dahon at mukhang may kakaibang enerhiya na nagmula sa bahaging iyun. Samantala, sa kaliwang bahagi naman ng puno ay puno ng mga patay na tangkay maging ang itim ng kulay nito ay makikita. Dahan-dahan kong inangat ang aking kamay upang hawakan iyun ng makita ang mga numero na nasa aking pulso.

1780

Tumingin ako sa crystal watch na nasa aking kamay, umangat ako ng isang level. Kumunoot ang aking noo at sinubukang tanggalin ang mga numerong nasa aking kamay ngunit tila parang nakatatak na iyun sa aking pulso. Napadako ulit ang aking tingin sa punong iyun ng unti-unting gumalaw iyun at nag kumpulan hanggang a magkaroon ng butas sa gitna noon. Muling lumitaw ang isang kamay at muling umukit sa hangin.

'The entrance to the ecstatic realm. You are not allowed to talk nor to shout.'

I blinked twice as it created a barrier. I looked around as the flowers began to vanish and the cloud began to change its color to pitch black. I looked back at the larger tree in front of me that had stopped moving, only revealing a large hole between both sides. My feet started to walk towards the entrance even though I was clueless what was inside. I sighed helplessly before closing my eyes and entering the hole between the trunks.

Kailan ba matatapos ang pagsusulit na ito? Is this really the game?

Naramdaman ko ang kakaibang enerhiya na bumabalot sa akin ng makapasok ako maging ang unting pagbabago ng atmosphera sa aking paligid. Sinubukan kong buksan ang aking mga mata ngunit may pwersang pumipigil sa aking upang gawin iyun. Napatigil ako sa aking paglalakad ng marinig ang kakaibang ingay mula sa kung saan. Unti-unti akong nakaramdam ng kakaibang enerhiya sa aking katawan na tila gustong lumabas.

The dazzled station is one of the stations that my grandmother told us about. A place where your eyes are useless. You must listen to your senses and avoid using your eyes.

If this is the second setting, then I must finish it.

Alexander's POV

Kanina pa tahimik ang buong paligid ng academy at halos lahat yata ng estudyante ay nasa kani-kanilang mga dorms dahil gusto nilang panoorin ang pagsusulit na nagaganap sa loob ng Scheming Maze. Nandito pa rin kami sa monitoring room habang pinagmamasdan ang bawat mga bagong estudyante na nasa loob. Maging ang headmistress, headmaster at ang principal ay nakatutok sa screen ng nasa kanilang kwarto.

"Ang boring, kailan ba matatapos ang pagsusulit na ito?" tanong ni Dominic.

"Tatlong oras na ang nakalipas. Wala pang ni isa as kanila ang nakalabas ng maze." saad naman ni Vincent.

Surira Academy: Game Of Ruins (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon