15

105 16 1
                                    

Threat

Third Person's POV

Limang minuto na lamang ang natitirang oras bago matapos ang oras sa pagsusulit ng mga bagong estudyante. Sampu sa kanila ang nakalabas mula sa mansion at kasalukuyang papunta sa bundok upang hanapin ang mga crest na susi para sila ay mapili ng mga committee. Habang ang sampu ay kasalukuyan pa rin nasa loob ng mansion. Nanatiling blackout sa loob ng Surira Academy at ang mga estudyante ay patuloy pa rin nangangamba sa kung anong pwedeng mangyari sa loob ng lugar kung saan nagsusulit ang mga bagong estudyante.

Nakalabas ng mansion si Kiara at dinala siya ng kanyang abilidad sa bundok kung saan naroon ang crest. Minulat niya ang kanyang mga mata at namangha siya ng malaman na nakakalipad na siya. Napatingin siya sa kanyang crystal watch at napansin na mula sa level 10 ay naging level 20 na ang nakalagay maging ang kanyang puntos ay tumaas. Napasinghap siya ng maramdaman ang sugat sa kanyang paa ngunit inida niya iyon at ng makababa siya ay paika-ika siyang lumapit sa isang puno.

Napatingin siya sa taas at napansing tumigil ang oras. Napansin niya ng limang minuto na lamang pero hindi na ito gumagalaw. Agad siyang naging alerto sa kanyang paligid ng marinig niya ang mga sigaw sa di kalayuan na parang mga kaklase niya na may mga kalaban.

Dahan-dahan siya naglakad papunta sa lugar na iyun at nagtago sa mga malalaking damo. Natagpuan niya ang ilan sa mga kaklase niya na tila may mga kalaban na parang mga hindi pamilyar na tao. Ilan sa kanyang mga kaklase ay sugatan at napansin niya rin na parang kakaiba din ang kinikilos ng mga taong na iyun. Nakasuot sila ng itim na maskara at naka puti na coat upang itago ang kanilang buhok at uniporme. Napadako ang kanyang tingin sa kanyang kaklase na isang babae ang inangat habang hawak ang kanyang buhok. Tatayo na sana siya ng makaramdam na patuloy pa lang kumalat ang lason mula sa kanyang paa paakyat sa kanyang buong katawan.

Mabilis niyang hinawakan ang kanyang relo at lumitaw ang hologram na kung saan pwede siyang makabili ng pang tanggal sa kanyang lason. Nanghihina niyang brinowse ang kanyang shop at nanginginig na pindutin sana ang item na iyun ng unti-unting nanlabo ang kanyang paningin. Unti-unti din niya naramdaman na naging paralyzed ang kanyang buong katawan.

Samantala, sa loob ng monitor room patuloy pa rin naghahanap ng paraan ang headmaster upang ayusin ang kanilang server. Naging masyadong nataranta ang mga infernal committee at nagtipa sa kanilang mga computer. Ilang saglit pa ay nadecode nila muli ang system pero tila may nakita pa rin silang kakaiba. Lumapit ang isang miyembro ng infernal sa headmaster na mula sa superior class.

"Headmaster may natanggap po kaming video sa isa sa mga file. Possible pong may nakapasok sa system natin sa ating academy na nahack po ang buong controls ng academy ngayong araw na ito." Saad ng estudyante sa headmaster. Kinuyom ng headmaster ang kanyang kamao sa narinig at sinabi niyang buksan ang video na iyun.

Tumango ang babae at muling bumalik sa kanyang upuan. Nagsisilbing kuryente nila ngayon ang isang dragon na alaga ng headmaster at sa abilidad niya upang magamit ang mga computer. Huminga siya ng malalim upang pakalmahin ang kanyang sarili. Mas lalo dapat nilang hinigpitan ang seguridad sa entrance exam na iyun. Lumitaw ang video sa screen at nakilala niya agad ang misteryosong bulto ng isang lalaki na nakaputi na coat kahit hindi makita ang kanyang mukha.

"Nagustuhan mo ba ang aking regalo Zaragoth. Gusto kong malaman mo na sa nalalapit na Ruins hindi ko hahayaan na may mabuong demon hunters mula sa paaralan niyo. Kaya ngayon sisimulan ko sa mga munti mong mga bagong estudyante. Ayaw mo pa rin ibigay sa akin ang susi. Pero alam kong darating ang araw na ibibigay mo sa akin ng tuluyan. Maghihintay ako at paalala Zaragoth, marami akong mga mata sa paligid mo kaya mag-ingat ka. Ngayon panoorin mo kung paano mawasak ang mga bagong estudyante mo sisiguradohin ko na wala ng gustong pumasok sa paaralang iyan." Paliwanag ng taong nasa video bago nawala ang video na iyun.

Surira Academy: Game Of Ruins (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon